Chapter 8

153 5 0
                                    

Xyrene's POV,

"Mommy, kailan ulit natin bibisitahin si daddy?" Tanong ng anak ko habang karga ko siya.

"Hindi ko pa alam baby eh!" Yan nalang ang naisagot ko sa anak ko, alam kong miss na niya ang daddy niya pero delikado kong bibisita kami sa puntod ni Zayn.

Pupunta kami ngayon sa kusina dahil papakain ko si Calibre. Wala sila mommy at daddy pati si Azu, tanging ako lang at si Calibre ang naiwan dahil may mga ginagawa sila.

Pipihit na sana ako sa kusina ng lumitaw sa paningin ko ang nakabukas na pinto ng isang hindi nagamit na kwarto. Malaki ang bahay natu at alam kong maraming mga kwarto pa ang hindi ko nasilip.

Lalapitan ko na sana ng mapansin ko ang mukha ni Calibre na nagtatakang nakatingin sa akin.

"Mommy! Is there's something went wrong?" Tanong ng matalino kong anak. Napansin niya pala ako kahit karga ko siya. Balak ko pa sanang puntahan ang kwartong 'yun pero saka nalang papakainin ko muna si Calibre dahil matutulog 'din naman 'to pagkatapos.

Tumuloy na kami sa kusina at inihanda ko muna ang pagkain ni Calibre. Fried Chicken, hotdog at gulay kasi ang paborito niyang ulam. Hindi kailanman 'yan nawala sa hapag kainan dahil 'yan ang palagi niyang request kay mommy.

Pinapanuod ko lang siya na kumakain. Napakaswerte ko sa anak ko dahil hindi niya ako pinapahirapan, may ibang mga bata kasi na mahirap alagaan. Pero 'yung anak ko naiiba dahil pinapahalagahan niya ako bilang mommy niya. Kaya naaawa ako sa anak ko dahil hindi niya naabutan ang daddy niya.

Buti nalang maruno na siyang umintindi na wala na ang daddy niya, minsan nga ako pa ang pinapaalahanan niya na hindi dapat ako malungkot kasi binabantayan kami ng daddy niya. Naiiyak nalang ako kapag ganun 'yung anak ko parang ang bilis niyang namulat sa mga bagay-bagay. Limang taon palang siya pero kakaiba na siya mag-isip at masasabi ko talagang minana niya 'yan sa daddy niya.

"Mommy, I'm done eating!" Parinig ng anak ko, napansin niya sigurong lutang na naman ako habang nakatingin sa kaniya na kumakain.

"Sige, liligpitin lang muna ni mommy ang pinagkainan mo at Pagkatapos aakyat na tayo sa taas dahil maliligo ka pa." Tumango lang siya habang nililigpit ko na ang mga pinagkainan niya. Nang matapos akong magligpit ay umakyat na kami sa taas. Hindi na siya nagpakarga sa akin dahil busog 'daw siya, ibig sabihin mabigat na 'daw siya kargahin.

Natatawa nalang ako sa inaasta niya dahil ang dali niyang napapansin lahat ng kinikilos ko. Minsan tuloy naiibsan ang pangungulila ko kay Zayn dahil kay Calibre. May mga katangian kasi na tugma silang dalawa, natural lang naman 'yun dahil mag-ama sila.

Nasa kwarto na kami at dumiretso na kami sa banyo para paliguan si Calibre. Pinasipilyo ko muna siya bago paliguan. Pagkatapos niyang magsipilyo ay saka ko na siya pinaliguan hanggang sa natapos na siyang maligo at binihisan ko na.

Tinuyo ko muna ng maige ang buhok niya dahil alam kong matutulog natu maya-maya lang. Naglalambing pa siya sa akin, mas mabuti na 'rin para hindi siya makatulog agad.

Kinarga ko muna siya at isinayaw sayaw hanggang sa umabot kami ng ilang minuto at makatulog na siya sa balikat ko.

Inihiga ko na siya sa kama at inayos ang kumot na hindi masyadong bumalot sa katawan niya. Nang mahimbing na siyang natutulog ay saka na ako bumaba at nagtungo sa sala. Nanuod muna ako ng palabas sa T.V hanggang sa maalala ko kanina ang nakabukas na pinto dahil sa malahorror na movie na pinapanuod ko ngayon.

Pinatay ko na kaagad ang palabas at saka pinuntahan ang nakabukas na pinto kanina. Ano naman kayang meron sa kwartong 'yun?

Habang palapit ako sa pinto ay ganun nalang kalakas ang kabang naramdaman ko. Hindi ko maintindihan kong bakit kinakabahan ako, wala naman akong karanasan sa bahay natu ang ipinagtataka ko lang ay bakit ganito nalang magreact ang sistema ko.

New Life With The Mafia Boss [ONGOING]Where stories live. Discover now