OCTOBER 12 2020
7:30 AM"Okay, very good. Now, next reporter."
Tila nanigas sa kanilang kina-uupuan sila Rupert, Aries, Brix at Kevin. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin bumabalik si Jace. Ilang beses na rin nila itong tinawagan ngunit hindi man lang ito sinasagot.
"Tanggapin na lang natin na ito na ang ating katapusan." Saad ni Brix habang nakatingin sa malayo. Alam na kasi n'ya ang mangyayari sa kanila.
Ilang saglit pa ay isa isa silang pumunta sa harap, maliban lang kay Aries.
"Bakit?" Tanong ni Aries nang mapansin n'ya na nakatingin sakan'ya sila Brix. "Ay hehe, tayo na pala mag-rereport. Akala ko nagpapa-cute lang kayo d'yan e."
Agad naman na tinungo ni Aries ang mga kaibigan. Hindi man nila sabihin ay mahahalata na pare-parehas silang kinakabahan.
"Now, present your report." Mrs Gahasain said. Halata sa boses nito na medyo naiinis na dahil halos dalawang minuto na silang nakatayo sa harap.
"Arghhh bat kasi kailangan pa mag-aral." Bulong ni Kevin. Kanina pa ito pinagpapawisan.
Saglit silang nagkatitigan hanggang sa makaisip ng paraan si Brix. Ito na lang ang natatanging dahilan na magliligtas sa kanila.
"Ma'am, pwede po pang-huli na lang kami kasi medyo masak---"
"Good morning, sorry i'm late."
Tila nag-ningning ang mga mata nila Kevin, Rupert, Aries at Brix nang makita si Jace na medyo may butil butil pa na pawis sa nuo nito. Halos tawagin na kasi nila ang lahat ng santo pati na ata demonyo 'wag lang sila mapagalitan ng pinaka-terror pa sa lahat ng terror na teacher na si Mrs. Gahasain.
Agad naman na dumiretso sa harap si Jace pero hindi ito nakaligtas sa mga mata ni Mrs. Gahasain.
"You're 15 minutes late." Kalmadong saad nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Jace. Tila nag-aabang ng irarason ng binata.
"Yare ka, matilok ka ah, pa-late late ka pa ah. Gan'yan talaga 'yan, Ma'am. Baka dumaan pa 'yan sa cafeteria para makita 'yung anak ni aling Menchie na maganda. Dumadaan din ako dun e HAHAHA pero hindi nga lang nagpapatagal, pero alam n'yo ba----"
"Hindi kita kinakausap Mr. Rupert Sandoval."
"Sorry po, Lods-- ay Mrs. Gahasain."
Natatawa man kay Rupert ay hindi magawa nila Jace dahil nakatingin ang kanilang guro sa kanila.
"HAHAHA 'yan kasi, masyado kang ma-papel, wala ka namang ambag sa kultura ng pilipinas." Bulong ni Kevin kay Rupert na katabi lang n'ya at pasimpleng tumawa.
Kahit na alam ni Jace na mapapagalitan sila at baka mabagsak pa sila sa subject ay hindi pa rin n'ya mapigilang ngumiti ng bahagya. Masaya s'ya dahil kahit papaano ay nagkaruon s'ya ng dahilan para ngumiti kahit sa maliit na bagay.
Alam n'yang mahirap labanan ang isang problema lalo na't kung ikaw lang mismo ang nakaka-alam. He's suffocating from anxiety.
"Salamat at may kaibigan ako na gaya n'yo." Saad ni Jace sa kan'yang isipan habang pinagmamasadan ang kan'yang mga kaibigan.
______________________________________
OCTOBER 12 2020
10:50 AM"Do we literally have to live in this cruel and unfair world? Explain your answer." Paulit ulit na basa ni Elissa sa question number 10. Hindi s'ya makapag-isip ng maayos. She didn't know what to answer. She's mentally block.
Saglit n'yang sinulyapan ang kan'yang test paper na na-stuck pa rin sa number 10.
"I guess, in my own opinion, there's no reason to live a life if you have a problem like mine." Sagot ni Elissa sa kan'yang test paper.
Bumuntong hininga na lang ito. Naisip n'ya na ang dami palang masasayang pwedeng gawin, pero bakit mas pinipili n'yang maging malungkot? Hindi n'ya alam. Nandun nanaman s'ya sa point na kinu-kwest'yon n'ya ang tunay na kahulugan ng kasiyahan. Sobrang tagal na nung huli n'ya itong maramdaman, 'yung totoong saya, na hindi pilit.
"Nakakapagod magpanggap na okay lang ang lahat, no?"
Saglit na natigil si Elissa sa kan'yang paiisip nang biglang lumapit si Maria. Napansin kasi ni Maria na nakatulala nanaman ito. Kaya agad s'yang lumapit para kausapin ang kan'yang kaibigan.
"Oo. Hindi ko alam e. Gusto kong maging masaya kahit na saglit lang. Pero laging ang bigat ng loob ko. Hindi ko alam kung bakit halos araw araw na lang parang gusto ko sumuko. Hindi ko kaya 'to ng mag-isa, Maria."
Natatakpan man ng mahabang buhok ang mukha ni Elissa ay napansin ni Maria ang nangingilid na luha sa mga mata nito.
"I know, that's why we're here. Lahat naman tayo may kan'ya kan'yang problema. Nasa-saatin na lang kung papaano natin ito susulusyonan. Kung gusto mo i-keep sa sarili mo lang, that's fine, kung alam mo naman na magiging okay ka don. Kung hindi mo na kaya, ilabas mo lang. Alam mo, Elissa, kaya siguro hindi ka nagiging masaya, kasi pinag-kakait mo sa sarili mo 'yon. Kinukulong mo 'yung sarili mo sa nakaraan. Bakit hindi mo ito palayain?"
"Hindi ganon kadali 'yon, Maria."
"I know. Ano 'yon, hahayaan mo na lang 'yung sarili mo sa gan'yang set up? Umusad ka, Elissa. Kung patuloy mong ikukulong ang sarili mo sa nakaraan, hindi mo mararamdaman ang tunay na kahulugan ng kasiyahan."
Bahagyang humarap si Elissa kay Maria at agarang niyakap ito. Eto nanaman s'ya, umiiyak sa harap ng kaibigan.
Gusto n'ya nang kumawala sa anino ng nakaraan. Ayaw na n'yang mabilanggo sa mga alaala. Gusto n'ya nang mag-paalam sa mga nakaraan, pero hindi n'ya magawa.
"It takes time to heal, but also move forward, Elissa. Everyone's deserve to be happy, specially to those people who doesn't feel it. Nandito lang kami ni Jeremy palagi. Ngayon, mag-simula ka nang mag-paalam sa nakaraan."
Sa mga sinabing iyon ni Maria ang mas lalong nagpalakas ng hikbi ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Act Of Killing Yourself
General FictionYou don't know how long you will last here on earth, but are you ready to face a problem that will bring you to death? Can you fight it?