57: Underwater Kiss

478 74 11
                                    

CHAPTER 57

Underwater Kiss

PRINCE POV

"PAPATAYIN KITA!" napalingon ako sa taong sumigaw mula sa di kalayuan.

Nakita ko ang isang babaeng nakahandusay sa daan habang ang isa naman, ay nakatayo sa harapan niya. Laking gulat ko nang may hawak itong kutsilyo.

Lalapitan ko sana sila kaso lang may dumating na isang lalaki.

"Bwisit, anong ginawa ni Tyler dito?" tanong ko sa aking sarili.

Kita kong inagaw ni Tyler yung kutsilyo sa isang babae sabay na sumigaw ang babae sa kanya.

Wala akong magawa kundi lapitan ang babaeng nakahandusay.

"Tu-tulong..." narinig ko ang boses niya na nanghihingi ng tulong. Mas lalo akong lumapit. Kinakabahan ako nang bigla kong namukhaan ang babae.

"Jenny!?" hindi makapaniwala kong tanong.

Bigla akong nagising sa bangungot na 'yon. Anong klaseng panaginip iyon? It's so, creepy.

'Dapat ko ba 'yung ikabahala?..'

"Siguro pangit naging panaginip mo, pftt." napalingon ako sa nagsalita.

Naks. Nakapag-ayos na ang loko. Bakit parang excited ang mokong na 'to?.

I smirked mischievously at naisipang umalis ng kama.

"Dalawang araw na tayo dito sa probinsya. Siguro naman, makakaramdam ka na ng saya dito" sabi niya at halata sa boses na nang-iinis.

I just sighed at umiling. Gusto niya talaga na magsimula ng gulo. Wala ako sa mood ngayon.

"Excited na ako sa laro." napatigil ako dahil sa sinabi niya. "Kapag natalo ka, hinding-hindi mo na ako pakikialaman sa plano ko para kay Jenny. Siguro alam mo na kung ano ang tinutukoy ko. Jenny makes my day complete. And, she is the one for me." seryosong pagpatuloy niya pa.

Alam ko kung anong laro ang tinutukoy niya. Nakipag-deal siya sakin kahapon. Kapag natalo ako sa basketball, hinding-hindi ko siya pakikialaman sa mga gusto niya. Pero pag ako ang nanalo, hinding-hindi siya makakalapit kay Jenny.

Wala akong pakialam sa sinabi ko. Ang gusto ko lang ay, lumayo siya kay Jenny. Ginagawa ko ito para hindi mapahamak ang Jenny na 'yun. Kahit papaano, magagawa ko siyang ilayo sa magpapahamak sa kanya.

Alam kong, wala akong karapatan. Kaya naguguluhan ako sa sarili ko. Kung bakit, parang importanteng tao si Jenny sa akin. Kaya hindi pwede na, magustuhan ko siya. Dahil unang-una, hindi pwedeng magkalapit ang dalawang tao na kinasusuklaman ang isa't isa. At hindi rin pwede na sa kanya ko mismo mararamdaman ang salitang pag-ibig. That's not gonna happened.

Napatawa na lang ako sa sinabi ni Tyler. "Go on Tyler. I don't care kung matalo mo ako. Pero, kilala mo naman siguro ako. Hinding-hindi ako magpapatalo. Lalo na't simpleng laro lang ang paglalabanan."

"Tsk. Tignan natin. Pero sa araw na 'to, sisiguraduhin kong sa akin lang ang atensyon ni Jenny." ngiting sabi niya bago lumabas ng kwarto.

Nakaramdam ako ng inis.

'Potek. Bakit ba ako naiinis!?..'

Nakita ko pa siyang ngumiti sa akin bago isinara ang pintuan. "Jenny, gising ka na ba?!" narinig ko pa siya habang tinatawag si Jenny sa labas ng kwarto.

Napailing ako. "Bwisit! Ano namang pakialam ko?!" naiinis kong sabi.

Napaupo ako at nag-isip. Simula nung nandito kami sa probinsya, mas lalong naguguluhan ang isip ko. Puro si Jenny ang laman potek talaga!

HATE ME NOT (BOLS #1)Where stories live. Discover now