Chapter 6

8 1 0
                                    

SUNSHINE POV

This is it pancit!! Hooo!! Excited na ako!! Suot ko na ang uniform ko at medyo tumaas ngalang ako dahil sa heels hehehe...dream come true to mga chong! Ok na ako sa heels alam ko naman kasi na Wala na talaga akong pag-asang tumaas pa...

  Napagpasyahan ko nang lumabas sa kwarto ko at baka Hindi na ako makalabas sa kakabuhat ng sariling bangko..nauna na akong mag breakfast at hindi hinintay Ang isang yun dahil alam ko namang tapos na yun..may ibidensyang naiwan sa lababo..hayy ako na naman ang huhugas.

Nang matapos kumain ay agad ko namang hinugasan ang pinagkainan namin...ayaw kong magalit ang demonyita dahil sariwa pa akin ang mga alaala na matagal ko nang gustong kalimutan...pero bwesit talaga! dahil yung mga gusto mo nang kalimutan ay yun pa ang mga bwesit na bumabalik..

  Sakto namang paglabas ko sa mini kitchen ay syang paglabas naman ni Hell sa kwarto nya....nanlalaking matang tinignan ko sya mula ulo hanggang paa..shit talaga!! Hindi ako makapaniwalang sinuot nga nya ang uniform namin!

Isa lang ang masasabi ko... Sheeeeyt!! Ang ganda at sexy nya!!! Parang titibo ako nito ng wala sa oras ahh–di joke lang hahaha!

Lahat ata ng mga lalaking madadaanan nito ay mapapahinto talaga at maglalaway sa kanya! At kahit walang emosyon ang mukha nito hindi pa rin nababawasan Ang ganda nito..eh paano pa pag ngumiti na ito?hayy kaso sa mukha nito ngayon sigurado akong napipilitan lang ito na magsuot....teka–may lahing dyosa ba tong kaibigan ko?

"What the heck did you do to your self?!"

Napaigtad naman ako sa biglang pagtaas nito ng boses. Bakit anong mali sa mukha ko? "Bakit? Anong mali sa mukha ko?" Takang tanong ko dito..napangiwi naman ito.

"You look–" parang hindi niya alam kung paano ako nya e di-discribe kasi panay ngiwi nya.

"Is that a real bangs?"kapagkuwan ay tanong nito. Nakangiti naman akong tumango sa kanya

" Yes! Kagabi ko lang yan ginawa..ako mismo ang nag gupit..bagay ba?" Proud na sagot ko. Napailing naman ito sa akin.....bakit masama bang maging proud sa sarili mong gawa?

"What's with the nerdy glasses.... and where did you get that?" Sabay turo nito sa glasses na suot ko na nakataas kilay pa..ayy! Taray nang ate nyo!

"Diyan lang sa kwarto at tsaka disguise to para hindi tayo mahalata na iba tayo sa kanila" oh diba! ang talino ko talaga! Hehehe

"Really? But in your case....your now a different person"

Oh kita nyo na! Ganda talaga ng idea ko! "Like what?" Excited na tanong ko

"Like a crazy one"

Napawi naman ang ngiti ko at napalitan ng pag nguso....ito talaga kahit minsan—hindi parati pala..bully parin at ako palagi Ang victim. Hmp!!Bala sya sa buhay nya!

"Your hair"

Napatigil naman ako at tinignan sya..nakakunot ang noo nito habang tinitignan ako.. alam ko namang maganda ako pero wag naman nya sanang ipahalata masyado

"Did you dye your hair?"

Ako naman ngayon ang nagtaka

"no, why?" Kumonot lalo ang noo nito...pero....bakit ang ganda nya parin!!! Asan ang hustisya dyan!!!

" Your hair...they have yellow linings on it"

Napatakbo naman ako papasok sa loob ng kwarto at tumingin sa salamin. OH.MY.GOSH!!!!! KYAAHH!!!meron nga! Wait—wala naman to kanina ah..hindi kaya na ingkanto na ako dito o baka dahil sa shampoo na gamit ko kanina?

DIVINE POWER: The Lost MoonlightWhere stories live. Discover now