13

266 4 0
                                    

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata para sana uminom ng gamot pero mabilis din akong napapikit ulit nang marinig kong bumukas ang pinto ng aking kwarto. Halata sa mga yapak nito na ayaw niya akong magising sa sobrang gaan at mukhang may ideya na ako kung sino.

Nilapat nito ang kamay niya sa aking noo kasunod ng paghawak niya sa isa kong kamay.

The way he held my hand is so tight I thought it would hurt, but it doesn't. I can feel how nervous he is but tries to calm himself down so that I don't wake up.

A moment of silence covered the whole room, only his breathing is the sound I can hear that turns into a sound of him crying silently. I can feel my tears, but I'm trying not to be affected by these emotions that are starting to build up.

"A-alam ko, Mara... a-alam ko la-hat ng nang-yari sa'yo p-pero mas masakit p-pala na marinig mula sa'yo ang lahat. G-gusto kong sundin ang sinabi mong 'wag ng pakialaman ang buhay mo p-pero ni ang sarili ko hindi ko mapigilan dahil sa sobrang guilt na na-raramdaman ko," emosiyonal nitong sabi.

Pinanatili kong kalmado ang aking sarili at matamang nakinig sa kanya.

"I-I have a lot to say and it may sound selfish but I really want you back, so bad that I can die in your place. Ka-ya kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan, hindi ko kayang iwan ka lalo na ngayon na kailangan mo ako at kailangan kita. T-that's why I promise to stay by your side even if it's just gonna hurt us both, I'll take whatever punishment you give me kahit na hindi nun kayang bayaran lahat ng kasalanan ko sa'yo." Ramdam kong ang paglapit niya ng kamay ko sa kanyang pisngi kasunod ng paghalik nito rito.

"I'm sorry if I can't leave you, I'm sorry if from today on you will still see me and I'm sorry for being selfish. Punish me Xiomara so that at least I can forgive myself for being stupid, it's okay if you can't forgive me. But I just wanted you to know that I love you, I-I love you so much that it hurts to think that I'm going to lose you later."

Dahan-dahan nitong binitawan ang kamay ko ngunit isang halik sa aking noo ang kanyang iniwan na umabot ng ilang segundo.

"I love you Xiomara."

▪▪▪

2 days from now, gaganapin na ang kasal ni Ate Iona at Kuya Dan. Mahigit isang linggo na ring nasa bahay ang lima na iniiwasan ko hanggang ngayon dahil ayoko silang makita kahit na makailang beses na nila akong sinubukang kausapin.

Pumupunta si Tita Sabel sa bahay para tignan ako at pilitin na magpagamot pero laging hindi ang aking nagiging sagot.

"Hoy alien! Paano i-solve toh? Diba may subject kayong ganito? Sagutin mo nga," nakabusangot na sabi ni Ryla.

Natigil sa pagbabasa si Ravier saka tinignan ang kakambal na kanina pa inaalam kung paano ba i-solve ang activity namin kanina.

"Makautos ka parang pinapakain mo ako, ah. Kailangan mo lang ako kapag may kailangan ka," may kaunting biro nitong sabi na dapat hindi niya sinabi dahil sa mismong mukha niya mismo tumama ang notebook na binato ng kakambal niya.

Natawa ako ng mahina habang umiinom ng iced tea na may kasamang popcorn dahil hinihintay ko ang sagot ni Ryla para sa assignment namin bukas.

Syempre sa kanya na ako mangongopya, wala naman kasi akong naintindihan sa mga sinabi sa klase. At kahit maintindihan ko man, alam ko rin namang babagsak ako katulad sa quiz na hindi ko na-take dahil sa lagnat kong papansin.

Na-take ko naman na kahapon pero wala talaga, eh bagsak pa rin. Potek.

"Edi 'wag! Sabihin mo lang kung ayaw mo... kay Kaius na lang ako papaturo," bulong niya na nagpakunot ng aking noo.

Undeniable Feelings (Umbrella Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon