CHAPTER 6 (Hinuha)

40 4 2
                                    

OCTOBER, 11. 2020
7:55 am

Kasalukuyan na nakahiga si Maria sa kama niya nang bigla itong tawagin ni Elissa.

"What happened last night?" Saad nito sabay upo sa gilid ng kama ni Maria.

"Humihingi pa rin siya ng second chance. As always, hindi ko pa rin siya kinausap." Maria suddenly sat up.

"May nararamdaman ka pa rin ba sa kaniya kahit konti? Mahal mo pa rin ba?"

Napatingin ng seryoso si Maria sa kaibigan. She didn't know what to feel. Hindi niya alam ang isasagot dito.

"I don't know. I just don't want to see him. Ayoko na bumalik yung mga paghihirap ko dati. Ayoko na bumalik yung anxiety na matagal kong kinimkim."

Tila lahat ng kirot at sakit ay biglang bumalik sa alala ni Maria. Those dark days. Maria used to harm herself back then.

Tumango tango si Elissa. Ayaw na niya magtanong pa. Alam niya ang pinagdadaanan ng kaibigan at alam niyang mahirap ito.

"Ikaw, Elissa, kumusta ka na? Naka-move on ka na rin ba talaga kay Jake? These past few days kasi ang tamlay mo pa rin. O may iba lang na bumabagabag saiyo?" Pagbabalik ni Maria ng tanong. Bigla siyang na-curious.

Tumayo si Elissa at pumwesto sa bintana.

"Bakit kailangan nating mabalisa sa taong hindi man lang tayo iniisip?" Saad nito na hindi man lang sinagot ang tanong ng kaibigan.

Napangisi si Maria. Mahal pa nga ng kaibigan niya yung lokong Jake na iyon.

"Buong araw ka nagpakamanhid para lang maramdaman ang lahat sa hating gabi. Tila walang takas sa pagkabilanggo sa madilim na isipan." Elissa chuckles. "Kahit papaano naman namimiss ko siya, Maria. Siya lang kasi yung nasa tabi ko nung mga panahon na sobrang down ako. Kaya sobrang sakit nung nakipaghiwalay siya saakin. Pero nandun pa rin yung thought ko na ayoko na mamalimos ng atensyon, ayoko na magpaka-alipin sa damdamin na hindi kayang suklian."

Ngumiti si Elissa.

"Sabagay, tama ka. Mahirap mamalimos ng atensyon sa taong walang pakiramdam."

Nagtawanan ang dalawa.

"Himala, anong meron kay Elissa ngayon?" Tanong ni Maria sa sarili niya.

______________________________________

OCTOBER, 11. 2020
12:58 pm

"Oh sige nga, kung talagang pogi ka, lapitan mo nga yung babae don sa may kabilang table saka yayain mo mag-date. Pag hindi pumayag makipag-date saiyo, sasayaw ka sa gitna ng quadrangle ng school pagkaumpisa ng flag ceremony." Natatawa tawang saad ni Brix kay Rupert habang may tinuturo sa kabilang table.

"Sus, iyon lang pala e." Agad namang tumayo si Rupert at tinanaw ang pwesto ng babae.

Natalo kasi ito sa truth or dare nila kaya eto siya ngayon, pinaparusahan.

Maraming nakapalibot sa babae kaya kahit medyo nag-aalinlangan ay nilapitan pa rin niya ito.

"Ehem ehem! Hi, Miss, Rupert Sandoval nga pala." Aniya sabay lahad ng kanyang palad sa babaeng kumakain ng spaghetti.

Agad namang napatigil ang mga babaeng kumakain sa lamesa at isa isa itong napatingin kay Rupert.

Rupert began to shiver. he doesn't want to be the center of attention. Especially of women.

"Excuse me?" Saad ng dalaga at saglit na tinigil ang pagkain niya.

Nakatingin ito kay Rupert na may halong pagtataka.

"Pwede bang makipag-kilala saiyo?" Rupert said while his hand is shaking.

Nagugulahan man ay nakipag-kamay pa rin ang babae sa kaniya. Agad naman na nagtilian ang mga kasama nito kumain sa table at ibang tao sa cafeteria. Maski sila Jace na nasa kabilang table ay nagtilian din.

Hindi ito pinansin ni Rupert dahil lalo lang siyang maiilang.

"Ano nga pala name mo?" Rupert suddenly asked.

Ilang segundo bago sumagot ang babae na tila pinag-iisipan kung sasabihin ba talaga niya sa misteryosong lalaki na nasa harap niya.

"Maria..... Maria Julianna Ramos." Saad nito saka maraan na ngumiti.

Bahagya din na ngumiti si Rupert sa dalaga.

______________________________________

OCTOBER, 11. 2020
1:20 pm

Pagbalik ni Rupert sa mga kaibigan ay agad siyang tinanong ng mga ito.

"Anong sabi saiyo? Ang pangit mo daw ba? Mukha ka daw bang walang patutunguhan sa buhay, hah?" Kevin asked while he's looking at the girl's table.

Pag-upo ni Rupert sa kaniyang upuan ay bigla niyang sinalampak ang kaniyang mukha sa lamesa. Napatingin naman ang magbabarkada sa kaniya.

"Anyare saiyo? Sinabi ba talaga na pangit ka?" Tanong ni Jace.

"Basted siguro. Hindi pa nga nanliligaw na-basted na. Grabe naman ang lakas ng dating mo." Natatawa tawang saad naman ni Brix.

Habang nagtatawanan ang magkakaibigan ay paulit ulit bumabalik sa isipan ni Rupert ang napag-usapan nila ng babae.

______________________________________

"I knew you, Rupert Sandoval. Pinsan mo si Jerome, Right?"

Sumeryoso naman ang tingin ni Rupert sa babaeng kaharap niya.

"Ikaw ba yung Maria na ex-girlfriend niya?"

Tumango lang ang dalaga at mabilis na isinubo ang spaghetti.

"Teka paano mo pala---"

"Nakilala kita kasi nababanggit ka niya sa akin minsan. Saka nakita ko rin picture niyo na magkasama nung pumunta ako sa bahay nila. Don't get me wrong." Seryosong tugon nito.

Napatango na lang si Rupert. Nang maka-bwelo ay yayayain na sana niya ang babae para lumabas nang magsalita ito agad.

"Kung nilapitan mo ako para sabihin na makipag-balikan ako kay Jerome, no, no, no, big NO ang sagot ko."

"Teka, hindi ah, ang gusto ko lang nam------"

"Go back to your table and don't bother me, please?" Ma-awtoridad na utos nito.

Tila hindi alam ni Rupert ang gagawin niya. Iniisip niya kung bakit pa ba siya sumali sa dare na iyon. Labag man sa loob niya ay tinungo na lang niya ang direksyon ng mga kaibigan.

"Ano ba namang klaseng buhay ito. Bakit ex gf pa ng pinsan ko yung babaeng iyon. Ayoko sumayaw sa flag ceremony bukas!!" Sigaw ni Rupert sa isip isip niya.

The Act Of Killing YourselfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon