Keepsake
HOY! LALAKING BATUGAN! ALAS OTSO NA! BANGON NA!
Aba. Don’t tell me hihilata ka na naman diyan magdamag? Oo, gets ko malungkot ka. Wala kang ganang mabuhay. Gusto mo na lang humilata forever hanggang tumigil ka na lang din sa paghinga. Well… alam ko namang iba talaga effect ko sayo e. Sa ganda kong ‘to? Malamang sa malamang magdudusa ka nga’t nadeads na ko.
Pero ipapaalala ko lang sayo, Mister. May anak ka na. She’s just 1 week old and she already lost her mother. Wag mo namang hayaang pati tatay, mawalan siya. Kahit ba siya ang dahilan kaya nawala ako sayo, dapat tuparin mo pa rin yung responsibilidad mo sakaniya bilang daddy niya. And now, you’d have to fulfill my duties to her as the mother.
Wag mo siyang sisihin. Hindi niya kasalanan na mahina ang puso ko. Hindi niya kasalanan na namatay ako. Ako mismo ang nagdesisyong isalba ang buhay niya kapalit ng buhay ko.
Why, you ask? Kasi nabuhay na ko ng 33 years sa mundong earth. Naranasan kong maging bata, maging dalaga, magprom, magdebut, kiligin, masaktan, mainlove sayo at pakasalan ka. Masyado mang bitin ang tatlumpu’t tatlong taon, para sakin sapat na yun. Sapat na yun para igive up ko yung buhay ko to give this little girl a chance to live a life like I did and to do the things that I wouldn’t be able to do anymore.
Kung nabuhay man ako, alam ko na rin naman ang ending natin. We’d be happy. We’d grow old together. We’d die holding each other’s hand. And I wouldn’t have any regrets. Alam ko na yun. So let’s welcome this little twist in our lives. Para may thrill.
Bakit mas pinili kong mabuhay siya? Kasi anak mo siya. Kasi anak ko siya. Kasi anak natin siya. She’s this one thing—one proof—that there had been love between us…that there had been us. So kahit mawala na ko, sabi ko, ok lang. Kasi andiyan siya.
Kaya pakiusap ko sayo, alagaan mo siya. Alagaan mo siya tulad nang kung paano mo alagaan ang pagmamahalan nating dalawa. Ibuhos mo sakaniya lahat ng pagmamahal mo na dapat para sakin. Because she’s me. Well… at least a part of her is.
If there’s something which I regret in dying… marahil yun yung hindi ko na kayo makakasama. Hindi ko na makikita kung pano siya umiyak pag nagugutom o natae sa diaper niya. Hindi ko na makikita kung anong itsura mo pag buhat mo siya. Hindi ko maririnig ang first words niya o mawiwitness ang first steps niya. Hindi ko siya mahahatid sa first day of school niya. Hindi ko makikilala ang mga lalaking magugustuhan niya. But I hope he’d be just like you. At sana naman wag kang masyadong strict sakaniya pagdating sa boys. Remember, naranasan mo ding mahabol ng itak ni Daddy.
So please…please, ikaw na ang gumawa, magwitness, at magexperience ng lahat ng di ko mararanasan sa buhay niya. And please make sure na wala kang mamimiss. Make sure to capture everything and gather it in a keepsake. Para pag nagkita na tayo, marami kang mapapapakita’t maikukwento sakin.
If there’s something which I regret in dying, that would be missing out a lot on your lives. But I pray both of you live a happy life. Kahit wala na ako.
KAYA LALAKING BATUGAN, BANGON NA! HINIHINTAY NA NIYANG KARGAHIN SIYA NG DADDY NIYA.
BINABASA MO ANG
Heaven's Mailbox
General Fiction...because love continues even if its over. Copyright © 2013 by prettychq18 All rights reserved. NO part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, or stored in a database or retrieval system, wit...
