HINDI ako mapakali habang nakahiga sa hospital bed kung saan naghihintay na lang kami sa doctor na magsasagawa ng operasyon sa mga mata ko. Kinakabahan ako na nananabik. Kinakabahan ako kasi baka hindi mag-work at nanabik ako na makita ang paligid, ang mga tao.
"You look so nervous, Jecialle," narinig kong puna ni Marco. "Calm yourself, nandito kami," pagpapalakas pa niya sa loob ko.
"Oo nga ate, Jecialle huwag kang masyadong kabahan kasi baka mahimatay ka diyan sa kaba." May kasunod pang tawa ang binitawang salita ni Lyndsy.
May maramdaman akong umupo sa hospital bed at hinawakan ang kamay ko. "Anak, masaya ako para sa 'yo. Ito ang pangarap mo, 'di ba, ang makita ang mundo. Ang magkaroon ng kulay ang paligid mo at nandito na tayo, malapit mo nang makita ang lahat sa paligid mo. Masaya ako para sa 'yo," puno ng emosyong pahayag ni Mama habang hinahagod ang buhok ko. Alam kong umiiyak na si Mama ngayon dahil sa boses nito.
Ngumiti ako. Sobrang tagal ko nang pinangarap ito at salamat sa Dios at ibinigay na niya sa akin ang pagkakataong makakita.
"Salamat, 'Ma dahil kung hindi dahil sa 'yo, hindi ako magkakaroon ng eye donor. Salamat, 'Ma." Niyakap ko siya at hindi ko na rin napigilan ang mapaluha dahil sa labis na saya.
"Magpasalamat ka rin kay, Marco, anak dahil siya ang nagbayad ng ibang expenses para sa operasyon," ani Mama nang maghiwalay kami sa pagkakayakap.
Bahagya akong napayuko dahil nahihiya ako sa kabutihang ginawa ni Marco at hindi ko alam kung paano ko 'yon susuklian.
"Salamat, Marco sa kabutihan mo," ani ko habang nakaharap sa kanan ko.
Nakarinig ako ng mahinang tawa kaya napakunot ang noo ko.
"Bakit kayo tumatawa?" parang batang tanong ko.
"I wasn't there, nandito ako."
Napapikit ako saglit nang mapagtanto ko ang pinagtatawanan nila. Mali pala ang direksyon ng pagharap ko.
"'Ma, bakit hindi mo naman inayos ang ulo ko," maktol ko.
Natawa lang sila uli habang nakanguso ako. Pagkuwa'y bigla din silang naging seryoso.
"Don't think about it, Jecialle panao pa't naging magkaibigan tayo," balik ni Marco.
Hindi naman talaga maikakaila ang kabutihan ni Marco, noon pa man kasi ay mapagbigay na ito kahit kanino at lubhang mabait.
"Excuse me, Ma'am the operation room is ready for the eye transplant."
Biglang umakyat ang kaba sa puso ko dahilan para bumilis ang tibok niyon nang marinig ko ang boses ng babae.
Na-discuss na ng opthalmologist ang lahat ng dapat kong malaman sa gagawing operation. Alam kong may risks pero naniniwala ako na makakakita pa ako. Maaring ma-reject ang cornea ng donor pero mababa lang ang posibilidad na mangyari iyon.
Naramdaman ko na lang na inilipat na ako sa ibang higaan para dalhin sa operating room. Gumalaw na ang higaan at naramdaman ko ang kamay ni Mama sa mga kamay ko.
"Magtiwala ka lang, 'nak magiging successful ang operasyon," pagpapalakas ni Mama sa loob ko.
Ngumiti lang ako at pilit ko ring kinakalma ang sarili ko. Aaminin ko, mayroong takot sa akin na baka hindi maging matagumpay ang operasyon pero sa kagustuhan kong makakita, gusto kong subukan. Hindi ko naman kasi malalaman na successful, kung hindi ko susubukan.
Nang huminto na ang movable bed at binitawan na ako ni Mama, alam kong nandoon na ako sa lugar kung saan magpapabago ng mundo ko.
Narinig ko ang lagitnit ng pinto. Alam kong pumasok na kami sa operating room at ilang sandali na lang ay gagawin na ang operasyon.
BINABASA MO ANG
Eye Donor
HorrorLumaki si Jecialle sa madilim na mundong ginagalawan niya. Wala siyang ibang ginusto kung 'di balang araw makita niya ang magandang mundo na sinasabi ng marami. Hindi naman siya nabigo sa gusto niya, nagkaroon ng misteryosong eye donor para sa opera...