35

3 1 3
                                    

I'm hoping that this time, I'll achieve that one goal I wanted to reach for years.

Ang pamilyar at mainit na hangin ng Pinas ang sumalubong sa'kin pagkababa na pagkababa ko ng eroplano. The airplane we used is the Parcon's, syempre dahil mga Parcon mismo ang kasama na'min.

I turned back to help Chart who's carrying my semi-large bag. Hindi kasi ako nagdala ng maraming mga gamit dahil meron naman sa bahay at pupwede namang mamili nalang kapag may kailangan.

"Hey, ako na riyan." ani ko dahil madali nalang naman dalhin ang bag na 'yon.

Umiling lamang si Chart at kinausap ang attendant. Ngumuso na lang ako.

Guinevere wore her sunglasses first and said, "I told you to use your luggage instead. Hindi ka naman sigurado kung uuwi ka pang Australia. Kalat lang 'yon sa unit."

Sa ilang taong tinagal ni Guinevere sa Australia, natutunan niya na ring magsalita ng katulad nila Briseis at Maze. Though, not as out as my two other female cousins. Mas may self-awareness itong si Guine kaysa sa dalawang 'yon.

I rolled my eyes at her, "My things aren't kalat, Guine! Ayang nakasunod sa'yo ang kalat." I whispered the last sentence to her.

Ngumiti lang siya at nilingon si Chain na as usual, naka-buntot nanaman sakanya. "That's my pet, you know?"

I grunted jokingly, "Hanep naman yang pet mo, may sariling airport."

Humalakhak naman ang pinsan kong 'di ko mawari kung nalalason naba ni Chain Parcon o ano.

Naging madali nalang ang paglabas namin sa airport at ang pagsakay pauwi. Guinevere and I will be staying at my parents' house in Batangas. Dahil iyong event na pupuntahan namin sa linggo ay sa resort nila Bri sa Batangas rin.

"Why won't we stay at my place first? Nakakapagod naman masyado kung dederetso tayo agad sa Batangas." kumento ni Chain na nasa driver's seat ngayon.

"Okay lang naman sa'kin." I honestly answered.

Oo nga naman, the situation is not very favorable sa part niya. Kahit kasi private jet ang gamit ay di parin maiiwasan ang pagod at syempre ang pag-aadjust ng katawan sa oras.

We all agreed to stay at Chain's place first that day. Kinabukasan din naman agad, pagkatapos mag-almusal ay byumahe na kami papuntang Batangas.

"I have a feeling that Bri invited many people." pahayag ni Blaid.

"That's to be expected of her... Alam mo namang maraming kaibigan 'yon." tugon ko naman sakanya.

Of course, it's Briseis Saoirse Samantila. Himala na lamang kapag hindi siya nag-imbita ng ibang tao sa isang event.

"Lol, isama mo pa si Maze." Chain added.

Napapikit si Blaid bigla, "Now that we're talking about that two, naalala ko nanaman ang school. Med school is giving me headache. I don't know what I'm going to do after I go back to Australia anymore."

I smirked, "At least you had a week off."

She looked at me tiredly, "And after that, I'm gonna experience hell."

Tita Karina and Tito Barron didn't really force her to continue pursuing medicine. Kahit ipagpatuloy nalang nya ang Pharmacy ay ayos na, but she grew to love medicine. Kaya ayan, she's having a hard time in med school but I think she can make it.

"Kasama mo naman ako, ah." sambit ni Chain.

Guine just snorted at him and talked to me.

It was quite a long ride. We arrived at my parents' house in the afternoon. Dahil wala sila Mommy at Daddy, ang mga kasambahay lamang ang sumalubong sa amin.

Elysian (Samantila Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon