"Kate, ito na ang oras mo." sabi niya sa akin. Parang niyayakap ako ng bawat salitang kanyang binitawan. Napaiyak ako dahil doon. Ramdam na ramdam ko na wala na akong magagawa. Na ito na talaga ang panahon para umalis ako.
Pero may parte pa rin sa akin na ayaw ko pang sumuko.
"Nagmamakaawa po ako sa inyo. Pagbigyan niyo po ako. Give me another chance to live. Kahit saglit lang. Nagmamakaawa po ako sa inyo." sabi ko pa ng lumuluha. Desperada na ako ngayon. Kahit kaunting panahon lang, ayos na sa akin.
"Kahit gusto ko man yun ibigay sayo iha wala akong magagawa. Hindi yun maaring mangyari." sabi niya ng buo sa akin.
Lumuhod ako sa kanya at pinagdikit ang mga palad ko.
"Nagmamakaawa po ako sa inyo. Bigyan niyo pa po ako ng isa pang pagkakataon. Gagawin ko po ang lahat! Kahit ano pa man yan!"
Biglang may sumulpot na isa pang nilalang. Mala anghel din ang kanyang pagmumukha. Mas maganda ang kanyang kasuotan at mas banal din siyang tignan.
Nagbow sa kanya yung unang nilalang na nagpakita sa akin. Siguro mas mataas ang posisyon niya.
"Bakit mo naman hinayaang lumuhod ang isang tao sa iyong harapan?" sabi niya.
"Paumanhin ho. Nagulat lang po ako kaya hindi po agad ako nakakakilos." sabi naman nung isa.
"Iha tumayo ka diyan." sabi niya sa akin.
"Ano ba ang intensyon mo kaya gusto mo pang mabuhay?" tanong niya sa akin pagkatayo ko.
"Alam ko pong maka-sarili ang hinihiling ko ngunit gusto ko lang pong itama yung mga pagkakamaling ginawa ko. Gusto ko pong itama yung mga bagay na pinagsisisihan ko. At mayroon pong parte sa akin na nagsasabing hindi pa tapos ang misyon ko. Pero kung hindi na po talaga pwede, tatanggapin ko po iyon ng buo."
Tinignan niya ang mata ko na para bang sinusuri kung totoo ba ang mga sinasabi ko.
"Nakikita ko naman sa iyong mga mata na malinis naman ang iyong hangarin. Kaya't tinggin ko'y pwede naman kitang pagbigyan." sabi niya sa akin.
Napaluha ako sa sobrang tuwa. I can't find the words to express my feelings. Basta sobrang saya ko ngayon.
"Ngunit labag yun sa batas nating mga taga langit! Bawal tayong mangialam sa buhay ng mga tao!" sabi naman nung isa.
"Wag kang magalala haharapin ko ang kahit ano mang parusa na ipapataw sa akin."
"Pero-" hindi niya na pinatapos pang magsalita ang isa. Tinignan niya lamang ito at tumikom na agad ang bibig nito.
"Gagawin mo ang lahat hindi ba?" tanong niya sa akin.
"Opo! Gagawin ko po ang lahat! Kahit ano pa man po yan tatanggapin ko." sabi ko naman. Kinabahan ako sa kung ano ang pwede niyang sabihin. Pero handa akong harapin ang lahat.
"You need to forget all of your memories."
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Sana magustuhan niyo itong story na ito hahaha. Amateur writer lang po ako so sorry kung meron mang mali sa grammar at kung anu-ano pang pagkakamali. Wag po kayong mahiyang magbigay ng suggestions and opinions para maimprove ko pa po yung story.
Check out the trailers!
PS: One More Chance po ang title nito dati pero pinalitan ko po ng Living Once Again. :"))
God bless and XOXO!

BINABASA MO ANG
Living Once Again
FantasíaWhat are you going to do if you were given a chance to live once again? Are you going to accept it even if doing so means sacrificing all the memories you had before? "In my heart is a memory, and there you'll always be." "Living Once Again" is a...