Xyrene's POV,
Nandito na kami sa labas ng building, kakarating lang kasi namin actually papasok na 'rin kami. Naglalakad na kami papasok sa loob at samu't-saring papuri at pagbati naman ang natatanggap ko sa mga tauhan ni Zayn. Ngumiti lang 'din ako bilang tugon sa mga pinapakita nilang kabutihan sa akin.
Pinagbuksan naman ako ng pinto ng isang tauhan namin ng nasa harap na kami ng malaking pinto, kung saan nagtitipon-tipon ang lahat. Bumungad sa amin ang lahat ng kasapi ng Z lion at may iba sa kanila na hindi ko kilala. May matanda at mas bata 'rin sa akin ang nakikita ko na nakaupo sa upuan. Actually dalawampu ang upuan ang nakahilera sa mesa at tatlo nalang ang natira na para sa amin ng mga kasama ko ngayon.
Nasa pinakadulo ang upuan ko, kaya feel na feel kong rumampa sa harap nila. Aba dapat lang na maging boss talaga ang datingan ko, para naman walang masabi ang iba diyan na palampa-lampa ako. Nakaupo na ako sa dulo at tumayo naman silang lahat habang nagbigay galang sa akin. Hay, para naman akong reyna sa lagay natu kaso wala na akong hari. Pero okay lang may prinsipe naman ako.
"Good morning, everyone! Have a seat!" Lakas loob na sabi ko sa kanilang lahat, kaya umupo naman sila kaagad.
Lumapit naman si Azu sa akin saka may iniabot na makapal na document na hindi ko alam kung ano ang mga nakasulat doon. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang isang mahabang listahan. Naglalaman ito ng iba't-ibang grupo na nabibilang sa dalawang malaking panig ng mafia organization.
Nakatutok lang ang mga mata ko sa listahan ng ipaliwanag ni Bryan sa aming lahat ang nilalaman ng dokumento.
"Malapit na ang big night ng kagami na gaganapin sa Kagami Empire Legacy. Lahat ng mga grupong nakapaloob sa dalawang panig ay imbitado, kaya inaasahan na maging alerto ang lahat. Sa oras na 'yan mahirap na alamin kung sino ang kalaban at kakampi mo. " Tumango naman ang lahat kay Bryan, kaya parang pinukaw talaga ang atensiyon ko at tinitigan ng maayos ang dokumento.
"Kung sa araw na 'yan lahat ng bawat kasapi ng organisasyon ay imbitado, maaaring dadalo 'rin ang bigboss ng kagami sa mga oras na 'yan?" Sambit ng isang lalaki na sa tingin ko'y kasing edad ko lang.
"Tama ka, Alex!" Sabat naman ng isang may edad na lalaking kaharap niya.
"Pero hindi 'rin tayo dapat magpakasiguro dahil bigboss 'yun ng kagami lalo na't lahat ng kasapi ay imbitado. Alam niyo naman nabibilang lang ang mga sikat na taong nakakakilala sa kaniya." Suhesyon naman ng isang matanda na katabi ng may edad na lalaki.
Nakikinig lang ako sa mga usapan nila habang napapaisip naman ako kung paano ko makikilala ang bigboss ng kagami. Sabi nila nabibilang lang 'daw ang mga sikat na taong nakakakilala sa kaniya, kaya paniguradong mahihirapan akong kilalanin siya. Sana lang matulungan ako ni Kuya Ace.
Binalik ko na ulit ang atensyon ko sa kanila, dahil marami pa akong pwedeng malaman ngayon.
"Sa mga oras na 'yan panatilihin niyong kalmado ang mga sarili niyo. Sa napag-usapan namin kanina ni Mr. Chua sa board meeting kanina, walang magaganap na gulo dahil idadaos ang kasiyahan sa Kagami Empire Legacy. Kung saan naroroon ang mga sikat na personalidad sa larangan ng organisasyon. Sa mga nagdaang taon ngayon na ulit gaganapin ang 2nd bignight na bihira lang nangyayare. Inaasahan ang lahat na maging marespeto sa araw na iyon." Bwelta naman ng isang matanda na kaharap nung kasing edad ko lang na tinawag na Alex. Ano bang meron sa araw na 'yan? At mukhang nakakaintrigang alamin. Nakikinig lang ako sa mga usapan nila dahil wala 'rin naman akong masabi dahil wala pa akong masyadong alam tungkol diyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/264658626-288-k950564.jpg)
YOU ARE READING
New Life With The Mafia Boss [ONGOING]
Non-FictionDisclaimer : This story is the Book 2 of Kidnapped By The Mafia Boss. Since, I also don't know why I end the story like that (tragic) , so that's why I make book 2 to make it all clear. Let's all witness Xyrene's life having a New Life With The Mafi...