Chapter 37

1.1K 42 5
                                    

AFTER 4 MONTHS

Nadine's point of view

"Aminin na kasi natin, may chemistry kayo ni James!"

"Oo nga Nadine, kaloka!"

"Todo deny ka pa, pero yung totoo kinikilig ka din naman!"

Kasalukuyan akong inaasar nila Direk dito sa conference room. Hindi niyo na siguro alam yung nangyayari, no? Ako yung pumalit kay Ericka. Oo, hindi kayo nagkakamali ng nabasa. Hindi ko din alam kung pano nangyari, basta ganon na yun.

"Yie, Nadz kinikilig kay James." Aba't inasar pa ako ni Kath kay James. Ayos 'tong kakambal ko.
Anong balita kay Kath? Nabalitaan ko nalang 4 months ago na niligawan daw siya ni Albie. Dinedeny naman niya. Ewan ko ba dito.

"Nadine Alexis Cruz! Diyos ko, ang movie niyo ni James!" Pag sisigaw ni Direk.

"Huh? Ano pong nangyari?" Pagtatanong ko naman. Syempre, worried ako baka naman walang nanonood! Sinayang ko yung natitirang P15 million sa budget!

"Higit P100,000 million na!"

Natulala ako. Hindi ko alam pero ang saya saya ko! Unexpected, sobra!

"Omg Nadz congrats!" Bati ni Kath. Napaka supportive neto, sinasamahan niya din ako pag may taping ako.

Nagulat kami nang may biglang pumasok. Si James pala, hawak hawak yung cellphone niya na naka ngiti at papalapit siya papunta sa akin.

"Hey, congratulations dummy. Nag hit yung first movie natin!" then he hugged me so tight na yung tipong hindi ako makaka hinga.

Kathryn's point of view

I'm happy for Nadine. Syempre, sino bang hindi magiging happy para sakanya diba? Sikat na yung kakambal ko! At yung first movie pa niya, nag hit! Imagine, P100,000 million na eh 2 days pa lang yon!

Calling Albie

Hindi ko muna 'to sasagutin. Wala ako sa mood. Hindi ba siya nag sasawa? 4 months na kaka kulit sakin. Nakaka urat.

"Hoy Kathreng" Seth

"Tulala ka nanaman diyan" JC

"Aba si Albie ba yang iniisip mo?" Lester

Tinawanan ko nalang sila. Pinakilala sa akin ni Albie yung tropa niya kinabukasan don sa may beach. At ang nakaka gulat, si Seth at si Merlion ay iisa! Siya yung nag comfort sakin nung iniiyakan ko si Dj, paktay ka diha alam niya yung hidden desire ko kay Dj! Ganito kasi yung nangyari...

[ F l a s h b a c k ]

Naka upo ako sa may malaking bato, ang ganda naman ng view dito. Hindi ko nga din alam kung bakit bigla akong dinala ng mga paa ko dito eh.

Habang tinitignan ko yung araw, nagiging malabo na din yung mga paningin ko. Eto nanaman yung mga luha ko eh, ko-kontra nanaman. Kotang kota na, eh.

Ilang beses na 'to patak ng patak, ayaw ba ne'to makipag sundo sa'kin? Ayoko na kasing umiyak eh.

"Ms, okay ka lang ba?"

Sabi nung isang lalake, na hindi ko naman kilala.

"U-Uhm, oo n-naman." Ako.

Sabay pinunasan ko yung mga tumutulong luha sa mata ko, at pinalo palo ko yung noo ko, para medyo mabawasan yung pumapatak.

"Hay, alam mo halata na hindi ka okay." Stranger.

"Ha? T-teka sino ka ba?" Ako.

"Sabihin nalang na'tin na ako si... Merlion, yung nasa singapore?." Merlion.

Akin Ka NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon