38: The Party

400 60 5
                                    

CHAPTER 38

The Party




MARKY's POV

HINDI KO mapigilang mapangiti. I felt so lucky tonight. Naka-date ko lang naman ang kaibigan ko. Gusto ko siyang sanayin sa ganitong party. Dahil, paniguradong siya ang sasama sakin sa mga party.

I told her a while that, this party is for her. Yes. Para sa kanya ang party na'to. Ngayon lang ako ganito sa isang babae. Seryoso ako sa kanya. Oo, magkaibigan lang kami but... I can't stop loving her.

'Kapag nakikita ko siya, kumpleto na ang araw ko...'

Ang swerte ng taong magugustuhan niya at sana, ako ang maswerteng 'yun.

"Marky, where is your date?" Mr. Barley our client, asked me.

"Well..." I cleared my throat at hinanap ng paningin ko si Jenny. Napatingin ako kina Lisa pero wala siya doon. "Oh, excuse me. Pupuntahan ko muna siya" ngiting paalam ko.

"Dapat, hindi mo hinahayaang mawala siya sa paningin mo. Malay mo, napunta na pala siya sa iba" napatigil ako sa sinabi ni Efrain.

"You-"

"Oh, easy. Remember, bisita mo'ko" sarkistong saad nito sabay inom ng wine.

Ang gagong 'to, wala talagang kadala-dala. Gusto pa yatang masaktan.

"Pasalamat ka, wala sa'yo ang atensyon ko ngayon." simpleng sabi ko bago nagpatuloy sa paglalakad.

'Jenny, nasan ka na ba?...'

Hindi niya pa kabisado ang buong lugar. Gusto ko pa nga siyang ipasyal sa buong bahay.

"Kuya-"

"Nasa'n si Jenny?" dali-dali kong tanong.

"Nag-uusap lang sila ng kapatid niya" diretsong sabi ni Sarah.

Oo nga pala, nandito si Sarah. Si prince kaya, nasaan?

"Saan?" tanong ko ulit.

"Hindi namin alam Marky. Nasa medyo malayo---"

"Sige, hahanapin ko lang siya." hindi ko na sila pinatapos. Dali-dali kong hinanap si Jenny.

"Marky, happy birthday" bati sakin ng mga nakakasalubong ko.

"Thank you, enjoy the night" tanging sabi ko sa kanila.

Jenny, nasaan ka na ba?

Hanggang sa, mula dito sa kinatatayuan ko... nakita ko na siya. Kasama ang kapatid niya at... wait, si Prince?

Dali-dali ko silang pinuntahan.

"Anong nangyari dito?" tanong ko.

Dali-dali namang binitawan ni Prince ang kamay ni Nathalie na tila sasampalin si Jenny.

"Nathalie, sasaktan mo na naman ba ang kapatid mo?!" mariing tanong ko sa kanya.

Ganito ba siya lagi? Bakit lagi niyang sinasaktan si Jenny?

"Sa susunod, kung gusto niyong mag-away. Huwag sa maraming tao. Nakakahiya kayo. Magkapatid tapos, nag-aaway?" mariing sabi ni Prince sa kanila.

Napatingin ako kay Jenny na nakayuko. "Jenny, ayos ka lang ba? Anong ginawa niya sayo?" mahinahong tanong ko.

Narinig ko namang napatawa ng marahan si Nathalie. "Bakit lahat kayo, concern sa kanya? At ikaw Marky, kaibigan lang ang turing ni Jenny sa'yo. Wag ka namang masyadong concern hindi naman kayo mag-jowa-"

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now