Chapter 10: The Confession

42 3 6
                                    

Dali-dali na si Donna pumunta ng CR at hindi mapigilan ang kilig na kanyang naramdaman sa sinabi sa kanya ni Eliza.

Donna's POV
"Donna, ano ka ba? Alam mong hindi pwede kasi may boyfriend ka diba? Pero, bakit ganito nararamdaman ko sa kanya"

"Hindi siya mawala sa isip ko tapos pinuntahan ko pa siya dito para lang makasama siya"

Bago ang pagpunta ni Donna sa restaurant...

Umuwi na si Mang Danny sa pagkakahatid niya kay Eliza sa kanyang boarding house at agad siyang sinalubong ni Donna.

"Mang Danny, nahatid niyo po ba nang safe si Eliza" sabi ni Donna

"Yes po Ma'am, nahatid ko po si Eliza nang maayos, sige po Ma'am marami pa po akong gagawin" sabi ni Mang Danny

Biglang sumulpot itong si Marichu at sinabi niya kay Donna.

"Hmm, ano yan Donna? Miss mo na agad ba?"

"Hindi noh! Sabi ni Donna

"Weeh, di nga? Bakit mo natanong huh?" Sabi ni Marichu

"Bakit masama na ba tanungin ko?"

"Well, hindi naman pero alam ko ang nararamdaman mo sa inilagi ba naman ni Eliza dito sa bahay, nakita ko ang kislap ng mga mata mo"

"Huh!! Ano sinasabi mo diyan Marichu"

"Sige, in denial ka pa. May kasabihan nga tayo na action speaks louder than words Donna. Sige alis na ako! " Sabi ni Marichu sabay alis nito.

Napaisip si Donna sa mga sinabi ni Marichu agad na tinawag ni Donna si Mang Danny para ipagmaneho ito papunta sa bahay ni Eliza.

Pumasok na si Donna sa kanyang bahay nagmamadali at nagbihis ito nang magandang damit para puntahan si Eliza sa kanila. Sinuot niya ang kanyang pulang damit, isang magandang sapatos at red hat.

Umalis na si Donna at Mang Danny para puntahan si Eliza sa kanyang bahay habang nasasakyan, nag-iisip si Donna kung ano kanyang gagawin sa kanyang nararamdaman kay Eliza. Habang nasa biyahe tila iniisip niya rin sinabi sa kanya ni Marichu.

Donna's POV

"Donna, ano gagawin mo? Hindi ko na alam! Pero bahala na, kailangan ko na rin sabihin kay Eliza na gusto ko siya"

Mga ilang minuto nakaraan, nakarating na si Donna sa bahay ni Eliza at agad niya itong hinanap si Eliza. Nakita niya si Ashley na andoon at agad tinanong kung nasaan si Eliza.

"Hi! Ashley" sabi ni Donna

"Napadaan ka yata Donna? Si Eliza ba hinahanap mo? Nga pala, pumasok siya na nang trabaho, sinabi ko naman sa kanya wag muna kasi baka mabinat pero ayaw magpapigil eh" sambit ni Ashley sa kanya.

"Sige, Ashley puntahan ko na lang siya doon" sabi ni Donna

"O sige, ingat ka ha" sambit ni Ashley.

"Okay, bye" sabi ni Donna

Tinawagan ni Donna yung manager ng restaurant na si Mr. Bautista kung maaari na isara ang buong restaurant sa mga oras na yun.

"Hello! Mr. Bautista, this is Donna"

"Yes. Ms. Donna, anything I can do for you po? Sabi ni Mr. Bautista.

"Sir, can you please close the restaurant for today, I will pay for the whole day services ng resto today" sabi ni Donna.

"Sure, Ms. Donna. Bakit po ba? Ano po ba ang event? Sabi ni Mr. Bautista.

"Andiyan po ba si Eliza, right sir? I want to invite her for dinner" Reply ni Donna

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

By Chance Where stories live. Discover now