Chapter 7

176 10 4
                                    


Ace's POV,

Madaling araw na pero wala parin akong maayos na tulog simula kagabi. Sumasakit minsan 'yung ulo ko na parang hinahampas ng bato. Hindi ko alam kong ano ang nangyayare sa akin, kaya parang kombinsido ako sa mga sinabi ni Boss na nagka-amnesia ako. Kaya pala wala akong maalala sa mga karanasan ko dati sa buhay. Halos namuhay ako ng parang patay dahil wala akong matandaan sa mga nangyayare sa akin. Iniisip ko lang dati na special ako pero hindi pala dahil may amnesia ako.

Sana maka-alala na ako, sana maalala ko na ang pamilya ko at sana maalala ko kung ano ako dati at bakit humantong ako sa ganito. Masakit isipin na marami akong na sayang dahil wala ako sa sariling mundo dati.
Para akong namuhay ng walang alam sa mahabang panahon dahil nagka amnesia ako. Si Boss lang ang tanging taong kinilala ko bilang pamilya. Siya ang nag-alaga sa akin dati kaya malaki ang pasasalamat ko sa kaniya.

Bumangon na ako sa pagkakahinga saka kinuha ang nakasanayan kong suotin na jacket saka lumabas ng bahay. Pinaharurot ko kaagad ang kotse dahil mag-aalas kwatro na. Pupunta ako ngayon ng batangas sisilipin ko lang muna ang Pamilyang Belo na sinasabi ni Boss na pamilya ko. Susubukan kong aalahanin sila, baka kase pagnakita ko sila maaalala ko ang pamilya ko.

Malapit na ako sa bahay ni Xyrene Belo ng may makita akong dalawang taong palihim na nag-uusap sa gilid ng gate ni Xy. Sa postura 'nung isang lalaking halatang may edad na ito habang 'yung isa ay parang kasing-edad ko lang. Hindi mo na ako bumaba at hinintay muna na umalis sila.

Ano kayang pinag-usapan ng mga 'yun, grabe halos umabot ako ng isang oras sa paghihintay. Badtrip naman oh! Mag-aalas singko na. Shit!

Ilang minuto nalang at pumasok na 'yung lalaking may edad na habang 'yung isa naman ay sumakay  na sa kotse niya at mabilis na pinatakbo ito. Hindi naman kami magkakasalubong dahil nasa kabilang direksyon siya dumaan.

Bumaba na ako ng kotse habang nagsuot ng cap at mask. Medyo hindi pa naman gaanong maliwanang ang paligid kaya bibilisan ko nalang para hindi ako maagahan. 

Kalmado lang akong naglakad saka tumungo agad sa likod ng bahay kung saan ang kwarto ni Xy. Alam ko ang bawat pasikot-sikot dito dahil pinaaralan ito sa akin ni Boss. Malaki ang bahay na ito at maraming kwarto ang nakatago na si Boss lang at ako ang nakakaalam.

May daan 'rin na sadyang pinagawa ni Boss dito para makapasok kami ng walang kahirap-hirap. Masyadong mataas ang pader kung aakyatin mo pa. Kaya dahil kakaiba ang angking talino ni Boss ay nakaisip siya ng kakaibang lagusan para madaling makapasok sa loob.

Sinong mag-aakalang nasa likod ng malaking puno ang nagsisilbing pinto namin para makapasok. Kung titingnan mo ng maige masasabi mong isa lang itong ordinaryong puno pero hindi pala dahil may pinto ito sa likod na nakakonekta sa pader.

Pinindot ko muna ang password saka bumukas ang pinto saka ako pumasok at bumungad sa akin ang nagsisitaasang mga bulaklak ng Sun Flower na pinaligid talaga ni Boss sa bawat pader para hindi halata na may sekretong daan.

Tumakbo na ako palapit sa bahay saka inakyat ang kwarto ni Xy na may kataasan 'rin ng kunti. Nang makaakyat na ako ay sa veranda agad ang bagsak ko. Pumasok na ako sa loob at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Xy habang may hawak na baril na nakatutok sa akin kaya napataas ako ng kamay dahil baka iputok niya. Nakita ko na siya kung paano makipagbarilan at aaminin kong bumilib ako sa galing niya. Hindi ako makapaniwala na makakakita ako ng babaeng matapang na nakikipagbarilan.

"Kalma Xy, ako 'to si Ace." Mahinahon kong sabi sa kaniya. Kilala na niya kasi ako, actually ikalawang pagkikita na namin 'to ngayon.

Binaba niya naman ang baril saka tumungin sa baba.

"Ikaw pala sorry, akala ko kasi kung sino. Ano palang sadya mo?" Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko sa tanong niya dahil pumunta lang naman ako dito para makita sila.

New Life With The Mafia Boss [ONGOING]Where stories live. Discover now