62: Get Lost

417 67 12
                                    

CHAPTER 62

Get Lost

PRINCE POV

SIMULA NANG bumalik ako, hindi na naging maganda ang araw ko. Sa bahay at pati na rin sa paaralan. Kaya, naisipan kong hindi na lang pagbutihin ang pag-aaral ko dito sa Harvend. Malapit na din naman akong aalis kaya, sa-sagarin ko na ang pagiging tamad.

Hindi na ako pumasok sa mga subjects ko simula nung pangalawang araw sa eskwela. Nandito lang ako sa building ng SVT. Minsan ako lang naiwan dito nang mag-isa. Dahil yung mga kaibigan ko, takot na baka pagalitan kapag hindi papasok.

Sana pala masira na lang ang kinabukasan ko. Tutal, sira naman ang buhay ko. Ni wala akong karapatan mag-desisyon. Kung pera ang nagpapatakbo ng buhay ng isang tao, marami ako nun at hindi ako mawawalan. Mga bwisit talaga!

Tatlong araw na rin ang lumipas. Bukas, biyernes na. At pagkatapos ng ikalawang Linggo, wala na. Aalis na ako.

Nasa sofa ako habang nakatingin sa litratong nasa gallery ko.

Si Jenny. Hindi ko pa siya nakita simula nung hindi ako pumasok. Aaminin ko, gusto ko siyang makita at kausapin. Katulad nang ginawa ko noong nasa Tabor kami.

'Nakakainis. Baliw na siguro ako...'

Hindi na niya ako kailangan. Dahil andito naman si Tyler. Balita ko nga, lagi silang magkasama.

Bwisit na Tyler din. Kinukuwento pa niya sa kapatid ko ang mga ginagawa nila ni Jenny. At si Lisa naman, panay ang kwento sa akin.

Wala naman akong pakialam dun. Hindi naman ako interesado sa lahat.

"Bro!" dali-dali kong pinatay ang cellphone ko dahil sa dumating.

"Uy, Marky. Wala ba kayong klase ngayon?" tanong ko sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko. "Bro, recess pa ngayon. At hinahanap ka ng mga subject teacher mo. Tatlong araw ka nang hindi pumapasok. Bro naman, aalis ka na tapos hindi mo pa sinusulit ang pag-aaral mo dito" aniya.

"So what? Tamad akong pumasok eh." walang ganang sabi ko.

"The heck bro, ano namang gagawin mo dito sa loob? Kakain na lang ng chicharon?"

"Wala nga akong ganang lumabas." giit ko.

"Hinahanap ka na ni Sarah---"

"Isa pa ang baliw na yan. Sabihin mo, magkita kami. Gusto ko siyang patayin!" tumawa siya sa sinabi ko.

"Hayst! Ikaw talaga! Bro, tara na. Recess namin ngayon oh kaya may time pa para samahan ka ng buong svt"

"No need. Ayos lang naman sa'kin na mag-isa. Malapit na ang oras. Baka malate ka sa klase mo"

"Bro, hinanap ka ni Jenny sa akin." bigla akong naging interesado sa narinig.

"Anong sabi niya? Kailan? Bakit?" tanong ko.

"Teka... Bakit parang..."

"Nevermind." diretsong sabi ko.

"HAHAHA! Sabi ko na nga ba! May tinatago ka ba sa amin?" tanong niya.

"Tsk. Ano naman itatago ko?"

"Well, I thought kasi na naalala mo na yung mga sinabi mo nung lasing ka" ngiting sabi niya.

Paulit-ulit na lang na ganito ang sinasabi ni Marky sa akin sa tuwing pinag-uusapan si Jenny. Ano bang sinabi ko nung nalasing ako? Hindi ko naman matandaan.

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now