"Kring, kring" ang tunog ng alarm clock ni Eliza. Hindi pa rin nagigising si Eliza, naka ilang beses na tumutunog ang kanyang alarm clock.
Bigla ng pumasok ang kanyang roommate. Hoyy!! Eliza, gising na kanina pa tumutunog ang alarm clock mo, tsaka anong oras na oh. Malalate ka na naman! Dali, dali bumangon si Eliza sa kanyang pagkakahiga at pumunta sa banyo para maligo kasi mahuhuli na siya sa klase niya.
Si Eliza ay isang working student. Kumukuha siya ng kursong criminology at sa gabi naman nagtatrabaho siya bilang crew sa isang fine dining restaurant.
Pagkatapos, mag-ayos ng kanyang gamit. Nagmamadali na umalis si Eliza para pumasok na sa eskwelahan.
Pagdating sa eskwelahan agad siyang napansin ng kanyang professor. Ms. Eliza Alvarez! You're late again! I'm sorry sir, sabi ni Eliza. Umupo na sa Eliza at agad itong naupo sa kanyang upuan para makinig sa kanyang professor na si Mr. Navarro.
After ng klase, kinausap ni Mr. Navarro si Eliza. Ms. Alvarez, pwede muna kitang kausapin. Yes! Sir, you're one of our top performing students in this class kaya lang palagi ka na lang late noh sa klase ko. Sambit ni Eliza, sorry po sir may trabaho po kasi ako pag gabi pero tinitry ko naman po, na pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho po kasi may pangarap po talaga ako maging pulis balang-araw. Keep the good work! Ms. Alvarez, isa kang huwaran na estudyante na kayang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho kaya humahanga ako sa capabilities mo. Sige, next time try to be punctual naman. Okay po sir, sabi naman ni Eliza. Sige, Ms. Alvarez, meron pa ang klase, maiwan na muna kita dito. Okay po sir, maraming salamat po sabi ni Eliza.
Umalis na rin si Eliza at inaantay siya ng kanyang mga bestfriends na si Robert at Ashley sa labas ng classroom. Uy bes!! Ang galing mo talaga kahit na late ka lagi, isa ka pa rin top performing student sa klase mo, sabi ni Ashley. Oo nga bes! Kailangan ko talaga gawin para sa pangarap ko at syempre sa pamilya ko doon sa Pampanga. Tara! Punta na tayo canteen para sa early lunch, sabi naman ni Robert.
Si Robert at Ashley magkasintahan na dalawa at matagal na rin silang dalawa, magkaklase sila nina Eliza noong nasa high school pa kaya talagang matalik na sila magkaibigan.
Okay bes! Ano order mo? Sabi ni Ashley. Yung pork caldereta na lang bes. Sige, yan din akin. Ikaw mahal, sabi ni Ashley kay Robert. Yung nilagang baka na lang akin mahal, tugon ni Robert. Kumain na rin ang tatlo para sa kanilang lunch at pagkatapos nito agad din naman silang nagsipasok sa kanilang klase. Si Robert ay isang engineering student at si Ashley naman ay tourism student.
Pagkatapos ng klase ni Eliza, agad itong umalis at umuwi sa kanyang boarding house para maghanda na rin sa kanyang trabaho sa restaurant.
Nang nakapasok na si Eliza sa kanyang trabaho agad na itong ginawa ang kanyang trabaho. Medyo busy lang restaurant dahil sa dami ng mga customers ng araw na iyon.
Waiter! Waiter! Sabi ng isang customer. Lumapit si Eliza para kunin ang kanilang orders. Can I have one sea scallops and one beef tenderloin and for dessert two banana berries foster. Okay sir! Got your orders. Nagdali dali na i-serve ni Eliza yung mga orders na bigla itong nasagi siya ng isang waiter at natapon yung orders ng customer na yun. Galit na galit yung customer dahil natapon yung orders niya sa kanyang mamahalin na American suit. Ano ka ba? Tatanga ka naman! Sabi ng customer at humingi si Eliza ng patawad. Dumating na yung manager ng restaurant na si Mr. Bautista para ayusin ang problema na ito.
Sige, Eliza doon ka muna sa kusina at aayusin ko muna ito sabi ni Mr. Bautista. Pumunta na si Eliza sa kusina para magpakalma sa sitwasyon na ito. Pagkatapos, maayos ng manager yung sitwasyon agad na ito pinuntahan si Eliza at kinausap. Sorry, sir sa nangyari po na iyon. Next time, Eliza mag ingat ka ha, sana wag na itong maulit pa. Hindi ko ito ibabawas sa sweldo mo yung mga natapon na orders dahil nga nauunawaan kita dahil nagtatrabaho ka at nag-aaral pa kaya papalampasin ko ito, pero next time na maulit ito baka papatawan na kita karampatang parusa. Maraming Salamat po talaga sir, pasensya na po ulit kayo sabi ni Eliza. Sige, back to work ka na! Ayusin mo na lang ulit ang trabaho mo.
Biglang nagkagulo sa labas ng restaurant yun pala dumating sina Donna at Dexter at pinagusapan na sila ng mga tao kasi isa sa mga sikat na couple dahil si Donna ay isang social media influencer at si Dexter ay galing pinakamayaman na angkan ng mga businessman.
Tinignan, ito ni Eliza kung sino ang dumating agad niyang nakita si Donna. Nagulat ito at kumabog ang puso dahil nakita ang kanyang kababata noong bata sila. Ito rin ang isang dahilan kung bakit lumuwas ito ng Maynila para hanapin ang kanyang kababata noon.
Nag order na si Donna at Dexter tapos nakita nga ni Donna si Eliza pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita noon at tila rin mabilis ang kabog ng puso ni Donna ng nakita niya si Eliza. After ng dinner ni Donna at Dexter, umalis na rin sila ng restaurant.
While, si Eliza sobrang tuwa nakita niyang muli ang kanyang kababata na si Donna hanggang sa pag-uwi nito sa kanyang boarding house, hindi pa rin mawala sa isipan nito si Donna kasi laking tuwa nito after all these years nakita niya muli ang kanyang kababata.
Bago, ito matulog tinignan na niya ang larawan ni Donna sa kanyang phone. Sinabi na, sa wakas nagkita na tayo kahit ganun lang pagkikita nating dalawa masaya na ako laking tuwa ng puso ko. Sana, hindi ito huli nating pagkikita Donna sabay na sinabi Eliza sa kanyang isip. Nagpasalamat siya kay God sa muli nilang pagkikita ni Donna, na sana bigyan pa sila ng isang pagkakataon na muli silang magkita.
Nagpahinga at natulog na si Eliza sa nakakapagod na araw.
==========
VOTE! Post na kayo po ng comments and suggestions niyo. Abangan ang Chapter 3!
~ InfinityLoveRain
YOU ARE READING
By Chance
ChickLitDonnalyn Bartolome and AJ Raval inspired since I was very addicted to this ship ever since then. Finally, I have the confidence to write a fanfic story of them. Sorry for any mistakes since this is my first time to write a story again after many lo...