08

4 3 0
                                    

walang paalam

andaming tanong na
gumugulo sa aking isipan.
nagsimula lang naman ito
nung ika’y lumisan.
           
nang walang paalam,
nang hindi ko alam
kung ano ang dahilan.
               
ganon ba ako kadaling iwan?
na pakatapos mong sambitin sa’kin
ang salitang ‘mahal kita’,
‘hindi kita iiwan’
      
kinabukasan hindi ka na nagparamdam.
nabalitaan ko nalang na ika’y lumisan.
alam mo bang sobra akong nasaktan?

syempre hindi mo yon alam,
dahil sa‘kin ay wala ka
namang pakialam.

at ngayon ako’y naguguluhan,
yung sinusubukan ko naman
na ika‘y kalimutan.

ngunit kasabay non,
ang paghihintay ko sayo
kahit walang kasiguraduhan.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon