CHAPTER 4 Abby's Farm

60 52 2
                                    


LORENCE EARL MORALES

“Guys! Let’s go home na! Boring na. Doon na lang natin ipagtuloy ang kasiyahan kila Lavelle,” suhestiyon ni Lainerry na humihikab pa.

“I’m in! Kayo ba?” reply ni Keith at inisa-isang tingnan pa ang ibang kaibigan nila.

“Tara na! Mas masaya pa doon dahil maraming pagkain, magluluto raw ang Mama ni Abby ng sea food e’ right? Babe?” giit ni Lainerry.

“Oo, kanina pa ’yon tapos magluto. Baka tulog na nga. Alas dose na,” palatak ni Abby.

“Okay tara!” niyaya ko sila at lahat nabaling ang atensiyon sa akin.

“Sasama ka, Earl?!” sigaw na tanong ni Keith na akahit si Ajax ay hindi makapaniwala sa narinig.

“O-Oo. Gusto ko sumama. Tsaka hindi kayo magkakasya sa sasakyan ni Lainerry. Mayroon akong sundo at nasa labas na,” paliwanag ko para hindi masiyado mapahiya at hindi ko naman puwedeng sabihin na niyaya ako ni Najella dahil magagalit na naman siya sa akin. Mahahalata nilang lahat ng nangyayari sa kanya ay alam ko.

“Sure! Para marami tayo.” Si Lainerry.

“Sige guys! Mauna na ako sainyo a’ medyo hindi ako puwede sa lakad n’yo. Mayroon akong lakad kase bukas,” pagpapaalam ni Ajax at tango lang ang sagot nila Lainerry at Keith. Nahihiya lang siya kay Meagan dahil hindi pa naman siya masiyadong nakikipag-bonding sa mga kaibigan ni Jell.

“Let’s go! Doon na lang sa sasakyan ko sasakay si Najella at isa pa sainyo kung sino ang gusto.”

“Ikaw magda-drive?!” usisa ni Abby.

“Hindi,” sagot ko.

“Okay. Kami na lang ni Jell sa sasakyan ni Lorence. Tara na dahil nagugutom na ako,” pagyaya ni Lavelle at lahat na kami nagsitayuan para mag-exit sa Prom. Halos nagsilingunan ang ibang mga estudyanteng nakaupo dahil sabay-sabay kami lumabas at nakita ng gilid ng mata ko ang waitress na pinsan ni Najella na nakatitig sa best friend ko at umiirap pa habang may kakuwentuhan sa ’di kalayuan. Hindi ko na lang pinansin, kay Najella ko na lang ibinaling ang mga mata ko. Nasa likod niya ako kaya kitang-kita ko ang kurba ng katawan niya na nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

‘Pasaway ka Lorence! Itigil mo ’yan dahil baka mapansin niyang sa kanya ang atensiyon mo.’ Buti na lang madilim na ang hallway palabas ng campus kaya hindi masiyadong makita ang outfit ni Najella na parang naglalakad lang sa red carpet. “Mauna na kayo sa labas, may kukunin lang ako sa guardhouse,” utos ko sa kanila at tumango lang sila habang pare-parehong bitbit sa kamay ang ibaba ng kani-kanilang long gown.

“Yaman mo pala, Earl!” sigaw ni Abby nang pagbuksan ko sila ni Najella ng pintuan ng kotse. Mabuti na lang nakabalik na si Manong Mario kaya kinausap ko siyang ihatid muna kami sa ranch nila Lavelle.

“Hindi sa akin ito. Sa magulang ko,” giit ko at nilingon ko pa silang dalawa sa passenger seat.

“Pero nakapangalan na ito saiyo, Earl,” sabat ni Manong na ikinagulat ko. Dahil kinikilig si Abby sa narinig.

“Manong naman,” baling ko kay Manong Mario na busy na ang atensiyon sa pagmamaneho. Nauna ang sasakyan namin dahil doon nakasakay si Abby para sabihin niya ang daan papunta sa kanila. Ibang driver kase ang kasama ni Lainerry kaya hindi niya alam ang papunta kila Abby. Noong unang pagpunta raw nila Najella kila Abby ay namangha siya sa lawak ng sakahan nila kaya gusto kong sumama para makita ko rin.

“Tatawagan ko na lang po kayo kung magpapasundo na kami. Nagpaalam na rin po ako kila Mommy na hindi muna makakauwi. Salamat po sa paghatid, Manong.”

Retrospect Of Youth CS4 ( On Going )Where stories live. Discover now