33: Plan

371 56 7
                                    

CHAPTER 33

Plan

NATHALIE's POV


I REALLY hated you for a long time Jenny. And all I want is to see you suffer. You deserve it.

"So, Nathalie.. Nakarating na ba ang walang kwenta mong kapatid?" tanong ni Mommy sa'kin habang papalapit ito.

I smiled a bit. "Yes mom. And please, don't call her my sister. Because we're not." diretsong sabi ko.

"Shhh. 'Wag mo munang sabihin iyan. Konting tiis na lang. Malapit na nating palayasin ang babaeng iyan." Mom said while smirking.

I smirked. "Excited na akong makita ang mukha niyang gulat na gulat."

"Pero may problema tayo. Paano kung darating ang Daddy ninyo? Pa'no pag nalaman niya--"

"Mommy, darating si Dad pero hindi niya malalaman ang gagawin natin. Diba?"

She nodded. "I will make sure that." she smiled.

All this time, nakikita ko kay Mommy na masaya siya habang nakikita si Jenny na nag-hihirap at nagdudusa. Sa katunayan nga, hindi pa nag simula ang plan namin ni Mom for Jenny.

'I have so many plans for you Jen..... Just wait and see...'

Oh, dapat pala simulan ko na ngayon. At siyempre mas lalo kong siraan ang Jenny na 'yun kay Mom para mas lalo itong magalit at mapadali na ang pagpalayas ni Mommy sa kanya dito sa bahay.

Lumapit ako kay Mommy at nagsimulang ipakita sa kanya ang kawawa kong mukha kunwari.

This is going to be fun!

"Mom, you know what kanina habang wala kayo sa school, pinahiya ako ni Jenny sa harap ng maraming tao..." nakayuko kong sabi sa kanya.

"Really? Papaano ka niya napahiya? Eh diba, she's just nothing! Balewala lang siya sa school niyo kaya papaano ka niya natalo?!" she asked me.

The heck. Ba't parang ako pa ngayon yung napagalitan?

"I don't know Mom. Simula nung nag-ayos siya.. marami nang lumalapit sa kanya. At yeah ginawa niyang paraan iyon para ipahiya ako." tumalikod ako at kunwaring humahagulgol. "Nakakasawa na! Lagi na lang niya akong nila-lamangan sa lahat. P-pati yung taong gusto ko, inaagaw niya sa akin. What's wrong with her?! Bakit, bakit---"

She suddenly hugs me from the back. "Don't worry Nathalie, hindi na ako papayag na malamangan ka ng babaeng iyon." nakaramdam ako ng tuwa.

"Thank you Mom. Please, do everything para hindi niya makuha sa akin ang lahat." I hugged her back.

Mom is the only one who can understand me. And she is the only one who truly loves me.

Kaya hindi na ako magtataka kung bakit malaki ang galit ko kay Jenny. Kasi, nang dahil lang naman sa kanya kaya hindi nagawang pakasalan ni Daddy Lee si mommy. Kaya ngayon, naging ganito kami. Si Mommy nga dapat ang may-ari ng lahat ng ari-arian ni Daddy eh, kaso sinira ng Jenny na iyon ang lahat-lahat.

Naalala ko pa noon.......

[FLASHBACK]
.......

"Lee, bakit ba ayaw mo akong pakasalan?!" napahinto ako sa pagsusulat nang narinig ko ang boses ni Mommy na parang sinisigawan si Daddy.

Lagi ko silang naririnig na nag-aaway tuwing gabi. Sa umaga naman, parang walang problema.

Nakita ko si Jenny na nakatulog na. Pinuntahan ko siya at inayos yung higaan niya. I'm happy to be her sister.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now