Chapter 4: The Unexpected Meeting

46 2 0
                                    

Oh ano, nakita mo ba yung crew na hinahanap mo, sabi ni Marichu. Hindi nga, sabi ni Donna. Mang Danny, tara po alis na po tayo. Mang Danny! Ano po nangyayari? Sabi ni Donna. Ayaw po mag start ng sasakyan Ma'am. Bakit, ano po nangyari? Baka po nag overheat po yung makina Ma'am, wait lang po tingnan ko po. Bumaba si Mang Danny upang tingnan yung makina ng sasakyan at yun nga nag overheat ang makina at flat pa yung gulong agad niya itong sinabi kay Donna about sa sira ng sasakyan. Umalis si Mang Danny para tumawag ng tulong.

Paano ba yan Donna? Matatagalan pa tayo dito sabi ni Marichu. Tara na lang doon sa restaurant. Akma na papunta na sina Donna at Marichu sa loob ng restaurant ng bigla may humablot ng bag nito na isang magnanakaw. Nagsisigaw si Donna ng MAGNANAKAW! MAGNANAKAW! Biglang nakita ito ni Eliza mula sa labas ng restaurant agad itong lumabas at hinabol ang magnanakaw. Tumawag na rin yung mga tao na mga tanod para matulungan na rin sina Donna at Marichu.

Mabilis na hinabol ni Eliza ang magnanakaw hanggang sa binugbog na rin niya ito pero akma kumuha ng kutsilyo ang magnanakaw agad na umiwas itong si Eliza doon sa kutsilyo at biglang nahagip yung braso ni Eliza ng magnanakaw at natamaan siya nito. Nakita na rin ito ng mga tanod kung saan sina Eliza at yung magnanakaw. May sugat itong si Eliza sa kanyang kaliwang braso at medyo malala ang kanyang tama. Sinundan din nina Donna yung mga tanod hanggang sa nakita niya sa Eliza naka handusay sa sahig at namimilipit ng sakit. Tumawag ang mga tao ng ambulansiya para madala na rin si Eliza sa ospital agad na sumunod sina Donna at Marichu. Wala pa rin malay si Eliza noong nasa loob ng ambulansiya ito, hinawakan ni Donna ang kanyang kamay at nakaramdam si Donna ng spark noong nahawakan niya yung kamay ni Eliza na sobrang kakaiba na pakiramdam na hindi niya maipaliwanag.

Dumating na si Donna sa ospital para madala na rin itong si Eliza doon sa emergency room agad na ginamot si Eliza ng mga doktor. Pagkatapos ng ilang oras bigla ng nagising si Eliza, hindi umalis si Donna sa tabi at hinintay ang pag gising ni Eliza. Hi! Kumusta ka na? Sabi ni Donna kay Eliza. Okay lang kung hindi ka magsalita, pahinga ka lang. Pasensya ka na nang dahil sa akin nagkaganyan ka. Nagsalita na itong si Eliza, kumusta ka na pala? Oh bakit ka ganyan dapat nga ako pangamusta sa'yo dahil ikaw tong nagligtas ng buhay ko. I mean noong bag ko. Hehehe! Sambit ni Donna pero seryoso nagpapasalamat ako sa'yo, sa ginawa mo. Nagulat nga ako kasi ka babae mong tao, ikaw pa mismo humabol doon sa magnanakaw. Sabi naman ni Eliza kahit sino naman gagawin yung ginawa ko eh. Btw, ako nga pala si Donna Barrios, ikaw ano pangalan mo. Ako nga pala, si Eliza Alvarez. Kilala nakita dahil ako nga pala yung ah hindi sino ba naman hindi nakakilala kay Donna Barrios.

Hindi tinuloy ni Eliza yung sasabihin niya tungkol sa kanyang tunay na pagkatao kaya iniba niya ang kanyang sinabi.

Sabi naman ni Donna, Eliza Alvarez? Parang familiar ng name mo pero nice meeting you Eliza again I'm really sorry for what happened.

Dumating ang doktor para i-check ang kalagayan ni Eliza. Hindi naman ganun kalakas ang saksak sa'yo kaya papayagan kita i-discharge bukas. Maraming salamat po Doc, sabi ni Eliza. Don't worry, Eliza ako na lang sasagot ng bills para pasasalamat ko sa'yo, binantayan ni Donna si Eliza. Biglang dumating ang mga kaibigan ni Eliza na sina Ashley at Robert. Oh bes! Ano ba nangyari? Kumusta ka na? Sabi ni Ashley. Ayyy may bisita ka pala. OMG! DONNA BARRIOS. Yes! Ako nga pala si Donna Barrios. Nag shake hands itong sina Ashley at Robert kay Donna. Ah Eliza nandito na pala mga kaibigan mo para magbantay sa'yo balik na ako bukas para pag discharge mo. Ito pala yung calling card para matawagan mo ako kung kailangan mo ng tulong. Salamat ulit sa pagliligtas mo sa akin kanina, paano ba yan aalis na kami. See you tomorrow!

Tinawagan ni Marichu si Mang Danny kung naayos na yung sasakyan nila. Sumagot naman si Mang Danny na naayos na niya yung sasakyan at nagpasundo na sila doon sa ospital. Dumating na si Mang Danny para sunduin na sina Donna at Marichu. Habang nasasakyan, malayo ang iniisip ni Donna nagbalik tanaw siya sa pagkakaligtas sa kanya ni Eliza habang itong si Marichu kwento ng kwento sa ginawa ni Eliza nakabayanihan.

Habang sa ospital, itong si Ashley nagsasalita. Uyy bes! Sa wakas nagkita na kayo kaya lang wrong timing naman yata kasi nadisgrasya ka pero mukhang blessing in disguise na yun diba, magkita kayo muli.

Oo nga bes! Ang saya ko lang baka ito na siguro time na magpapakilala ako sa kanya sabi ni Eliza. Ang tanong bes! Matatandaan kaya niya na ikaw yung bata, nagligtas sa kanya noon. Pinagtatagpo na lang kayo tapos ikaw ang savior niya. Parang ikaw ang knight shining armor kaya lang babae eh pero nakakakilig ah sabi ni Ashley.

Nakauwi na si Donna at Marichu sa bahay biglang nakatanggap ng text itong si Donna mula sa anonymous number.

"Hi! Nakauwi ka na ba? Sana nakauwi ka nang safe"

- Eliza

Biglang nasiyahan si Donna doon sa text na yun ni Eliza. Nag reply naman si Donna sa kanya "Yes! Nakauwi kami ng safe. Ikaw pahinga ka na diyan" sabi ni Donna sa text na yun. Nag reply naman si Eliza, "Sige, pahinga na ako, ikaw din ha. See you tomorrow" at nag reply naman si Donna ng smiley with heart.

Hindi rin maipaliwanag ni Donna ang kanyang excitement sa pag-uusap nilang dalawa ni Eliza. Nang gabi na yun, naaalala ni Donna yung bata nagligtas sa kanya noong bata siya at iyong pagliligtas ni Eliza sa kanya at nakatulog na si Donna after noon.

==========

VOTE! Post na kayo po ng comments and suggestions niyo. Abangan ang Chapter 5!

~ InfinityLoveRain

By Chance Where stories live. Discover now