Redentor Serrano (36)

1.6K 142 14
                                    

You're Not My Brother

Episode 36

Red

Mula nang mangyari ang malagim na aksidente na ikinasawi ni Tito Raul ay hindi na makausap ng maayos si Gael.

Kahit si Aileen ay hindi niya kinikibo sa tuwing lalapitan siya nito. Ngunit hindi rin naman niya itinataboy.

Nakita ko na niyakap din siya nito na tinugon naman niya nang araw na ipagtapat ko sa kanya kung ano ba talaga ang sadya ni Tito Raul dito sa Maynila.

Nagpapasalamat na lang ako dahil kahit papaano ay sa akin pa rin siya natutulog. Masaya na ako na sa bawat gabi ay nayayakap ko pa rin siya.

Sa ikatlong araw ay inilibing na si Tito Raul. Nagpasya sina Aileen at Daddy na dito na lang ito ilibing sa Maynila tutal ay narito na rin naman daw si Gael.

Natawa ako sa pagpapakitang tao ng magaling kong ama. Nakikialam sa mga desisyon na akala mo ay kapamilya ng namatay.

Nang magsiuwi ang mga bisita ay nauna ko nang pinasakay si Gael sa sasakyan ko.

Nag-usap na sila ni Aileen kanina na pansamantala ay doon muna siya titira sa Cavite na hindi ko sinang-ayunan.

Pero si Gael na mismo ang nagdesisyon na gusto niyang makasama si Aileen dahil hindi na raw niya nanaisin pa na mawalan ng isa pang magulang na hindi man lang niya nakakasama.

Ayon sa kanya ay sapat na ang nangyari sa tatay niya para marealize niya na mahalaga pa rin talaga sa kanya ang nanay niya.

Hindi na ako nakatanggi sa gusto ni Gael. Tutal ay pansamantala lang naman. Hanggang sa tuluyan silang makarecover sa nangyari.

Kahit ako ay aaminin ko sa sarili ko na naapektuhan din si Aileen sa nangyari. Nakikita ko iyon sa pamumugto ng mga mata niya at sa pagsisikap niya na muling mapalapit sa anak niya.

Kung magkakatuluyan man kami ni Gael ay nanaisin ko rin na magkaayos silang mag-ina. Pero hindi ko kailanman matatanggap si Aileen bilang nanay ko.

"Red," narinig ko na tawag sa akin ng tinig na nagmula sa likuran ko. Nang lingunin ko si Kevin ay seryoso siya na lumapit sa akin.

"Nagkausap na ba kayo?" hindi nakaligtas sa akin ang desperasyon sa tinig niya.

"Si Kazu." paglilinaw niya sa tanong niya.

"Bakit sa akin mo tinatanong? Hindi ba kayo nag-uusap? Hindi ba ipinaubaya ko na sayo ang pinsan ko?" sagot ko. Saka ko lang naalala ang napakaraming missed calls ni Kazu nung nakaraan.

Natawa siya ngunit hindi ang tawa na nagagalak. "Kung ganun ay hindi mo pala alam na nasa amerika na siya."

"Ano?" gulat na tanong ko. Hindi ko alam ang tungkol doon dahil naging abala ako sa mga nagdaang araw sa problema ko kay Gael.

Sa tarantadong caller niya na may ideya na ako kung sino. Hindi pa kami nakakapag-usap ni Gael tungkol sa bagay na iyon dahil sa kalagayan niya ngayon ay nakatitiyak ako na hindi rin naman niya ako sasagutin.

"Inilayo siya ng tatay niya sa akin. Pinili ni Kazu na magtungo sa amerika kapalit daw ng kaligtasan ko." mapait na sagot niya. Nakikita ko ang bitterness sa anyo niya.

Ilang sandali siyang napaisip bago niya ako sinulyapan. "Kung sakali na makausap mo siya ay ikumusta mo na lang ako sa kanya. Pakisabi na mahal na mahal ko siya at hihintayin ko ang pagbabalik niya."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Kevin. Naguguluhan din ako sa sitwasyon nila ngayon ni Kazu.

"Alagaan mo si Gael." dugtong niya saka na siya naglakad palayo. Naiiling na lang ako habang sinusundan ko siya ng tingin.

You're Not My Brother (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon