Charles POV
Ilang araw na nakalipas ang birthday ni tricia at ilang araw na rin gumugulo sa isipan ko ang babaeng vocalist pinipilit ko talagang isipin sino yung babae ilang araw na ako bumabalik sa bar baka sakaling makita ko ulit yung vocalist pero wala talaga sino ba yun?
"Hey charles pool party sa house ko sa saturday pupunta ka ba?"-sabi ni kris na paslang
"Uh wait Veronica pupunta ka ba?" Sigaw ko kay veronica na bago lang nakapasok sa room.
"sa?" Sabi ni veronica na halatang walang alam
"Sa pool party nila kris aatend naman lahat na kaklase natin e pati yung mga barkada mo"-ako
"Oo nga pala veronica may pool party punta ka ha"-lucy
"Huwag niyo nang papuntahin yan siguradong talo nanaman ako sa katawan niyan"-marvin
"Ano veronica sama ka?"-ako
"Oo nga veronica sumama ka na"-jake
"Ah oo sama na ako"-sabi ni veronica agad agad
Bakit parang napapa oo agad siya ni jake somethings fishy is going on.
"Oh ano kris pupunta ako pupunta kasi baby girl ko e" sabi ko sabay tingin kay veronica
"Ayyiieeee!"sabi ng barkada ko sabay tulak sa akin maliban kay jake KJ talaga.
"Oyy ano yan iba na yan haha may baby girl pang nalalaman" sabi ni alexandra barkada ni veronica.
Habang tinutulak at hinahampas si veronica
"Tumahimik nga kayo!"sabi ni veronica na gumagalit at namumula hahaha
"Ooooy aminin ang galing galing!" -sabi ni marvin
Hahaha nakakatawa talaga tong mga kaibigan ni veronica.
"Ah kris pwede ko bang mainvite si pam sa party?" Singit ni jake na nakaapekto ng katahimikan ng lahat
"Sure bro" sabi ni kris
Veronica's POV
Akala ko mapapaselos ko nanaman si jake kaso ininvite niya pala si pam kainis di nalang ako pupunta siguradong nganga lang ako sa kanilang dalawa sa party
"Ahhh alexandra di ako makakapunta sa party kasi may ummm family bonding kami" sabi ko kay alexandra nang mahina
"Weh porket inimbita niya lang si pamella di ka na agad pupunta pambihira te" inarte ni alexandra
"Ano daw?"intriga ni lucy
"Di daw pupunta ang empokritang sister natin kasi may family bonding daw sila"
"Asuus rason chaka ka te"-sabi ni marvin
"Di ka pupunta baby girl?" -charles
"Uhh ehh sorry may family bonding kasi next time nalang"-ako
"May family bonding pala tayo baby girl? Sige di narin ako pupunta sa party may family bonding daw e"-charles
"Hoy sino nagsabi sayo invited ka?"-ako
"Kuya mo"-charles
"Eh wala naman talagan- "-ako patay nahuli ako
Kinuha ko nalang ang phone ko para kunwari may tumatawag sa akin kakahiya naman nito
"Uy tumatawag si kuya sandali lang ha excuse me"sabay lagay ko ng phone ko sa tenga ko.
"Pakunwari lang yan hahaha"-lucy
Maya maya ay napagdesisyonan ko nang bumalik sa room, papunta na sana ako sa room kaso may nakita akong babaeng hindi pamilyar sa akin .Pero infairness maganda,
mataas,maputi at wait foreigner ata to oh wait sexy rin siya ha makaalis na nga kakainggit ng katawan niya baka mamaya e mainsecure ako at di ko mapigilan ang sarili kong mamatay tao haha joke lang sandali lang nga baka malate na ako.
"Umm sorry to interrupt you but where is the 4th year classrooms located? " pagdisistorbo sa akin nang magandang babae
"Diretso mo lang to,akyat ka diyan sa hagdan tapos lumiko ka sa kanan tapos don na oh sige babye malelate na ako" pagtuturo ko ng daan
"Umm pardon me? But i can't speak filipino very well"
"Ano?"buti nalang dumaan si ms.reyes
"What seems to be the problem here diba dapat may mga klase kayo?" -ms.reyes
"Oo nga miss eh umm kausapin mo nga to miss di ko kasi maintindihan ng masyado at late na ako please miss thank you very much" pagmamadali kong sinabi at agad agad nang tumakbo sa classroom ko pero pagdating ko dun nandon na ang teacher buti nalang mabait siya .
"Faster come inside ms. Valentine you are quite late already"sabi ng pinakamabait kong teacher
"Sorry and thank you miss" pagpapatawad ko
"San ka ba nangaling baby girl?ano sabi ni kuya?hahaha"rinig kong sabi ni charles
"Shhh pagod ako wag mo kong distorbohin"lusot ko sa kaniya nakakahiya kasi yung ginawa ko kanina e aishh
*knock knock*
Uyy di lang pala ako ang late hahaha
"Oh class I forgot may bago pala tayong student transferee siya from new york pero half filipino siya, doon lang talaga siya lumaki sa new york please welcome her you may come inside thank you for assisting her ms.reyes"
Hah? Yung nakakainsecure na babae classmate ko?! Ano ba may iba pa bang kamalasan ang mangyayari ngayon?.
"Hi my name is Alpha Melody Vega I'm from new york I am trying to learn filipino pero konte lang yung know ko so I appologize for my langguage"pagpapakilala niya siyempre halos lahat nang boys namin pumalakpak siyempre maganda e
"Okay so doon ka nalang umupo sa likod ni ms.valentine. umm veronica kindly raise your hand para makilala ka niya. Go sit behind her ms.vega"
"Affirmative sir"
Anak ng tsonggo sa likod ko pa talaga!? Ikocompare naman ako nito.
nang makaupo na siya sa likuran ko umusap silang dalawa ni charles
"Hi my name is Charles ethan Morales you can call me charles" sabi ni charles sabay ngiti tiningnan ko lang naman siya yung alam mo yung selos look at nakita niya akong nakatitig sa kaniya.
"Oh and I'm taken already by the angel in front of you" sabay ngiti at hawak ni charles sa kamay ko. Aaaaa--- eee- ang tanga tanga ko naman kasi ba't kasi ako nakatitig sa kaniya kanina yung umuusap sila naku napahiya nanaman ako.
"A-a-a- nong ginagawa mo bitiwan mo nga ako papagalitan nanaman tayo mamaya" angal ko kay charles
at binitiwan niya ang kamay ko
"Sige na nga lang kay alpha nalang ako hmmp sungit mo baby girl"pacute niyang sinabi na akala niya maloloko niya ako e wala tayong magagawa kapag gwapo ang sumasabi ,nagpapacute at di ko na mapigilan ang sarili ko.
"Ehh alam mo naman kasing may pasok e at maraming malisyoso at malisyosa sa room"agad agad kong sinabi o diba hindi ako naloko. Sadiyang loko loko lang talaga ako
"So ibig sabihin pagwala tayo sa room pwede tayong magholding hands?"-charles
"WALA w-a-l-a akong sinabing ganon mr.morales!" Sabi ko kaya tumawa siya at tumahimik nang kinurot ko ang tenga niya.
Tumawa narin si alpha sa likuran namin.
BINABASA MO ANG
Public display of love triangle
Teen FictionThis story is full of Fantasy, reality and emotions they are part of life but there is something you feel that you can't explain yung mga malabong di mo maintindihan yung pakiramdam na nasaktan ka na pero ginusto mong bumangon ulit,yung kahit tipon...