NOVEMBER. 1, 2020
4:50 PM"Anong costume costume? Kahit hindi ka na mag-costume, mukha ka nang aswang, Nigga." Natatawang saad ni Rupert kay Aries.
"Wala akong paki sa opinyon mo basta ang costume ko ngayon ay commitment, dahil 'yon ang pinaka nakakatakot sa lahat." Tugon ni Aries habang nagpapa-cute sa salamin.
Sa kabilang dako naman ay halos halikan na ni Brix ang salamin na kaharap n'ya.
"Hindi mo man lang ba dadalawin ang puso kong patay na patay sa'yo beybeh?" Saad ni Brix habang nakaharap sa salamin.
Kasalukuyan silang nag-aayos na mag-kakaibigan para sa halloween party na pupuntahan nila sa kanilang school.
"Gwapong gwapo nanaman s'ya sa sarili n'ya, mukha namang holdaper sa cubao hehe." Tugon ni Kevin habang nag-aayos ng kan'yang buhok.
Humarap ng bahagya si Brix kay Kevin at agaran n'ya itong binato ng sapatos.
"Kapal mo ah, mukha ka ngang tirador ng fishball dun sa Morayta e."
Nag-tawanan lang ang magkakaibigan habang si Jace ay seryosong nakatingin sa salamin. Tagos ang tingin sa kan'yang repleksyon. Ang dami nanamang bumabagabag sa isip n'ya. Hindi n'ya alam kung paano ito matitigil. Gusto n'yang mapag-isa, pero hindi n'ya alam kung saan s'ya pupunta.
"Death, how funny to think that it was just a word, but behind this word has a deep meaning, very deep." Bulong n'ya sa kan'yang sarili habang nakikipagtitigan sa salamin.
Out of nowhere, it suddenly entered his mind to end his life. He can't move, something seems to be holding him back. He's confused.
"Hindi muna ako makakasama sainyo ngayon mga pre. May importante lang akong pupuntahan." Saad ni Jace sabay alis nito ng kan'yang suot na costume.
Agad naman na napatingin sakan'ya ang kan'yang mga kaibigan na may halong pagtataka.
"Teka, saan ka naman pupunta? Hindi pwedeng wala ka don, man-chichicks pa tayo hoy." Tanong ni Aries.
Ngunit hindi sumagot si Jace. Dire-diretso lang itong naglakad palabas ng pinto. Walang ibang pumapasok sa utak n'ya kundi ang lumayo. Lumayo sa lahat.
______________________________________NOVEMBER 1 2020
5:20 PMHindi n'ya alam kung bakit s'ya pumunta malapit sa dagat. Kusa s'yang dinala ng kan'yang mga paa sa tahimik na dalampasigan. Walang kahit anong maririnig kundi ang paghampas lang ng alon.
"Ang sarap sa tenga ng tunog ng alon." Saad ni Jace habang nagtatampisaw sa tubig.
Sinubukan n'yang pumunta sa pinaka-malalim na parte ngunit binabalik s'ya ng tubig sa pangpang. Gusto n'yang magpalunod tutal nalulunod na s'ya sa kan'yang mga iniisip.
Pilit man n'yang itago ang lungkot na nadarama ay hindi ito maitago ng kan'yang luha na nagbabadyang kumawala sa kan'yang mga mata .
Gusto n'ya nang matapos ang lahat.
Sa huling pagkakataon ay mabilis na nilangoy ni Jace ang malalim na parte ng dagat, ngunit bigo pa rin s'ya dahil sa lakas ng alon na pilit s'yang binabalik.
Tama nga ang kan'yang mga kaibigan. Kahit anong takas ang gawin mo ay hindi mo pwede takasan ang realidad. Hindi ka makakawala sa hawla ng kalungkutan kung ikaw mismo ang gumagawa ng rehas na magkukulong sa'yo.
Saglit s'yang nahiga sa buhangin. Basang basa. Hindi n'ya alam ang kan'yang gagawin. Hindi n'ya alam kung ano ang dapat n'yang maramdaman.
Maraming katanungan ang pumapasok sa kan'yang isipan. Katanungan na alam n'yang s'ya lang ang nakakaalam ng sagot.
Alam n'ya sa sarili n'ya ang sagot kung bakit s'ya nagkakagan'to, ayaw n'ya lang tanggapin. Ayaw n'yang tanggapin dahil natatakot s'ya. Natatakot na baka malunod sa sariling kaisipan.
Bahagya s'yang pumikit at unti unting umagos ang masasaganang luha sa kan'yang mga mata. Pilit man pigilan ay hindi n'ya ito magawa. Gusto n'yang sumigaw pero hindi n'ya magawa. Gusto n'yang magwala. Gusto n'yang ilabas ang bigat na kan'yang nadarama. Pero paano?
Sumigaw man s'ya ay walang makakarinig sa hinanakit na nararamdaman n'ya. Wala. Gusto n'yang tumakbo patungo sa lugar kung saan hindi na s'ya makikita ng kahit na sino. Gusto n'yang maglaho.
Ang kan'yang pagsamo ay mistulang ingay sa tahimik na gabi na walang sino man ang nakakarinig.
______________________________________
NOVEMBER 1 2020
6:23 PM"Elissaaaaaaa!! Akin na 'yan!" Sigaw ni Maria habang hinahabol si Elissa. Hawak kasi nito ang cellphone n'ya.
"HAHAHA ipapakita ko 'to kay Jerome na s'ya pa rin pala wallpaper mo ah."
"Akin na kasiiii!"
"Blehhh kuni---- arghh!"
Napatigil si Maria sa paghabol kay Elissa nang biglang itong bumangga sa lalaking naka-denim jacket at naka-cap na kulay itim. Basang basa ito kaya medyo nabasa rin si Elissa pagkabangga n'ya rito. Parehas silang tumumba sa sahig.
Dali daling tumakbo si Maria patungo sa kan'yang kaibigan at inalalayan ito.
"Ang harot mo kasi, 'yan tuloy." Bulong n'ya kay Elissa
Hindi naman agad naka-sagot si Elissa. Nakatingin lang ito sa lalaki.
Nang humarap ang misteryosong lalaki sa kanila ay tila naistatwa si Elissa.
"Jace...."
BINABASA MO ANG
The Act Of Killing Yourself
Ficción GeneralYou don't know how long you will last here on earth, but are you ready to face a problem that will bring you to death? Can you fight it?