Chapter 42

1.2K 44 5
                                    

Daniel's point of view

Na gising na yung pinaka pogi at hot na nilalang sa buong universe, ako na ata ang papalit sa sun. 😎 excuse me, nag sasabi po ako ng totoo.

Naka ngiti akong bumangon, at hanggang sa pag gawa ng morning routine ko, naka ngiti pa din ako. Ang saya saya ng life no? You only live once nga. Kaya dapat, go lang ng go!

Nag tataka na ba kayo kung bakit parang ang good mood good mood ko? Kahit din ako nag tataka kung bakit eh. Joke. Napag desisyunan ko na kasi na...

Iiwasan ko na si Kathryn para sa ikabubuti naming dalawa. Siguro, na realize ko na hindi ako yung para sakanya, at hindi din sya yung para sa akin.

Masakit ba masyado yung mga sinasabi ko? Syempre nag bibiro lang ako! Nakaka loko naman 'tong pinag gagagawa ko, nakaka bakla!

Sa tingin niyo bang kaya kong iwasan si Kathryn? Sa tingin niyo bang ipapamigay ko yan kung kanino man? Hindi yun ganon kadali. Mahal ko na yung tao. Andyan na nga, papakawalan ko pa? Tanga ko naman nun.

"@danielsalvatore: Good Morning, @cruzkath. Have a nice day, see you later. 😉"

Sa simpleng tweet na yun, yung fans ko naging wild nanaman sa twitter, tsk. May mga kinikilig, pero syempre hindi din naman ma i-iwasan na walang mag h-hate.

Lumabas ako sa kwarto ko at bumaba, nakita kong kumakain si James ng breakfast at binati ko siya, "Sup bruh, good morning!"

"Hah, good mood ka ata?" Pang aasar niya. Hindi na lang ako sumagot tsaka kumain ng bacon. Sana, pareho kami ng nararamdaman ni Kath, no? Hmm. Ang saya naman isipin na magiging kami. Yuck, ang gay! Pero okay lang, para sakanya naman eh. Huehuehue, nagiging corny na ako.

Siguro, bibilhan ko na lang sya ng regalo for later. May party kasi kaming inayos sa clubhouse nitong subdivision. New year's eve, lol.

Kathryn's point of view

Kath,

Sorry at hindi ka na namin ginising. Wala na kasi kaming time, pero don't worry. See you mamaya sa party sa may clubhouse, 6PM yun don't forget! We love you Kath, mwa!

Love,
Nadine 💋

Nakita ko yan na naka dikit d'on s ref. So ako lang talaga yung iniwan nila dito sa bahay? Pambihira. Kahit yung mga pinsan ko, wala din. Nakita ko naman sa dining table na may naka serve nang pancakes & juice. How sweet.

Good Morning beautiful, wag mong gutumin yung sarili mo. 😘

Yan yung note na naka dikit sa juice. Uso ba talaga yung mag lalalagay ng notes? I mean, uso namang i-text, at sabihin sa maids- oo nga pala, pansin kong ako lang yung tao dito sa bahay. Ano ba yan, ako na lang palagi iniiwan, choz.

**

4PM na, wala pa din sila. Akala ko ba may party mamaya sa clubhouse? Bakit wala pa din sila? Kanina ko pa tinatawagan si Nadine, pero hindi sinasagot. Ngayon, naka patay yung phone niya. Nag aalala na ako.

"Bakla! I'm here na!" Na miss ko si ate Betty! Siya ulit yung mag aayos sa akin para sa party (Chapter 27) tsaka, magaling sya mag ayos, gusto ko kung pa'no niya ako ayusan.

"Bet mo na ba yang ayos mo?" Hinarap niya ako sa salamin, ang ganda ko! Ay ano daw? Hahaha!

"Thank you ate Betty! I love it!" Sabay niyakap ko siya. Magugustuhan na kaya ako ni Daniel sa ganitong ayos ko?

"Cheer up baby girl, gorabells na, mag bihis ka na. 5:45 na oh, 6 pa yung party." Tinulak ako ni ate Betty papasok ng kwarto ko, pero mahinang tulak lang.

Akin Ka NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon