Chapter 1 ~ Coolest Friend

114 56 6
                                    


I need to be strong, I need to be brave dahil walang ibang inaasahan si Papa kundi ako. Kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral ng walang sagabal dahil iaahon ko sa hirap ang pamilya ko. Marami akong pangarap at hindi iyon para sa sarili ko. Kundi kay Papa at sa mga kapatid ko. Mayroon akong kambal na kapatid na sunod sa akin, eight years old sila Nafai and Nasai, grade three na sila ngayon. Namatay si Mama sa panganganak sa kanila dahil hindi namin agad nadala ni Papa sa hospital.

Walang tumulong sa amin sa mga oras na iyon dahil walang-wala kami, kahit ang mga kamag-anak ni Papa ay hindi kami pinapansin. Ayaw nila sa amin dahil maruming babae raw si Mama, nakuha lang ni Papa sa kung saang lugar noong nagtatrabaho siya sa Maynila. Kailangan kong maging matatag para sa mga kapatid ko at para kay Papa, hindi puwedeng ganito na lang kami habang-buhay ang apihin nila at tapak-tapakan lang.

Isang taon na lang ako sa sekondarya kaya puwede na ako magtrabaho kapag nakapagtapos na ako. I'm 16 years old and I know a lot of job. Kaya may tatanggap na sa akin kapag naghanap ako ng trabaho. Si Papa kase construction worker siya at pahinto-hinto ang kontrata kaya siguradong hindi na ako makakapag-aral ng kolehiyo.

Minsan naiinggit ako sa mga kaibigan ko dahil alam na nila ang gusto nilang kurso at kung saan mag-aaral next year. Samantalang ako nag-iisip na kung saan puwede magtrabaho. Alam naman nila ang kalagayan ko at masuwerte ako dahil sila ang naging kaibigan ko. Lalo na si Lainerry, marami na siyang naitulong sa akin at sa mga kapatid ko, halos siya na ang bahala sa mga school contribution ko kahit todo tanggi ako ay nalalaman ko na lang na paid na ako. Balang-araw susuklian ko ang kabaitan niya sa akin.

I have a greatest dream. Mayroon rin naman akong pangarap para sa sarili ko at sobrang taas noon na masiyadong impossible para maabot ko. Pero hindi ko naikuwento kahit kanino dahil baka matawag akong ambisyosa. Some people may laugh at you for dreaming something big, but it's okay, I have to go on, I have to believe with myself and I have to keep going untilI finally reach my main goal in life.

I slowly ignore those human who doesn't believe in me and I stay away from people who cling on ne in my wonderful and sunny days then during my doomsday they'll dissappear right away. I ignore them completely because I love myself for dreaming big and I'll do everything to be successful and someday I will look back and I know, I will be glad that I did not give up. I will be glad that sometimes I dreamed once.

Well, I can't imagine my self as a teacher like Aurry Keith's dream, a Chef that Meagan love to do because she wants to own a restaurant, an owner of airlines and travel agency; that was Lainerry, mat naghihintay na agad na trabaho sa kanya at kahit huwag na siya magtrabaho dahil mayaman na siya. A hasyendera, it's Lavelle; she owns a huge farm land and thousand of livestock. Ang ganda ng lugar nila Abby, ilang beses na kaming nagfoodtrip sa kanila, sobrang nakakarelax kapag pumupunta kami sa farm nila at sigurado akong mauulit pa iyon ng ilang beses dahil napakasarap magluto ng Mama ni Abby.

Ako si Najella Contessa at sobrang suwerte ko dahil may mga kaibigan akong alam kong hindi ako pababayaan kahit kailan, sila ang pangalawang mayroon ako, una ang pamilya ko at pangatlo si Earl; kahit hindi ko maintindihan kong anong mayroon sa amin ay ramdam ko rin na hindi niya ako hahayaang mag-isa. Palagi siyang sumusulpot sa tuwing kailangan ko ng tulong, lalo na kapag sa wala si Papa sa bahay at walang magbabantay sa mga kapatid ko. Siya ang palaging nasa tabi ko at nagtatanggol sa akin.

Kaklase ko si Earl simula Elementary kaya alam na alam niya lahat ng pinagdaanan kong hirap sa buhay. Siya ang natatakbuhan ko sa tuwing hindi ko na kinakaya ang sakit. Noong nawala si Mama ay sa kanya ko ibinuhos lahat ng sakit at hinanakit ko sa mundo. Kulang na lang sa bahay siya tumira para maging kapatid ko na siya. Papa na rin ang tawag niya kay Papa dahil halos sa bahay siya tuwing linggo at kapag walang pasok.

Retrospect Of Youth CS4 ( On Going )Where stories live. Discover now