Two days ago
"Queen, bumaba ka na d'yan sa kwarto mo. Breakfast's ready." I was listening to Coco Jennings' cover of Chandelier when my Mom called me. Bumangon na ako mula sa kama ko. I picked up a picture from my drawer and kissed it. It is a picture of Kuya Jiro. "Good morning, Jiro my loves!" I dreamily imagined him kissing me too. Jiro is Tita Ninang's son. He is my long time crush, my future boyfriend. My love from the star. Chos! Hindi siya alien. Pitong taon ang agwat ng edad nito sa akin kaya naman kuya. Tinago ko ulit ang picture nito sa drawer ko, sa ilalim ng mga underwears ko. Ayan! I-feel mo ang alindog ko!
I went downstairs to join them for breakfast.
I am Queen Abbey Santillan and just like my name, I am a like queen. Mula anit hanggang talampakan. Tatlong M lang naman ang description sa akin ng tao. Una, maganda. Pangalawa, mayaman. At pangatlo, mabait. Joke, imbento ko lang 'yong pangatlo. Ang pangatlo daw talaga ay maarte. Daw. Eeew, I'm not kaya. That is so not true. Nasaan na ba ang sanitizer ko?
"The princess is here. Magbigay pugay tayo," sabi ng nakakabata kong kapatid, si King. Sinamahan pa nito ng pagyukod ang asar nito. Yes, King ang pangalan ng kapatid ko. Don't laugh at it. Sila Mom and Dad ang nagbigay ng pangalan namin. Nagbrainstorming pa nga daw sila e. Ewan ko sa kanila.
Hindi na dito nakatira sa mansion si King dahil may sarili na itong condo unit malapit sa pinapasukan nitong kolehiyo. Pero kung minsan, iniimbitahan pa rin ito ni Mama para dito mag-almusal. Ako rin naman, merong condo unit. Minsan na rin akong tumira doon. Kaso lang umuwi din ako pagkatapos ng isang linggo. Naipon lang kasi ang mga marurumi kong damit. Hindi pa naman ako marunong maglaba. Kaya ayan. Balik to Mom and Dad's house.
Inisnob ko lang si King and went to my chair. "Ma, bakit andito si King?"
"At bakit? Papaalisin mo ako?"
"Kailan ka pa naging si Mama?"
"Shut up, the both of you. Pagising na ang Papa niyo. Maabutan pa kayong nag-aaway," Mom said habang naghahain ito.
"Anong maaabutan ko?" It's Dad.
"Nothing," mabilis kong sagot dito. I rose up from my chair and kissed him on his cheek.
"Come on, Pa. Sit here na and have your breakfast. Look oh. I helped Mom to cook this." Maniwala ka, please.
"Hindi ba kagigising mo pa lang?" Si King 'yon. Pinanlakihan ko ng mata ang magaling kong kapatid. Umayos ka! Hindi na nga umangal si Mama eh!
"Pa, 'wag ka maniwala d'yan. Kagigising lang n'yan. Manghihingi lang ng allowance 'yan." King inamels ka King! Humanda ka sa akin mamaya. Kaya ayoko nandito si King eh. Mapang-asar kasi ito. Mapupurnada pa ata ang plano ko, ang manghingi ng allowance.
"Huwag kayo maniwala kay King, Pa. Kararating lang n'yan kaya hindi niya ako nakitang nagluluto." Nilagyan ko ng fried rice ang plato nito.
"Sige nga, paano gumawa ng fried rice?" Hamon sa akin ni King. Intrimitido talaga ito forever. Paano nga ba?
"E di, ilagay sa kawali 'yong rice. At iprito. Voila! Fried rice!" Akala mo, ha?
"Shallow-fry o deep-fry?"
"Deep-fry. Final answer."
"Eeeeeng. See Pa? I told ya." King gave me a serve-you-right look. Kung wala lang sila Mama at Papa, kanina ko pa na-dirty finger 'to.
"Tumigil na nga kayong dalawa. King, tigilin mo na ang pang-iinis mo sa Ate mo," wika nito kay King. Ako naman ang bumelat dito. "At Queen, I know naman na hindi mo tinulungan ang Mommy mo sa kusina. Because, if you did, wala tayong almusal ngayon. Lahat pa naman ng niluluto mo, sinusunog mo."
"Pa!" Geez, hindi ko naman 'yon kasalanan e. Kasalanan ng kalan.
"So, tell me, what do you want Queen?" Tanong ni Papa.
"Ahm. I need money po e," nakayuko kong tugon dito.
"King scores! Two points!" Napatingin ako kay King ng bigla itong sumigaw. Ah, ginagalit mo ako ha? Noong bumaling ako kay Mama ay nakita kong natatawa ito.
"Why? What happened to your money? Your ATM card?" asked Dad.
"Zero balance," sagot ko dito.
"Credit card?"
"Maxed-out."
"Wow! Galing mo anak!"
"Thanks, Pa."
When I looked at Mom, nakita kong naiiling ito. I know what she's thinking. Saulo ko na 'to eh. Sasabihin na nito ang speech nito in three, two, one. "Hay Abbey, paano ka na lang kapag wala na kami? Paano ka makakakuha ng asawa niyan? Wala kang alam gawin kung hindi magshopping."
"Ma, naman eh. I'm so bata pa kaya. Asawa agad?" Tsaka may prospect naman ako. Hindi niyo lang alam.
"O di, boyfriend na lang."
"Ma, 23 pa lang ako. 25 ang marrying age."
"Yup, 23 ka na. At hanggang ngayon 'di ka pa rin marunong magtupi ng damitan mo."
I pouted my lips. Ang hirap kaya magtiklop.
"Hay, buti pa ang Kuya Jiro mo magpapakasal na next month. Nakakainggit naman si Tita Ninang mo."
Wait! Sino daw? "Ano, Ma? Anong meron kay Kuya Jiro?" Napatayo pa ako mula sa pagkakaupo ko sa sobrang intense ng emotion ko.
"Sabi ko, si Kuya Jiro mo, magpapakasal na."
O-MY-G! Noooooooooooo!
******************
Please read, vote and share this story. Thankie!
BINABASA MO ANG
In Somebody Else's Bed [SPG]
RomanceNagising ako na masakit ang aking buong katawan lalo na sa gitnang bahagi nito. Pero hindi nito naibsan ang tuwang nararamdaman ko. I looked at the man beside me. His back was facing me, nakatalukbong ito ng kumot. I smiled sweetly. Last night was f...