LORENCE EARL MORALES
THIS is bad, mayroon na akong kakaibang nararamdaman para sa matalik kong kaibigan at alam kong hinding-hindi niya ito magugustuhan kaya kailangan kong pigilin hanggat kaya ko. Well, nagawa ko na dati na iwasan ang pagkakaroon ko ng crush sa kanya noong Elementary kami, kaya magagawa ko ulit ngayon alang-alang sa pagkakaibigan namin.
Magpapanggap akong wala akong pakialam sa kanya dahil ayokong ipagtabuyan niya ako. Kahit ang pagtulog ko sa bahay nila ay baka hindi ko na magawa. Paano na kapag wala ang Tatay nila Najella? Kapag nasa trabaho tuwing gabi? Hindi ko sila masasamahan dahil maiilang siya sa akin kapag sinabi kong may gusto ako sa kanya. Kaya huwag na lang! Mamimiss ko ang dalawang makulit na sila Nasai at Nafai.
Ako si Lorence Earl Morales, nag-iisang anak at tagapagmana raw ng negosyo ng mga magulang ko, they own a famous Pure Gold Supermarket, at first I'm so overwhelmed as an only child of my Parents but they did'nt know that I found a mere of paper in their safety vault that I am not their real son. My parents were unable to conceive children of their own, so they legally adopted me. I was so sad on that day when I found the truth but later on I slowly understand and accept my own fate. Pero sa isang sulok ng isip ko ay gusto ko pa ring makilala ang totoong mga magulang ko kung mayroong pagkakataon man pero kung hindi papayag ang nakagisnan kong magulang ay irerespito ko sila dahil hindi naman sila naging masama sa akin. They loved me from head-to-toe and giving me everything they have.
I am in third year highschool, struggling to hide my real feelings to my best friend. Days passed, then weeks, then months, things happen normally. Janella Contessa was getting busy in her studies, I am happy to see her enjoying the life with her new friends, lahat naman sila babae kaya okay lang na lagi sila ang kasama ni Najella. Dahil tuwing uwian naman ay nakakasama ko na si Najella dahil sabay lang kami naglalakad pauwi at kapag walang pasok ay doon ako sa kanila naglalagi.
"Hindi ka hahanapin sa inyo? Kahapon ka pa rito," ayokong pansinin ang tanong ni Jell dahil mukhang gusto niya na naman akong pauwiin.
"Nagpaalam naman ako kila Mommy at sasabihin naman ni Papa sa kanila na nadito ako sainyo," giit ko.
"Papa ko! Hindi Papa lang!" nagmamaldita na naman ang best friend ko.
"Umuwi ka na, pauwi na naman si Papa mamayang hapon kaya may kasama na kami mamayang gabi. Tsaka malaki na ako, kaya ko ng ipagtanggol ang mga kapatid ko," mahabang litanya ni Najella.
"Parang hindi mo na ako kailangan a' diritsohin mo na lang kayang sabihin na 'Hoy! Lorence Earl huwag ka ng pupunta rito sa bahay dahil ayaw na kitang makita! Nagsasawa na ako sa pagmumukha mo!' ganyan." Nanlalakihang mga mata ang pumukol sa akin.
"Kapag hindi ka tumahimik baka masaktan ka pa sa akin! Alam mong gumagawa ako ng project! Ang ingay-ingay mo d'yan!" reklamo ni Najella. Totoo namang gumagawa siya ng project. Group project pero dahil siya ang pinakamatalino sa kanilang magbabarkada ay siya ang taga-gawa ng project at gusto niya naman dahil hindi na siya kasama sa contribution.
Sobrang bait ng best friend ko, minsan nga lang may lahing dragon at tigre; nagsasanib kapag naaasar sa akin. Ang cute kase niyang asarin at iyon lang ang tanging paraan ko para makuha ko ang atensiyon niya, para tumingin siya sa akin dahil sobrang focus siya sa kanyang pag-aaral, ayaw niya ng may humaharot sa kanya, lalo na sa loob ng campus. Mayroon siyang pangarap na hindi niya sinasabi iahit kanino kaya kailangan niyang makapagtapos ng pag-aaral at makapag-trabaho agad.
Sinubukan ko rin namang magbigay ng atensiyon sa iba kasu hindi ko talaga kaya. Si Najella ang palaging nililingon ng puso ko, siya lang ang gusto kong makasama sa araw-araw at wala ng iba.
YOU ARE READING
Retrospect Of Youth CS4 ( On Going )
Dla nastolatkówJanella Contessa believed she would never see Lorence Earl Morales again, even though they had grown up with; he is no longer her ideal man. She would never have planned to settle down in a relationship; she likes her independence and doesn't want a...