Redentor Serrano (32)

2.4K 155 24
                                    

WARNING:

This chapter contains VIOLENCE. Please read at your own risk. If you are not open for this kind of scenes please skip this chapter.

Thank You!

Nickolai214

******

You're Not My Brother

Episode 32

Red

Gaya ng ipinakiusap sa akin ni Gael ay hinayaan ko na lang si Dale na makaalis sa unit ko nang walang sinasabing masama tungkol sa naging asal niya kanina.

Nagshower lang ako pagkatapos ay umalis kaagad ako upang daanan si Kazu sa ospital at baka sakali na maabutan ko pa doon sina Serene.

Narealize ko na hindi nga tama kung pinatulan ko kanina si Dale. Pero kailangan kong malaman ang totoo kung paano siya naging ama ng anak ni Serene.

Mabilis lang naman akong nakarating sa ospital pero hindi ko na inabutan doon sina Serene at Dale. Nagpasya na lang ako na tumuloy sa room ni Kazu.

Naabutan ko ang pinsan ko na nakahiga pa rin sa hospital bed. May benda sa ulo at tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana.

Bumaling lang siya sa akin nang maramdaman niya ang presensya ko sa loob ng silid. Mabilis ko siyang nilapitan at kinumusta.

Hindi niya sinagot ang mga tanong ko kung ayos lang ba siya. Sa halip ay itinanong niya kung nakita ko ba si Kevin.

Sinabi ko na hindi ko pa ito nakikita mula nang magtungo ako sa ospital. Umalis daw ito kanina at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik.

"Baka umuwi lang muna sandali. Kahapon ka pa niya binabantayan hindi ba? Cheer up! Babalik din kaagad yun." sabi ko sa kanya.

Hindi siya sumagot bagkus ay muli siyang tumanaw sa labas ng bintana. Bakas ang pag-aalala sa anyo niya.

"By the way bago ko makalimutan. Nagpunta talaga ako dito para ipaabot sayo ang sincere apology ni Gael dahil sa nangyari sayo. At gusto rin kitang makumusta ng personal. May gusto lang akong linawin sayo Kazu."

Bumaling siya sa akin at binigyan niya ako ng nagtatanong na mga tingin dahil sa sinabi ko.

"Nakilala mo ba yung mga nanggulpi sa inyo?" seryosong tanong ko sa kanya.

Malungkot siyang tumingin sa akin saka siya bahagya na tumango.

"Si Jojo at ang dalawang kaibigan niya. Sa tingin ko ay may kinalaman pa rin ito sa ginawa mo sa kanila noon nang unang beses nilang saktan si Gael." sabi niya.

Nagtagis ang mga bagang ko at naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa narinig ko.

"Kung ano man ang binabalak mo ay wag mo nang ituloy pa." mahinang sambit ni Kazu bago siya tumingin ng diretso sa akin.

"Kilala kita Red. Kapag gumanti ka ay gaganti na naman sila. Hindi na kayo matatapos sa walang kapaguran na gantihan ninyo." patuloy niya.

Ngunit hindi sapat ang mga iyon upang pawiin ang galit na nararamdaman ko sa dibdib ko.

Nasaktan si Gael. Mas lalo na si Kazu na pinaka-iingatan ko mula pa noon. Hindi ako papayag na mauwi lang sa wala ang nangyaring ito sa kanila.

"Magpahinga ka na. May pupuntahan pa ako." sabi ko sa kanya saka ko siya hinalikan sa ulo. Mahal na mahal ko si Kazu maliit pa lang kami. Dahil sa lahat ng mga pinsan ko ay siya lang ang naging totoo sa pakikitungo sa akin.

Hindi na ako nagtagal pa at nagpasya na ako na lisanin ang ospital. May tinawagan lang ako sandali sa cellphone ko pagkatapos ay dumiretso ako sa condo ni Dale.

You're Not My Brother (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon