XI

1.3K 39 9
                                    

"MONSIEUR, voici votre nourriture," [Ginoo, heto na po ang pagkain niyo.] sabi ng isang katulong dala ang isang tray ng pagkain para sa aming dalawa.

Nasa likod niya ang isa pang katulong na may dalang maliit na mesa at ipinatanong ito sa kama. Doon naman nilapag ng katulong ang tray ng pagkain.

"Merci," [Salamat] simpleng pagtugon naman niya nung nilapag na yung tray sa side desk.

Para silang mga robot kung kumilos. Ganito ba dapat sila magtrabaho? Hindi naman sa minamaliit ko sila, pero parang hindi na natural ang kanilang ikinikilos.

"Es-tu sûr que tu vas manger ici?" [Sigurado po ba kayo na dito kayo kakain?] tanong ng katulong.

Medyo nakakabahala ang kawalan ko ng ideya sa mga binibigkas nilang salita. Baka may pinag-uusapan silang plano na gagawin sa akin na lingid sa aking kaalaman.

Tumango lang ang binatang lalaki, at 'di nagtagal ay umalis na rin ang dalawang katulong.

Base sa kilos ng mga katulong, para bang iniiwasan nila na mapabaling ang kanilang atensyon sa akin. Hindi naman sa ninanais kong mapansin nila, ngunit ganito ba talaga yung trato nila sa tuwing nagdadala ng bisita yung amo nila?

Pumwesto na kami sa harap ng mini table na nakapatong sa higaan.

Sinilip ko kung ano yung nasa plato. Nakita ko ang dalawang mangkok ng soup at may mga kalakip itong kutsara. Mushroom soup ang laman ng mangkok. Kaya pala parang pamilyar sa'kin ang aroma, sapagkat nakatikim na 'ko nito dati.

"Alam mo, tamang-tama talaga 'tong pagkain na 'to para sa'yo. Mapapainit nito yung katawan mo," aniya.

Ngumiti ako. Nag-aalangan na tanggapin ang alok niyang pagkain.

"Huwag ka nang mahiya. Bisita na kita."

Tumango ako.

Inayos na niya ang pagkakapwesto ng mangkok sa mesa at inalok niya sa'kin ang kutsara. Tinanggap ko naman ito.

"Ingat ka lang. Kakaluto lang niyan. Baka mapaso yung dila mo," paalala niya.

Sa lapit ng distansya ng aming mga mukha, hindi ko maiwasan na mapansin ang detalye ng kaniyang hitsura. Sigurado akong may dugo siyang banyaga. Parang prinsipe sa pelikula ang dating niya.

Nakakaaliw ang kaniyang pananalita ng Tagalog, halata ang kakaibang tono sa bawat pantig.

Sa mga sandaling iyon, hindi ko inasahan ang pamumula ng aking pisngi, dahil sa talaga ng aming pagtititigan. Maliit lang kasi ang bed table na nasa pagitan namin. Ilang sentimetro ang layo ng aming mga noo, at isang abante lang ay magdidikit na ang mga ito.

Ang kaniyang buhok ay parang mga gintong sinulid. Blonde ang kulay nito at tila nagniningning sa liwanag ng buwan. Lubhang matino ang pagkakaayos ng buhok niya at aakalain mong maraming oras ang kaniyang ginugugol sa pagsusuklay.

"Ihipan mo muna yung sabaw bago mo higupin," suhestyon niya at ipinakita niya sa akin kung paano gawin iyon.

Alam ko. Hindi ako tanga.

Hindi ito ang unang beses na nakatikim ako ng mainit na soup. Ano ba ang tingin sa'kin ng lalaking 'to?

Nauna niya itong tinikman. Ilang segundo akong napatitig sa mangkok bago ko sinimulan ang paghigop sa soup. Dumaloy ang init sa katawan ko at nagdala ng kagihawaan.

Ibinaling niya sa'kin ang kaniyang paningin.

"Paano ka nga pala napadpad dito?" tanong niya sa kalagitnaan ng aking pag-nguya sa kapritsong kabute na nasa aking bibig. Malinamnam ito sa aking panlasa.

"Galing akong plaza kanina..."

"Tapos?"

"May nakita akong paru-paro."

"Anong meron d'un sa paru-paro?"

Hindi ko inakala na magiging interesado siya sa walang kabuluhan kong dahilan.

"Sinundan ko pero... lumipad siya. Palayo ng palayo hanggang sa napadpad ako sa dalampasigan sa tapat ng mansion mo," pagpapatuloy ko.

Nililunod ako sa pagtitig ng kaniyang bughaw na mata.

Dagat.

Para itong dagat na nanghihila sa kawalan.

Kumikislap na parang bituin.

Marami pa akong pwedeng ihambing.

"Tapos... Naisipan mong sumakay ng bangka at pumunta rito upang usisahin ang tahanan ko?" tanong niya.

"Hmm... parang ganun na nga," sabi ko naman.

"Hindi ko ugali ang manghimasok sa bahay ng hindi ko kilala."

"Tinanong ko ba?"

Nagsalubong ang kaniyang kilay.

"Akala ko pa naman, isa kang mangingisda," aniya tapos tumigil na siya sa pagtawa. "Hindi na nakapagtataka kung bakit hindi mo nasagip yung sarili mo kanina."

"Pero dumating ka naman, eh. Huwag na nating balikan yung nangyari."

Nahiya ako nung binanggit nanaman niya ang insidenteng iyon. Nagkibit balikat lang siya.

"Sige. Sabi mo, eh."

Ngumiti siya.

Ngiting makahulugan.

At kahit hindi nakakapagsalita ang mga mata, narinig ko ang kaniyang pagtitig.

"Nagkita tayo ulit," bulong nito.

dito ka nararapat..."

sa tahanan ko..."

sa piling ko..."

sa buhay ko..."

sa puso ko."

Ang mga bulong ay nabuo na tila isang awitin.

"Ako nga pala si Maxence," pakilala niya.

Maxence.

Bagay sa kaniya ang pangalan niya.

"Rafael."

Inalok ko ang aking kamay upang makipag-shake hands.

Sa halip ay tinanggap niya ito upang halikan.

Rendezvous (Pagtatagpo) [BxB, SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon