07

4 3 0
                                    

'Gusto Kita' mga kataga
na gusto kong sabihin sayo,
Kasi oo dati pa kitang gusto.

Gusto, dahil sa mga akda
na sinusulat mo ay napaibig ako.
Ako, na isang tagahanga mo.

Isang simpleng tagahanga.
Na laging nag-aabang
sa iyong mga sinusulat na akda.

Mga akda na tagos sa puso,
Na siyang komukompleto
at nagbibigay kulay sa masalimuot
kung mundo.

Oo, gusto kita.
Ngunit hindi ko hihilingin na
magustuhan mo rin ako.

Oo, gustong-gusto kita subra.
Ngunit kuntento na ako
bilang isang tagahanga mo.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon