CHAPTER 41
Childhood Friend
JENNY's POV
NAGULAT ako dahil biglang nag-ring ang cellphone ko sa kauna-unahang pagkakataon.
Walang nakakaalam ng number ko kaya bakit may tumawag?
Sinagot ko ang tawag. "Sino 'to? Bakit alam mo ang number ko?" dali-dali kong tanong.
Nabigla ako sa tumawa. "L-Lisa?" takang tanong ko.
"Hellooo ateee!" agad kong inilayo ang cellphone sa tainga ko dahil sa boses ni Lisa.
Ang energetic naman ng batang 'to.
"Bakit ka napatawag? Atsaka, bakit alam mo ang number ko?" mahinahon kong tanong.
Rinig ko na napabuntong hininga siya sa kabilang linya. "Ate naman, hindi ka ba masaya na tumawag ako?"
"Siyempre masaya pero, paano mo nga nakuha ang number ko?" tanong ko sa kanya.
"Oo na. Nakita ko cellphone mo na nahulog doon sa party, buti na lang ako nakakita. Kaya ayon, naisipan ko na kunin number mo hehe. Buti na lang wala kang password hehehehe" rinig kong napatawa siya ng marahan.
"Sige na nga. Basta wag mong ibibigay yan sa iba."
"Paano sina ate Missy?"
"Fine. Sa kanila pwede pero sa ibang tao, hindi. Understand?" tanong ko.
"Okay po. Ah ate..."
"Bakit?"
"Kasi, naisipan naming tatlo na isama ka mag-shopping. Ang aga mo kasing umuwi noong party eh. Ayun tuloy, malungkot kami. Kaya please, sana ngayon papayag ka na mag-shopping tayo. Para maging bonding na rin natin he-he"
Natigilan ako dahil naalala ko na naman yung ginawa ng Prince na 'yun sa'kin.
"Lisa, ayaw kong mapagalitan ka ng demon mong kuya. Kaya, huwag niyo na akong isama---"
"No. Hindi naman siya nagalit no'ng sinabi ko na, tayong apat ang mag-shopping. The truth is, nakonsensya si Kuya sa ginawa niya" pagputol niya sa sasabihin ko.
"Sige na, sasama na ako. Pero, hindi dahil nakonsensya ang kuya mo ah. Sasama ako dahil, sa'yo" ngiting sabi ko.
"Asus" I heard her chuckled.
"Lisa, mag-aayos na ako. At magpapaalam kay Mommy. Bye Lisa" paalam ko bago ibinaba ang tawag.
Nakonsensya raw ang loko. Hinding hindi na ako magiging mabait sa Prince na 'yun. Hindi na niya ako mau-uto sa bait-baitan niya. Lahat ng pagtatanggol niya sa'kin, hindi kusa kung hindi gusto niya lang magpakitang gilas sa lahat. Ang yabang niya at ang sama pa.
Nagsimula na akong magbihis ang nag-ayos ng sarili.
'Sana payagan ako ni Mommy ngayon..'
Kahapon, nagka-ayos kami ni Nathalie kaya hindi nagalit si Mommy sa akin. Kaya naisip ko na, baka hindi talaga nagsisinungaling si Nathalie at mali ako sa inisip kong may plano siya.
Pagkatapos kong magbihis, kinuha ko ang cellphone at panyo ko.
Malaking tulong ang contact lens sa akin. Nang dahil sa mga ito, naging maliwanag ang paningin ko.
Pagkababa ko ng hagdan, dali-dali akong pumunta kina mommy na nakaupo sa sofa.
"Mommy-"
"Oh, bakit bihis na bihis ka?" agad niyang tanong.
YOU ARE READING
HATE ME NOT (BOLS #1)
Teen FictionBook of Love series #1 Prince, an arrogant heir, seemingly has it all - wealth, power, and charisma. But behind his facade of confidence, lies a wounded heart, scarred by showing his weakness to others. On the other hand, Jenny, a simple student is...