XVI

3.1K 221 72
                                    

"So, that was it?" Bungad ni Sevi kahit na kakapasok ko lang sa drawing room. I let out an audible breath, "Hindi mo manlang ako pauupuin? Interrogation ba talaga agad?"

Nilahad niya ang kamay niya sa long couch na katapat ng silyang inuupuan niya ngayon. I timidly smile, ito nanaman po tayo. Explain fest na naman. Pinino ko ang backside ng dress ko upang 'di ito malukot sa pag-upo ko. Nang maayos na akong nakapwesto ay pinatong ko ang kamay ko sa aking biyas. Namamasma ng 'di oras ang kamay ko. Kung hindi ko siya makumbinsi na hayaan ako dito, hindi ko na alam ang gagawin ko pagkatapos. Paano kung inutusan siya ng ama ni Sofiane Louise na iuwi ako dito by hook or by crook? Kapag kinaladkad pa man din niya ako pauwi wala akong magagawa.

"He's the guy you're head over heels for? Verose he's older than you," iniiwasan kong mapatingin sa mata niya. Ewan ko, kahinaan ko ba yata talaga mag-maintain ng eye contact sa mga gwapong lalaki. Isa pa, ang uri ng tingin na binibigay sa'kin ni Sevi ay yung tipo ng tingin na napakamapanuri. Even though I'm not meeting his gaze it's piercing through my soul and it scares me to think that he'll actually see through me. I can't help but compare it with the way that Dion looks at me. Even though we just met, I feel more confident bathing in his scrutiny. I feel like I'm more of myself with him. Hindi ko alam if I worded it properly kase recently I don't even have the time to stop and think to myself, sino nga ba ako? Ako pa rin ba si Valerie Costales ng modern world o ako na ba si Gwenivere Verose ng kasalukuyan? Is there a way I could be both? Or do I really have to choose within those identities?

My eyes shifted once again, "Hindi naman ganoon katanda ah? Mga tatlong taon lang at kailan ka ba naging konserbatibo? May iba nga lampas 30 years ang agwat pero kinasal."

"It might be an infatuation all along, Verose. H'wag mong sayangin ang buhay mo dito at bumalik ka na."

"Infatuation or not, I'll hang onto this feeling. Wala namang mawawala sa'kin. Sevi, I don't want to go back. At least not now, I'm happy here. He... makes me want to stay," yun lang ang tanging oras na matapang kong hinarap ang mga tingin niya. Shempre, ayoko namang mahalatang nagsisinungaling ako. Bukod pa roon, totoo naman ang sinabi ko na Dion makes me want to stay. He provided the security and stability I've been in search of. Wala akong dahilan para umalis at bumalik sa Arthuria, ano namang gagawin ko doon? Nganganga? Hindi ko nga maramdamang belong ako doon eh.

"Pipilitin mo ba ako kahit sinabi ko na sa'yong ayaw ko? Would you drag me back if I countinue to refuse?" Tanong ko. I tilted my head at sinubukang hulihin ang mata niya dahil for some reason, siya naman ngayon ang hindi makatingin. Bigla siyang tumayo kaya gano'n rin ang ginawa ko.

"I'll be leaving tomorrow before the sun sets. Nasa sa'yo na kung sasama ka sa akin," sambit niya at naglakad na patungo sa pinto kaya naman nakatalikod na siya sa akin. Alam ko sa sarili kong hindi na magbabago ang desisyon ko pero hindi na rin ako tumutol sa mungkahi niya.

"Sevi," I called out. Tumigil lang siya sa paglalakad ngunit hindi na ako hinaharap pa.

"Won't you consider staying a bit longer? It's comfortable having your presence around," I was fidgeting my thumbs while uttering those words. Since buo na ang loob ko sa hindi pagbalik, alam kong matatagalan na makita ko muli ang mga taga-Arthuria. Kasama na doon si Sevi, aba! Kahit naman one sided friendship lang ito, I still treasure it 'no? Marunong ako magpahalaga ng tao, bagay na wala ang lumang Gwenivere Verose. Well, it's not as if I have a lot of people I could miss but he's one of them, pati na rin si Selena Jade. Kamusta na kaya babaitang 'yon? Maybe I should write her a letter para maipadala ko kay Sevi.

"Wala na akong dahilan pa para magtagal. Kaya lang ako nandito ay para hanapin ka at kumbinsihin kang bumalik."

Napatingin naman ako sa sahig sa sinabi niya, "Kung gano'n, could you spend the night here before you go."

The Villainess Ran Away Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon