Ecchymosis
Psst! Kamusta ka na?
Limang taon na ang nakakalipas mula noong araw na yun. Limang taon na rin mula nung baliin ko ang lahat ng mga pangako ko sayo. Limang taon na mula nang iwan kita. Pero sana, makalipas ang limang taon…tapos na rin ang pag-agos ng luha sa mga mata mo.
Araw-araw, naiisip pa din kita. Iniisip ko kung kamusta ka na…kung anong ginagawa mo. But each time I think of you, I could only picture you crying. Naiisip kitang umiiyak dahil wala na ko sa tabi mo…dahil iniwan kita. Naiisip kitang ngumingiti ng malungkot habang inaalala mo ang masasayang sandali nating dalawa. Naiisip kitang hindi masaya. At ang laking gago ko dahil hinayaan kitang maging malungkot.
Naaalala mo pa ba? Yung araw na pinangako ko sayong hinding hindi ka na iiyak? Oo. Yung araw nga na umakyat ako sa rooftop ng school natin para ipagsigawan sa lahat ang nararamdaman ko para sayo. Oo. Yung araw nga na sinabi ko sayong mahal kita. And you know what? Even after five years…Even after I left you…This, I assure you. The words that I said that day remain the same and it will forever be the same.
Naaalala ko, ang dami dami nating pangarap. Pangarap mong maging Architect. Pangarap ko namang maging Engineer. At pangarap nating bumuo ng bahay. Yung bahay na titirhan natin pagkagraduate natin…pag kasal na tayo…pag bubuo na tayo ng pamilya. Yung dream house natin. Parang Basha at Popoy lang. Naalala ko din kung pano ka umiyak noong panoorin natin yung One More Chance. Naalala ko kung pano mo sabihin sakin na “Whatever happens, tell me we wouldn’t break up.” Humahagulgol ka nun habang niyayakap kita’t palihim na tinatawanan. Sorry pala a? Kasi tinawanan kita noon. Kasi hindi ko natupad yung pangarap kong maging Engineer. Kasi hindi natin nagawa yung dream house. Kasi wala tayong pamilyang nabuo.
Sorry kasi pinaiyak kita. Sorry kasi dinaig ko lahat ng sakit na binigay sayo ng mga ex mo. Sorry for telling you that I’m the right one for you and I’m sorry that I couldn’t be.
Sana, ngayong ika-limang taon, matapos ka na sa pag-iyak mo. Sana, unti-unti ka nang maging masaya sa buhay na walang ako. Sana, matupad mo pa rin yung mga pangarap natin. Na maging Architect. Na gumawa ng dream house. Na bumuo ng pamilya. Kahit ba hindi na ako yung Engineer ng dream house mo. Kahit ba hindi na ako yung tatay at asawa sa pamilya mo. Sana… Sana, makalimutan mo na ko. Kahit ba…hindi na kita magagawang kalimutan pa. At sana… matuto kang magmahal ulit. Kahit ba…hindi na ako ang maging laman ng puso mo.
Pero masaya ako. Kasi sa dami ng pangako ko sayong hindi ko tinupad, meron palang dalawa na natupad ko. (1) Na hindi tayo magbebreak (2) na mamahalin kita forever.
Thank you for being the best part of my short-lived life.
Oo nga pala. Bago ko makalimutan. Remember that day, five years ago? Tumatawid ako noon ng kalsada papuntang jewelry shop para bilhin yung singsing mo. Magpopropose na kasi sana ako sayo. Tinawagan mo ko. Nakangiti ako habang nag-uusap tayo. Sabi mo, “Sige na. Baka masagasaan ka pa diyan. Babye! Love you!”
I smiled. And I began saying the words that will forever remain true. Pero biglang umihip ang malakas na hangin at di ko namalayang tinangay na pala ako nito.
Oh my gosh, yung lalaki! Tumawag kayo ng ambulansya! Syet, hit and run.
I smiled. Because I died saying I love you.

BINABASA MO ANG
Heaven's Mailbox
General Fiction...because love continues even if its over. Copyright © 2013 by prettychq18 All rights reserved. NO part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, or stored in a database or retrieval system, wit...