Chapter 9: Going Home

19 2 0
                                    

Pareho nang pumasok si Donna at Eliza sa kani-kanilang kwarto. Nag impake na si Eliza para sa pag uwi niya sa kanyang boarding house pagkakinabukasan habang si Donna, hindi makatulog at tila iniisip ang pag uwi ni Eliza sa kanila.

Natapos na rin si Eliza sa pag iimpake niya nang biglang nag text si Donna sa kanya. "Good night, sleep well" agad naman nag reply si Eliza sa kanya ng "Good night too, ikaw din and sweet dreams". Habang nakahiga na sila pareho, hindi pa rin sila makatulog na dalawa kaya lumabas sila pareho ng kwarto.

Akala ko matutulog ka na? Sabi ni Eliza kay Donna. Hindi ako makatulog sabi ni Donna. Bakit naman? Ang tanong ni Eliza. Eh kasi, wala marami ang akong iniisip, sabi ni Donna. Gaya nang ano? Ang pag uwi ko ba? Sabi ni Eliza na may dalang ngiti sa mukha. Huh? Ano? Hindi noh basta marami akong iniisip ngayon. Okay, balik na ako para matulog. Sige good night na sabi ni Donna. Okay good night too, sleep well sagot ni Eliza.

Bumalik na sila pareho sa kani-kanilang kwarto para matulog. Nakatulog naman sila pareho nang mga oras na yun.

Pagka kinabukasan...

Nagising na si Donna, na may naamoy na masarap na breakfast at agad itong bumaba para tingnan kung sino nagluluto, nakita niyang si Eliza ito.

Gising ka na pala? Halika ka! Breakfast tayo. Niluto ko yung sunny side up egg at tuyo kasi alam ko nakalimutan mo ang pangalan mo diyan pero sana wag mo akong kalimutan, pag umuwi na ako sa amin pang aasar sa kanya ni Eliza. Biglang nagsalita si Marichu. Hmm, aga naman nilalagam na ako. Wala ka naman niluto matatamis dito. Hahaha!

Nag agahan na sila biglang pinagsilbihan ni Eliza si Donna. Diyos ko po! Wifey material ang datingan mo naman Eliza, pang aasar sa kanya ni Marichu. Sige na! Kumain ka na, diba uuwi ka pa? Sabi ni Donna. Bakit pipigilan mo ba ako? Sambit ni Eliza pabalik. Mmm, masarap naman nito, sabi ni Donna. Nag agahan na sila at nang natapos agad nang kinuha ni Eliza ang mga gamit niya. Marichu, tinawag mo na ba si Mang Danny? Ipahatid mo si Eliza sa kanya ang utos ni Donna. Wag na! Nakakahiya naman na sabi ni Eliza. NO! Gusto ko safe ka makauwi sabi ni Donna. Nakaramdam naman si Eliza nang tuwa sa sinabi ni Donna sa kanya.

Kinuha ni Mang Danny ang gamit ni Eliza para isakay sa sasakyan nito.

"Donna, thank you pala sa pagpapatuloy mo sa bahay mo. Uuwi na ako! Ingat ka lagi" sabi ni Eliza.

"Ikaw din, mag text ka pag nakarating ka sa inyo, Ingat pauwi" sabi ni Donna.

Niyakap na nila ang dalawa ang isa't isa na medyo may lungkot sa mukha.

Sumakay na si Eliza sa sasakyan.

Nag-usap pa si Mang Danny at Eliza sasakyan.

"Matagal na akong driver nina Ma'am Donna pero ngayon ko lang siya nakita ganyan kasaya nung pagtira mo sa bahay kahit sa kanila ni Sir Dexter, hindi siya ganyan kasaya"

"Ikaw naman Mang Danny, bakit naman po?" sabi ni Eliza.

"Basta, iba ang saya ni Ma'am ngayon nung nagkita kayo ulit, nalungkot yan nung umalis siya papunta ng States pero nung bumalik yan dito sa Pilipinas, laking tuwa niya kasi hahanapin daw niya ang kababata niya noon nag ligtas sa kanya" sabi ni Mang Danny

Tila, nakadama nang kasiyahan si Eliza sa mga sinabi ni Mang Danny.

Dumating na sila sa boarding house ni Eliza.

"Salamat po Mang Danny sa paghatid po"

"Okay, ingat ka ha! Text mo na pala si Ma'am, diba yan ang bilin niya" sabi ni Mang Danny na may dalang ngiti at kilig sa mukha niya.

Inakyat na ni Eliza ang kanyang gamit sa itaas para magpahinga na at agad na tinext na si Donna.

"Hi! Thank you nga pala, nakauwi na ako nang safe dito"

Nag reply pabalik si Donna

"Thanks God, mabuti naman nakauwi ka nang safe. Sige pahinga ka na"

Nang biglang dumating si Ashley sa kwarto ni Eliza

"Uyy bes, nakauwi ka na pala? Akala ko nga doon ka na titira eh". Pang aasar ni Ashley kay Eliza.

"Hindi ah! Sige, mag aayos lang ako nang gamit tapos maliligo papasok pa ako sa trabaho" sabi ni Eliza.

"Papasok sa trabaho? Seryoso ka bes? Diba naka leave ka.

"Hindi na! Kailangan magsipag ngayon at kaya ko naman na" sabi ni Eliza.

"Ikaw na nga bahala, babaeng walang pahinga" sabi ni Ashley

Naligo at nag ayos na si Eliza para papasok na trabaho niya. Nang dumating si Eliza sa kanyang trabaho agad siyang nakita nang manager na si Mr. Bautista.

"Eliza, anong ginagawa mo dito? Akala ko ba hindi ka pa ganun ka okay at pinayagan kita mag leave"

"Sir, pumasok na po ako, wala naman po akong ginagawa eh kaya pumasok na po ako"

"Ikaw na bahala diyan napaka workaholic mo talagang bata ka"

"Sige sir, start na po ako mag trabaho"

Habang nagtatrabaho si Eliza biglang may pumasok na isang magandang babae naka sumbrero nang pula.

Pinuntahan ni Eliza ang babae na yun na dumating at laking gulat niya ang kanyang nakita.

"Donna, anong ginagawa mo dito? Sabi ni Eliza

"Kakain syempre, alangan naman tatambay ako. Sige oorder na ako"

"Dalawang steak na well done at isang bote ng wine"

"Teka! Bakit dalawang steak? Ikaw lang kakain eh" sabi ni Eliza.

"Syempre sasamahan mo ako" sabi ni Donna

"Paano yan may trabaho ako" sabi ni Eliza

Agad sumabat sa usapan si Mr. Bautista yung manager.

"Sige na, Eliza. Tinawagan talaga ako ni Ma'am Donna dahil pupunta siya dito kasi nga kakain kayong dalawa"

"Tumawag kasi sa akin si Mr. Bautista na nag report ka na sa work mo kaya pinuntahan kita dito, you don't have to worry you will be still compensated" sagot ni Donna sa kanya.

"Huh?, Wala akong gagawin kundi kakain lang" sabi ni Eliza

"Yes, pinasarado ko talaga itong resto para walang istorbo at magkausap tayo nang maayos"

Sinerve na yung dalawang steak na order ni Donna. Nag umpisa na silang dalawa na kumain.

"Bakit ka kasi umuwi agad? Hindi naman kita pinapalayas doon sa bahay" sabi ni Donna

"Wala lang nahiya na ako sa'yo. Ikaw na sumagot ng bills ko sa ospital at pinatira pa sa bahay mo" reply ni Eliza

"Diba, sabi ko sa'yo, gusto ko makabawi sa mga ginawa mo. Dalawang beses mo na akong niligtas" sabi ni Donna

"Wala yun kahit sino naman gagawin ang ginawa ko" sambit ni Eliza

"Nga pala, thank you dahil sa pagliligtas at pagmamahal mo sa akin" sabi ni Donna

"Bakit? Mahal mo na ba ako?" Tanong ni Eliza

"Huh?! Hindi nakasagot si Donna sa tanong ni Eliza.

"Pwede ba change topic tayo? Sabi ni Donna.

"Sige, mahal mo pa ba si Dex? Tanong ulit ni Eliza

Hindi muli nakasagot si Donna sa tanong na yun ni Eliza. Sinabi ni Donna na punta raw siya nang CR para mag ayos pero biglang natapilok ito at nagmamadali na saluhin siya ni Eliza.

"Nahulog ka na ba sa akin? Okay lang yan, sasaluhin pa rin kita ng paulit ulit" sabi ni Eliza.

Tumayo na itong si Donna at nagpunta na sa CR para mag ayos na. Pagdating sa CR nakaramdam siya nang kilig sa sinabi sa kanya ni Eliza.

Abangan sa CHAPTER 10 ang mga susunod na pangyayari. Kaya vote, comment at rate na rin kayo.

~ InfinityLoveRain

By Chance Where stories live. Discover now