Redentor Serrano (41)

2.6K 134 42
                                    

You're Not My Brother

Episode 41

Red

Matapos ang naging pag-uusap namin ni Aileen ay sinikap ko na iwasan muna pansamantala si Gael habang nasa bahay kami.

Mas makakabuti na iyon kesa naman makahalata si Dad sa relasyon namin. Hindi na rin nakialam pa si Aileen sa amin ng anak niya.

Dalawang araw matapos ang naging pagtatalo namin ni Gael ay nalaman ko na lamang na nagpahatid pala siya kay Valentin sa Maynila.

Nalaman ko iyon nang marinig ko na itinatanong ng isang maid kay Aileen habang naghahanda sila ng pagkain sa kusina.

Sinabi na lang ni Aileen na nagpasya muna si Gael na tumuloy sa kaibigan niya dahil nahihirapan ito sa araw-araw na biyahe.

Ngunit alam ko na hindi iyon ang totoong dahilan. Marahil ay nagdamdam siya sa akin dahil sa ginawa kong pag-iwas at isang dahilan na rin ang pamamahiya sa kanya ni Dad.

Sigurado ako na kay Kevin lang siya maaaring makituloy dahil siya lang naman ang malapit niyang kaibigan doon.

Sa kaalamang iyon ay panatag na ang loob ko. Pero bukas sa team building namin ay susuyuin ko na siya at ipapaliwanag ko sa kanya ang sitwasyon.

******

Kinabukasan ay maaga akong nagpahatid sa school. Madilim pa nang makarating kami doon pero nagsisimula nang magsipasok sa bus ang mga estudyante.

Hindi naman ako maliligaw dahil may bus number na nakalaan para sa bawat section.

Nang makaakyat ako sa bus ay nakita ko si Gael na nakaupo sa tabi ng bintana at nasa bandang gitna siya ng bus nakaupo.

Naglakad ako para tabihan siya ngunit bigla na lamang pumasok sa eksena si Riel na nasa unahan ko lang.

"May nakaupo ba dito?" tanong niya kay Gael. Napadako naman ang tingin sa akin ni Gael. Hinintay ko ang pagtanggi niya ngunit isang iling ang isinagot niya kay Riel.

Ngumiti si Riel pagkatapos ay mabilis na siyang umupo sa tabi ni Gael.

Nagpatuloy naman ako sa paglapit at huminto ako sa tapat nila. Napaangat ng tingin sa akin si Riel.

"Pare baka pwedeng akin na lang ang seat na yan." sabi ko.

Lumingon naman siya sa bandang likod at nakita niya na wala pa halos tao doon.

"Marami pang upuan sa likod bro. Nauna ako sayo dito." sabi niya na ikinainis ko.

Sinulyapan ko si Gael. Nakatingin din siya sa akin ngunit nararamdaman ko na galit siya. Napailing siya saka niya ako pinagsabihan.

"Nakaharang ka sa daan." sabi pa ni gago imbes na paalisin si Riel sa tabi niya.

Napansin ko na marami na nga ang tao sa likuran ko. Naglakad na ako patungo sa upuan sa kabilang side ng bus.

Nanggigigil ako sa inis saka ko padabog na inihagis ang bag ko bago ko ibinagsak ang sarili ko doon.

Sinundan pa ako ng tingin ng dalawang gago. Hindi ko itinago ang inis ko at kesa tuluyan akong ma-badtrip ay ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana.

Naramdaman ko na lang na may umupo sa tabi ko kaya mabilis akong lumingon. Nakita ko si Jelaine. Ngumiti siya sa akin. Isang napakatamis na ngiti ngunit hindi ko iyon tinugon.

"Hindi naman siguro occupied ang seat na ito." masiglang sabi niya habang nakatitig siya sa akin.

Maganda si Jelaine. Hindi rin niya itinatago ang feelings niya para sa akin. Pero wala akong balak na bigyan siya kahit katiting na pag-asa.

You're Not My Brother (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon