Chapter 38

1.1K 36 11
                                    

OKAY NA YUNG TRAILER, NASA TAAS ^

PANOORIN NIYO PLEASE HEHEHEHE GINAWA KO YAN SIMULA 9 PM TAPOS 3:51 AM NA JUICE COLORED PAG YAN DI NIYO PINANOOD NAKU!!!!! T^T </3

**

Nadine's point of view

Andito kami ngayon sa airport, may mall show kasi kami sa may Davao. First time kong sumakay ng eroplano alam niyo ba yun! Buti nalang hindi kailangan ng passport, kasi domestic lang naman. Pero nilalakad na namin yung para sa passport ko.

Enough na sa passport. Anyways, ang pogi ni James, kyaaa~ kailan ba 'to hindi naging pogi? Anak ng. Kung hindi ko lang 'to bespren siguro matagal ko na 'tong ni-reyp. OMG kailan pa ako naging manyak. Erase, erase, erase. Hinihintay nalang namin yung eroplano, tapos go-gorabells na kami. Nakaka inip naman! Ang tagal tagal.

"Psst, James!" pag tawag ko sakanya, kaso lang hindi niya ako nilingon. Kinulit ko siya ng kinulit, aba di pa din ako kinakausap!

Tinaas ko yung salamin niya, juice colored. Kaya naman pala, tulog pala 'to! Ay, bahala na si Batman. Eh sa nai-ihi na ko! Alanganamang pigilan ko diba? Asan ba dito yung restroom?! Oha, restroom yan, nag level up na ang gaga!

Inikot ikot ko na yung airport, matindi asan ba yung banyo anak ng pating! Bumalik ako kung saan kami naka upo kanina. Jusko, kulang nalang eh mag wala ako dito. Nasa tapat lang naman pala namin yung cr.

Agad agad akong pumasok ng cr at saka umihi. Buti nalang hindi mahaba yung pila ng cr. Pagka labas ko naman eh may mga nag bulunga.

"Siya yung bida d'on sa Diary ng Panget, diba?"

"Oo nga siya nga yun!"

"Pa picture tayo, minsan nalang 'to!"

Agad agad silang lumapit sa'kin at sinabing, "Hello po! Pwede po bang pa picture? Ang galing galing niyo po mag acting d'on!" syempre ako naman 'tong na-flatter. Flatter, wow, big word. Syempre nga kasi kailangan kong lumevel up para mapantayan ko si James, choz. As if namang mapantayan ko yung monster na yun.

"Thank you po ate Idol!" tsaka sila lumabas ng restroom. Iba talaga pag biglang ganda, bwahaha! Joke lang po. Syempre kahit papano ay humble pa din naman ako. Hindi naman porket kuminis na ako, mag babago ako ng bonggacious! Na-uh, that's a no-no. Hindi ako ganon.

Oops, kabog na kabog ang pag-english! Grabehang transformation naman 'to, diba! Lumabas na ako ng cr at anak ng pucha -- Wala na si James d'on! Saan naman yun pupunta?! Hindi kaya... NAIWAN AKO NUNG DAPAT NAMING SASAKYAN?

Oh no, Nadine. Pa'no na yan?

Daniel's point of view

On the way ako ngayon papunta sa bahay ng prinsesa ko. Ewan ko ba, pero tuwing naiisip ko siya nababading ako. Buti nalang hindi traffic. Baka kasi mamaya umalis yun ng condo unit, eh surprise visit pa naman 'to.

Nakaka tuwa nga 'to eh, she's independent. She knows how to handle stuff. I can't wait na dumating yung araw kung saan luluhod ako sa harap niya at sasabihin yung katagang 'Will you marry me?' Baduy na kung baduy, eh in love eh. May magagawa pa ba? Yak, ang bading!

Derederetso akong pumasok sa condo unit ni Liza, may keys ako. Binigay niya sakin eh, para hindi na daw ako kakatok hehehe. Asan na kaya yun? Di ako nag i-ingay, kasi gusto ko siya bigyan ng mahigpit na back hug! Nag lakad ako ng dahan dahan, mukhang andito siya sa kwarto niya. Naririnig ko siya kasi may kausap siya at bukas ng konti yung pinto.

"Babe, kailan ka ba makikipag break kay Daniel?" Huh? Sino naman yung gagong yun? Asa, mahal ako ni Liza. Magagawa niya bang makipag hiwalay sakin? Hindi naman diba?

Akin Ka NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon