01

93 14 0
                                    

padayon

alam ko pagod ka na,
siguro dahil sa mga problema.
tungkol sa pamilya, pag-ibig at sa skwela.
gusto mo ng sumuko, tama ba?

dahil nawawalan ka na ng pag-asa,
pakiramdam mo hindi mo na kaya.
ngunit tandaan mo hindi ka nag-iisa,
hindi lang ikaw ang may ganyang problema.

madami tayo, ikaw, ako at sila.
kaya kahit gaano pa kahirap magpatuloy ka.
wag mong hayaan na malunod ka,
sa pagod, lungkot, at sakit na nadarama.

subukan mong lumapit ka sa kanya,
sa panginoong Diyos, sa ating ama.
manghingi ng tulong sa kanya,
magpatuloy ka kasama siya.

dahil kong meron kang Diyos na kinikilala,
mararanasan mo ang tunay na saya.
iyang lungkot na iyong nadarama,
sa tulong niya, mapapalitan 'yan ng saya.

<3

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon