NAJELLA CONTESSA
Tonight, I realized that Earl was freaking handsome! Nang pumasok kaming magkakaibigan sa campus ay agad ko siyang nakita na nakatayo sa malapit sa guardhouse, alam kong ako ang hinihintay niya, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi humanga sa kanya. Sanay ako sa simpleng pananamit niya pero ngayong gabi ay parang ibang-iba siya.
Halos tumalon ang puso ko ng makita ko siyang papalapit sa akin, bagay na bagay sa kanya ang suot, napaka-elegant tingnan. Pinauna ko ang mga kaibigan ko para makasabay ko si Earl at alam kong iyon din ang gusto niya. Wala akong masabi, hindi rin umiinit ang ulo ko kahit may mga sinasabi siyang hindi ko gusto at alam kong inaasar niya ako. Nanatili akong kalmado hanggang sa mag-umpisa na ang program, hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya kahit ang paghawak sa kamay ko no'ng pumasok kami sa venue ay hindi ako nakapagreklamo.
'Ayoko ng ganitong pakiramdam,' saway ko sa aking sarili dahil sobrang lakas ng tahip ng dibdib ko lalo pa't nanonoot sa ilong ko ang mamahaling pabango niya. 'Hindi puwede ito dahil best friend lang kami at hanggang doon lang. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin dahil sa kakaibang nararamdaman ko ngayong gabi.
Ilang minuto pa ang nakalipas nang nagsiupuan na ang ibang mga estudyante sa kanya-kanyang table, hindi naman ako kasali sa sasayaw kaya kampante akong naupo sa upuan na katabi ni Earl. Hindi ko namamalayan ang oras dahil busy akong kausapin ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kaibigan ko. Nadadakip ko ang sarili ko na nakatitig kay Earl, buti hindi niya ako nakikita dahil medyo madilip sa part namin.
Tapos na ang cotillion at nagsiupuan na rin ang iba pa. Halos isang oras kami naghintay para sa dinner dahil medyo matagal ang performance ng cotillion. May mga waitress at waiter ng nag-aayos ng mga mesa para sa dinner kaya nanatili na ang lahat sa kani-kanilang puwesto. Apat kami sa isang mesa at kaklase rin namin ni Earl ang nandoon. Tahimik lang kaming kumain, hindi kami nagkakarinigan kahit magkuwentuhan pa kami dahil malakas ang tugtog.
"Papalapit sila Meagan at Lainerry," binulungan ako ni Earl na nakatingin sa mga kaibigan ko, umalis na rin naman ang dalawang kasama namin sa mesa kaya kami na lang dalawa. Nanghinayang ako dahil akala ko ay kami lang ni Earl pero siyempre masaya naman dahil makakasama ko ang mga kaibigan ko, tumayo ako para salubungin ko sila ng biglang may bumunggo sa aking waitress at may dalang mga pinagkainan.
"Aray.." Naapakan pa ang paa ko.
"Shit!" bulalas ni Earl. Siguro nag-alala siya sa akin ngunit hindi ko napansin na natapunan pala ang suot ko, sa may tagiliran ko.
"Dahan-dahan naman, Ate!" sinigawan ni Earl ang waitress na dumaan pero agad ko siyang nakilala. Pinsan ko siya sa side ni Papa, hindi na lang ako umimik para walang gulo. Uuwi na lang ako dahil nakakahiya ang suot ko. Mayroong ketchup pa namang natapon.
"Who is that?! I saw her! Sinadya niya ang banggain ka!" galit si Lainerry sa nakita. Hindi ko namalayan na nakalapit na ang mga kaibigan ko at nasaksihan nila ang pang-aapi ng mga pinsan ko dahil hindi nila ako matanggap kahit kailan.
"Ayos lang ako. Siguro uuwi na lang ako, tapos na rin naman ang okasyon," paalam ko sa kanila habang pinupunasan ko ng tissue ang puting gown na suot ko.
"Mayroon pang photoshoot mamaya. Hindi pa tapos tapos mayroon pang after party," malungkot na saad ni Keith.
"Okay lang. Mauuna na ako sa--"
"No. Come here." Hinawakan ni Earl ang kamay ko na patuloy sa pagpupunas sa mantsa ng damit ko. "Maiiwan muna namin kayo. Babalik kami agad," dagdag niya pang paalam sa mga kaibigan ko. Ano ba ang balak niyang gawin? Hindi na ako nagreklamo pa dahil hatak-hatak niya ang kamay ko.
YOU ARE READING
Retrospect Of Youth CS4 ( On Going )
Teen FictionJanella Contessa believed she would never see Lorence Earl Morales again, even though they had grown up with; he is no longer her ideal man. She would never have planned to settle down in a relationship; she likes her independence and doesn't want a...