Chapter 8

2 0 0
                                    

SUNSHINE POV:

    Hayy panibagong araw, panibagong pakikibaka na naman. By the way kasama ko ngayon sina Jessy at Nicole at kung nagtataka kayo kung nasaan ang weirdo kung Bff? Ayun maagang nagkampo sa loob ng library. Nung una magkasama kami, e sa nagutom ako at parang wala naman siyang planong kumain...on diet ata ang isang yun? So ayun, umalis na lang ako at sakto namang na salubong ko ang dalawang to at sakto namang cafeteria rin ang tungo nilang dalawa kaya nakisabay na lang ako. Mas mabuti na nang may kasama kesa sa maging out of place ako sa isang yun.

"Nga pala nasaan si Hellary?" Kapag kuwan ay tanong ni Nicole.

"Ahh...yun? Iniwan ko...parang wala naman kasing planong samahan ako nun" napatango-tango naman silang dalawa. Naglalakad kami sa hallway ng biglang—

  *SPLASHHH!!*

"KYAAHHH!!"

Napatili kami naman kami dun dahil sa biglang pagbuhos mula sa ibabaw namin ng tubig at hindi lang basta-basta tubig lang, isang balde na mainit na tubig lang naman.

Shit! Ang init!! Buti na lang may coat ang uniform namon pero kulang parin eh... Dali-dali ko namang hinubad ang coat ko. Nakarinig naman kami ng tawanan kaya napatingin ako kung sino yun...at walang iba kundi yung mga  bwesit sa cafeteria kahapon na si Apple, parang mansanas lang.

"What can you feel slut ?" Nang-aasar na tanong nito sa amin. Tinignan naman namin sila ng masama ng mag-umpisa silang tumawa na parang mga baliw. Marami naring napapahinto na mga istudante at nagbubulungan.

"Naku nakakaawa naman sila at sila pa ang naging target nina Apple"

"Oo nga, bakit ba sila pumatol kahapon eh"

Yun ang mga bulong-bulongan at marami pang iba.

"Ano bang kasalanan namin sayo?!" Galit na tanong sa kanya ni Jessy.

"Sayo wala! Pero sa dalawang to, Oo! Lalong-lalo na sa malanding to!" Sabay duro kay Nicole. Abat! Walang hiya! At bakit tinatawag niyang malandi si Nicole?!

"Ano bang ibig mong sabihin?!" Pati si Nicole ay hindi na rin nakapagpigil pa.

"Nilandi mo lang naman ang boyfriend ng Muse!" Huh? Ano raw, Muse?? Nag-umpisa namang muling magbulungan ang mga istudante na nanunuod sa amin.

"FYI walang sila!" Sabat naman ni Jessy. "At hindi kasalanan ni Nicole kung siya mismo ang kusang lumalapit sa kanya!"

*PAAAKK!!*

"Lower level ka lang kaya wala lang kwenta!"

Nang gagalaiting sinampal ni Apple si Jessy kaya sumabat na ako kahit naguguluhan parin.

"Ikaw ang walang kwenta! Kung alam mo lang kung gaano kitang gustong sampalin!" Nanggigil na sabad ko duro.

"Bakit natatakot ka?"sabat ng isa niyang alipores na tila inaasar pa ako ng impaktitang to! Tinaasan ko naman ito ng kilay. "Hindi eh...kasi naisip ko sayang ang ganda ng mga palad ko kung idadapo ko lang diyan sa mukha mo o sa mukha ng impokrita niyong leader 'kuno'" lahat naman ng nakarinig ay napasinghap at sa isang iglap ay nagsisugod ang alipores nito.

Lalaban na sana ako ng may pumigil sa dalawa kung braso na mga alipores niya, kaya kahit anong pagpupumiglas ko ay nagawa parin nilang pigilan ako. Ganun din sa dalawang kaibigan ko. Mas marami nga lang sa akin. Ang rami nila bwesit! Kaya wala na akong magawa ng mag umpisa nang sampalin at tadyakan ako ni Apple at ganun rin ang ginawa nila sa dalawa. Ng magsawa na sila ay pinakawalan na kami.

DIVINE POWER: The Lost MoonlightWhere stories live. Discover now