Redentor Serrano (12)

4.4K 266 89
                                    

You're Not My Brother

Episode 12

Red

Dahil first week of showing pa lang ay marami pa rin ang nanonood. Nahirapan tuloy akong humanap ng maayos na puwesto sa itaas.

Ayoko naman sa baba dahil nahihilo ako at hindi ko naeenjoy ang palabas.

Nakahanap ako ng maayos na puwesto sa may bandang dulo sa itaas.

Nang makaupo siya ay iniwanan ko muna si Gael doon. Muli akong lumabas upang bumili ng popcorn at drinks na rin.

Habang inaayos ng babae ang order ko ay napasulyap ako sa mga ibinebentang collectibles sa kabilang side.

Mabilis akong lumapit doon at naagaw ang atensyon ko ng isang keychain. Si Toothless ng How to train your Dragon movie.

Kaagad kong binili iyon saka ko nilagay sa bulsa ko. Inabot na rin sa akin ang popcorn at drinks na binili ko. Mabilis na akong naglakad pabalik sa loob.

Habang nanonood kami ay nakaramdam ako ng antok. Hindi ko naman talaga gusto ang palabas na napili ko. Dinahilan ko lang kay Garl iyon upang maisama ko siyang manood. Mukhang naeenjoy naman niya.

Inayos ko ang puwesto ko saka ko isinandig ang ulo ko sa balikat niya. Pumikit na rin ako at iidlip na sana sandali nang maramdaman ko na marahas akong itinulak ni Gael palayo sa kanya.

Napabalikwas naman ako ng upo at nasipa ko pa tuloy yung upuan na nasa harapan ko.

"Ano ba yan? Ang likot niyo naman!" mataray na reklamo ng isang chubby na babae na nakaupo doon.

Nang mapagmasdan niya ang mukha ko na nasisinagan ng liwanag mula sa screen ay mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

Para siyang uod na binubudburan ng asin habang nagpapa-cute sa akin. Tangina neto ang sarap bigwasan. Pulang-pula pa ang labi at pisngi ng hayop.

Sinulyapan ko si Gael. Nasa palabas ang atensyon niya at nang maramdaman niya na nakatingin ako sa kanya ay sinulyapan niya ako.

"Problema mo?" tanong niya gamit ang natural na supladong tono niya.

"Bakit mo ba ako tinulak ha?" reklamo ko sa kanya.

"Hinatak mo ko para manood pero tutulugan mo ang palabas. Sapakin kaya kita. Pinaglololoko mo ko." sermon niya.

Nangiti na lang ako saka na ako umayos ng upo. Habang busy si Gael sa panonood ay napadako ang tingin ko sa makinis na braso niya na nakapatong sa armrest.

Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na haplusin iyon gamit ang mga daliri ko.

Marahas namang inalis ni Gael ang kamay ko na sinabayan ng pagpalatak niya.

"Manonood ka ba o hindi?" tanong niya. Nararamdaman ko na ang iritasyon sa tinig niya. Ngunit mas lalo lang akong naaliw sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga nararamdaman kong ito para sa stepbrother ko. Pero kung tama ang hinala ko na nababakla na ako sa kanya ay wala akong pakialam.

Masaya ako kapag kasama ko si Gael. Natutuwa ako kapag naiinis ko siya. Hindi ko rin mapigilan ang malakas na atraksyon na dinudulot niya sa akin.

Nakakababa ng pagkalalaki. Tang-ina. Buong buhay ko ay hinahabol ako ng mga babae. Marami sa kanila ay talaga namang magaganda at nadadala ko nang walang kahirap hirap sa kama.

Kilala ako bilang playboy at matinik pagdating sa babae. Hindi na nga mabilang ang mga lalaking nakakaaway ko dahil pati mga girlfriend nila ay naaakit sa akin.

You're Not My Brother (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon