Okay na ako sa ganito,
Yung ako lang ang nakakaalam sa nararamdaman ko para sayo.Yung makausap ka,
Kahit saglit.Makamusta,
Malaman na ika'y masaya sa piling niya.Okay na sa'kin.
Dahil ang pagiging masaya mo,
Ang nagpapasaya sa'kin.Desisyon ko kasi to.
Ang mahalin ka,
Kahit malabong magustuhan mo ako.Sabagay di naman kita minahal,
Para masuklian yung pagmamahal ko para sayo.Ngunit minsan di ko maiwasan,
Na hilingin sa kawalan.
Yung mga sana na nandito sa'kin isipan.Sana ikaw at ako nalang.
Sana ako nalang.
Ngunit malabo.
Kaya agad ko rin itong binubura sa'king isipan.Dahil alam kong ako'y aasa at masasaktan lang.
Kaya okay na sa'kin yung ganito,
Yung ako lang ang nakakaalam sa nararamdaman ko para sayo.Hihintayin ko nalang siguro na mawala ito.
Ngunit ngayon,
Hahayaan ko muna ang sarili ko.
Na mahalin ka,
Kasi yun ang aking gusto.
BINABASA MO ANG
Spoken Words Poetry
AcakSusulat gamit ang mga simpleng salita, itutugma upang makabuo ng mga tula. Spoken Words Poetry [ tagalog ] Isinulat ni : @alooflyy