2 days laterIf you're curious what happened to me after that not-so-wonderful day, ask no more. Dahil ngayon ay idinadaos ang aking burol. Yes! I killed myself when I got home. Hindi ko kasi kinaya ang pagkawala ng aking Bataan. Kaya ngayon ay kaluluwa ko na lamang ang magpapatuloy ng istorya ko.
Pero chos lang 'yan no! Ako ata si Queen Abbey Santillan! No one ever tried to mess with me! Kahit pa 'yung manyak na 'yun! Hindi ako magpapaapekto kahit kanino! At dahil naalala ko na naman ang lalaking 'yon ay nangalit na naman ang panga ko. Sh*t siya!
Pagka-uwing pagka-uwi ko noong araw na 'yon ay dumiretso agad ako sa kwarto. Buti na lang, Mom never questioned where I was last night. Siguro, ang alam nito ay na kala-Tina ako. Hindi ako lumabas buong magdamag. Hindi na rin nagtaka si Mama, may mga araw kasi talaga na hindi ako lumalabas ng kwarto. Lalo na kapag may sakit ako na ang tawag ay: tamaditis. Nagmuni-muni lang ako sa loob ng kwarto ko. Thinking that my virginity won't come back even if I shed a basketful of tears. Nangyari na e. Ano pang magagawa ko? The best thing to do is to forget about it. Tutal, hindi ko na naman makikita pa ang lalaking 'yon.
Pero nasarapan ka, hindi ba? Kinokontra na naman ako ng malaswa kong konsensya. Tsk.
I heard my phone's vibration from the bedside table. It was Tina. It's already Tina's 38th mesagge this day. And I got 73 messages from her yesterday. So all in all, I have a total of 111 unread messages from my Bestie. Hindi naman sa naiinis ako dito. Actually, mas naiinis ako sa sarili ko. Kasi umayon ako sa plano nito na alam ko namang kalokohan! Kainis! Kaya ayan, anong napala ko? My cherry got popped by an effin' stranger!
Hindi pa rin alam ni Tina kung anong nangyari sa akin. At wala akong planong ikwento iyon dito. I didn't know too why Kuya Jiro wasn't in the room that night. Wala na kong pake! Ang kailangan ko ay makalimutan ang araw na 'yon! Kaya ayokong sagutin ang mga text and calls ni Tina. Malamang kasi magtatanong 'yon kung anong nangyari.
"Queen, bumaba ka na diyan," Mom called me downstairs.
Tinatamad akong bumangon. Naligo muna ako bago bumaba. Nadatnan ko si Mama kasama ang chef at dalawa naming kasambahay na busy sa kusina.
Lumapit ako dito and kissed her on her cheeks. "Good morning, Ma. What's happening? Sinong may birthday?" Andami kasing nagkalat na ingredients sa counter table.
"Good morning, Anak. Walang may birthday, Queen."
"E, anong meron?"
"Celebration ng pagiging unemployed mo." Singit ni King sa usapan namin. Ano na namang ginagawa ng asungot na 'to dito?
"I. Am. Not. Jobless. I am a freelance model."
"Which is actually close to being unemployed." Magaling mang-asar ang loko.
"Whatever. Para saan nga 'to, Ma?"
"Dadating sina Tita Ninang mo." Nagulat ako sa sinabi nito.
"Kasama sina Kuya Jiro at si Tina?"
"Yeah. Oo naman." OMYG! Nooo!
"Bakit sila pupunta dito, Ma?" Pumupunta lang kasi sila dito kapag may occassion.
"I just want to greet your Kuya Jiro's wedding, Anak." Ganyan ka-close ang pamilya namin ni Tina. Mom treated Kuya and Tina as her children and vice versa. Ganoon din naman si Tita Ninang and Tito sa amin ni King. But what did Mom said? Andito mamaya si Kuya at girlfriend niya? Noo!
"Oo nga pala, Queen. Tina called. Basahin mo daw ang mga messages niya."
I did what Mom said. Binuksan ko ang phone ko at binasa ang huling message ni Tina. It says: "Bestie, bakit hindi ka nagrereply? Text or call ka naman. Anong nangyari sa plano natin? Did it go successful? Why is he still marrying Andrea? Hindi mo ba ginawa ang sinabi ko? By the way, we're comming at your house to celebrate Kuya's wedding. As in today. And kasama ang girlfriend niya!"
OH.EM.JI. Bakit kailangan dito pa sa amin magcelebrate? That's because your family and his are very close, you idiot! Kanina pa nga in-explain, diba? So ano pang iniintay mo girl? Move your pretty ass!
Agad agad akong dumiretso sa kuwarto ko at naligo ulit. I don't care kahit naligo na ako kanina. Dadating sina Kuya Jiro at kasama ang girlfriend niya. Kailangang makita ni Kuya Jiro na I'm way better to that Hipon. Hindi pa rin ako susuko. If nothing happened today, and that's it. I'll give up.
Nilabas ko ang pinakamagaganda kong damit mula sa walk-in closet ko at nilapag ko lahat sa kama ko. Mag-gown kaya ako? I picked up a light yellow chiffon dress with spaghetti strap and waistband. And a strappy sandals.
Nagulat pa si Mama nang bumaba ako. "Queen, saan ka pupunta? May lakad ka?"
"Wala, Ma. Masama na bang mag-ayos?"
Nagdududa pa rin ang tingin ni Mama when our maid told us na nandito na sina Tita Ninang. Nandito na agad? Ang bilis naman ata? Or matagal lang ako mag-ayos? I went straightly to the living, nandoon na nga sina Tita Ninang, Tito, Tina, Kuya Jiro and... and Andrea. Sh*t!
I first greeted Tita and Tito. "Hi, Tita Ninang and Tito! Hi Bestie!" Nagpaskil muna ako ng napakatamis na ngiti bago ako humarap kay Kuya Jiro. "Hi Kuya Jiro!"
"Hi, Queen. Queen, meet my girlfriend, Andrea. Andrea, she's my other younger sister, Queen."
Ouchie! But no Queen! Hindi ako magpapatalo!
Nakipagbeso-beso ako dito. Sabi nga nila, keep your friends close and your enemies closer. "Hi! Nice to meet you!"
"Nice to meet you too!" Plastic mode on!
Actually, maganda naman talaga 'tong si Andrea. Pang-beauty queen ang ganda nito. Pang Ms. International nga lang. Ako kasi 'yong Ms. Universe! Haha! Sa true, mas maganda talaga ako ng limang paligo dito. Pero siyempre, dahil girlfriend siya ni Kuya Jiro, para sa akin siya ang pinaka-chararat sa lahat!
I looked at Tina. After two days, ngayon lang ulit kami nagkita. She was giving me a usap-tayo-later look. I nodded.
Lumabas si Mama at si King mula sa kusina. "O Tessa, John!" That's the name of Tita Ninang and Tito. "Halika, doon na tayo sa dinning area."
Pumunta kami sa dinning room. Nakahanda na ang lahat ng pagkain sa pahabang lamesa. I sat in front of Kuya Jiro. Since wala si Papa (may urgent meeting si Papa sa kompanya), si Mama ang nakaupo sa pinakadulo sa harap while magkakatabi naman sa opposite side sina Tita Ninang, Tito, Tina, Kuya Jiro and si Hipon. Katabi ko sa left side si King. Bakante ang sa kanan ko.
"Napakaganda pala talaga ng mamanugangin mo, Tessa," Mom said to Tita Ninang. 'Wag ka nga Mama! Mas maganda ako no?
"Thank you po," sagot naman ni Hipon. Tse! Naniwala ka naman! Nagkatinginan na lang kami ni Tina. Malamang nilalait din 'yan ni Tina sa isip.
"Sabi ko nga dito kay Queen magpakasal na rin eh. Nang matuto naman sa gawaing bahay."
"Ma!" Ayan na, ibinuko pa ako!
"Hayaan mo na lang si Queen, Mare. Hayaan mo munang enjoy-in ang buhay niya. Kapag nag-asawa 'yan, hahanap hanapin mo rin 'yan," ani ni Tito. Buti pa si Tito, nauunawaan ako.
"Nga pala, diba sabi mo Tessa isasama mo ang pamangkin mo na galing ibang bansa?"
"Ay oo, Mare. Sabi niya mahuhuli lang daw siya. Siya na kasi ang nag-aasikusa ng negosyo ng mga magulang niya. Oh, ayan na pala siya."
I heard a footsteps behind me. Hindi ko alam kung bakit biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Ewan, parang feeling ko may mangyayaring hindi maganda.
"Aiden, come here."
Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Dahan dahan akong lumingon. As in dahan dahan talaga. Katulad ng sa mga movie, para mas lalong epek. Then I saw a man, a very very handsome man. At sobrang hunk nito. And he was grinning at me.
"Everyone, meet my nephew, Aiden," pakilala dito ni Tita Ninang.
"Hello," he said na nagpalabas sa mapuputing ngipin nito.
He fixed his eyes on me and whispered something in my ear that made my both cheeks burn.
"Tulo mo, lumalaway," he said while chuckling.
Sh*t! Anong ginagawa ni Manyak dito?
**************
Read, vote, comment and share! Thank you! :)
BINABASA MO ANG
In Somebody Else's Bed [SPG]
RomanceNagising ako na masakit ang aking buong katawan lalo na sa gitnang bahagi nito. Pero hindi nito naibsan ang tuwang nararamdaman ko. I looked at the man beside me. His back was facing me, nakatalukbong ito ng kumot. I smiled sweetly. Last night was f...