Paunang Bahagi

36 4 0
                                    

Inis kong binalingan si Zaire nang asarin muli ako nito. Nag ngising aso lamang ito sa akin. Nang hindi na nasundan pa ang pang-aasar niya ay sinuot ko muli ang earphones at pinikit ang mga mata bago nagsimulang mag drum.

"Kaya wala kang kaibigang babae, e!" ani nanaman ni Elzaire. Ang walang kuwentang kapatid ni Keelan.

"Shut the fuck up, Zaire." tugon ko rito.

"I'm still older than you, Ame!" dugtong pa ng walang kuwentang mukhang asong si Elzaire.

Sa totoo lang, 'di ko alam kung paano ko naging pinsan ang pangit na iyon.

"Lagi mo nalang inaasar si Ame, Zaire. Baka naman may gusto kana sa pinsan na'tin?" malakas na sabi ni Xautheus.

Ewan ko kung bakit, pero kahit anong lakas at focus ko sa tugtugin sa earphones ko ay tumatagos parin ang ingay nila.

"Kahit isang beses nga, patahimikin niyo naman ang buhay ni Ame." sabi ng isa ko pang pinsan na si Cazian.

Tumikhim ako at tinigil ang pagdadrum, inalis ko rin ang pagkakasalpak ng earphones ko sa magkabila kong tenga.

"Sa'n si Maze?" walang emosyon kong tanong sa mga "pogi" ko raw na pinsan.

"Ewan 'ko. Kanina nakita ko sila ni Briseis na umalis e. Baka may gala?" sagot ni Xautheus.

Tumango lang ako sakanya at iniwan silang lahat sa music room. This is our hobby. Lahat ng mga pinsan ko ay interesado sa musika. Sayang nga lang at medyo napalayo sa amin sila Reoh at Raiah.

Marami saming magpipinsan ang only child pero dahil medyo marami kami, napupunan naman 'yon ng presensya ng iba pa naming pinsan. Katulad ko. Only child lang ako pero 'di ko dama dahil sa mga pinsan ko.

Tamad kong binuksan ang pinto ng kuwarto ko at inabot ang aking cellphone bago humilata sa kama. I'm wondering if Blaid is in their house.. Ayoko naman kasi tanungin si Dice dahil alam kong lagi iyon nakabuntot sa fiancee niya.

Nag-isip muna ako ng tamang sasabihin bago nagtipa ng iMessage para kay Blaid.

Ako:

Hey. I wonder if you'll come here to our house? Pagod na ako makita ang mga unggoy araw-araw dito. Kung hindi ay ako nalang pupunta diyan sainyo.

Maya-maya ay nag-reply narin naman si Blaid.

Blaid:

Haha. Unggoy talaga? Puwede naman tayo magkita pero sa tingin ko ay ikaw ang dapat pumunta rito..

Napatayo ako sa galak dahil roon.

Ako:

O sige. Pupunta ako diyan. Magbibihis lang ako.

Matapos magbihis ng denim shorts at maluwang na t-shirt na binigay sa'kin ni Zaire ay umalis na ako. Hindi na ako nagabalang magpaalam pa kila Mom dahil sasabihin naman 'yan ni Tita Karina sakanila.

Nang makarating na kila Blaid ay excited akong bumaba pero siniguro kong kalmado na ako bago pa ako makarating sa mismong bahay nila.

Pagpasok ko ay sinalubong ako ng mga taong akala ko sa school ko lang makikita. Bumuntong hininga na lamang ako at tinignan ang pinsang si Blaid na papunta sa'kin.

"Sorry, ininvite kasi sila ni Kuya." bulong ni Blaid sa'kin nang marating niya ako.

Tinanguan ko lang siya at tinignan ang mga kapwa ko bisita sa bahay nila Blaid. Tinikom ko ang pagkaawang ng mga labi ko nang makita ang pagnguso ng pamilyar na lalaking nakikita ko rin sa school. Naningkit ang mga mata ko nang makita pa ang pagpapakita ng dimple niya na tila iniiwasan niyang ngumiti.

Nang mapansin na napatitig na ako sakanya ay kumurap ako saka nilingon ang pinsan kong ngayo'y nagmamadali.

"Uhh, sorry po mga kuya, aakyat lang po kami ng pinsan kosa kuwarto ko. Paparating narin po si Kuya Dice." ani niya. Kaya nang pumanhik na kami papunta sa kuwarto niya ay sumama na ako.

"Sino 'yong lalaking may dimple?" tanong ko kay Blaid na nilalagay ngayon ang mga nakatuping damit sa closet niya.

"Huh? Hindi mo ba kilala 'yon? 'Di ba 'yon yung crush ni Maze?" ngumunot ang noo ko sa naging sagot niya.

Crush pala 'yon ni Mazikien?

"Crush 'yon ni Maze, e. Kung 'di mo naaalala dahil sa dami ng crush ng pinsan na'tin ay naiintindihan ko." Blaid grinned.

Tama siya roon sa maraming crush si Maze. Halos ilagay niya na lahat ng poging athlete at non-athlete sa kanyang "crush list".

"Sino ba naman kasing 'di magkakacrush do'n? Sobrang baby face at care free ng mukha. Mabait pa." at ang dating mala-maria clara na si Guinevere Blaid ay humagikhik pa nga.

'Di ko maiwasang umasim ang mukha. Minsan lang ba makakita ng gwapo ang mga pinsan kong babae?

Nang mapansin ni Blaid ang mukha ko ay tumawa siya, "Sabihin mo nga, Ame, tomboy kaba?"

"Luh? Hindi ah!" agaran kong tanggi.

"E ba't parang 'di ka man lang nagagwapuhan sa mga lalaki? 'Wag mong sabihin sa'king babae ang gusto mo?"

"Bakit? Kailangan bang magwapuhan rin ako sa mga lalaking crush n'yo? 'Di ba puwedeng masyado lang akong sawa sa mga ganong itsura kaya 'di ako nagkakagusto sakanila?" totoo naman kasi. Katulad ni Keelan, maamo rin ang mukha pero sobrang tahimik naman. Sa buong buhay kong kasama ang mga pinsan kong lalaki, normal nalang para sa akin ang makakita ng maamo at care free-ng mukha ng lalaki.

Inismiran lang ako ni Blaid.

"Nga pala, sabi ni Mom ang theme raw para sa birthday ni Kuya ay simple lang. Kaya nakadepende sa mga guest kung mag gagown ba kayo o kahit simpleng pambahay nalang ang isusuot." imporma pa niya.

"Ano ang color palette?"

"Ah, black, white at gray."

I nodded and thought about what will I wear that day. Medyo nalalapit narin kasi ang birthday ni Dice, ang kuya ni Blaid.

"'Wag kana mag isip pa ng kung anong isusuot niyan. For sure may nabili na sila Tita para sa'yo. Ikaw paba?" tawa ni Blaid.

Sabagay.. Baka nga may naibili na sila Mommy para sa'kin. Tatanungin ko nalang mamaya.

Nagpatuloy ang pag-uusap na'min ni Blaid hanggang sa maghapon na. Bahagya akong nalungkot nang mapagtantong malapit nang matapos ang araw na ito.

"Ayoko sanang umuwi kapa kaso hahanapin ka roon sainyo. 'Di ka pa naman nagpaalam." malungkot ding saad ng pinsan ko.

"Pwede naman akong pumunta rito sa mga susunod na araw." pagpapagaan ko sa nararamdaman naming dalawa.

"Sa bagay."

Natahimik kaming parehas habang naglalakad kami pababa sa kanilang grand staircase. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang makita nanaman iyong lalaking crush raw ni Maze. I don't really know why, but I think I feel something different towards this guy. And, I can say that it is more complicated than what they call "love".

Elysian (Samantila Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon