MAINGAT ang bawat hakbang na ginagawa ko na tila ba nasa isa akong tulay na maling hakbang lang ay malalaglag ako sa malalim na bangin. Ganito na ang konsepto ng paglakad ko para hindi ako mapatid at matumba.
"Ma, nandiyan ka na ba?" sigaw ko ng pakiramdam ko nasa sala na ako ng bahay namin. Ginalaw ko ang mga kamay ko para mangapa sa dilim. Pilit hinahanap ng kamay ko ang ano mang maaari kong kapitan.
Walang sumagot sa tanong ko. Katahimikan ang bumalik sa akin na senyales lang na wala pa roon si Mama.
Napabuntong-hininga na lang ako. Nagugutom na kasi ako kaya ako lumabas ng aking kwarto at umasang nadoon na si Mama, para ipaghain ako ng makakain na kahit kailan hindi ko nagawa at hindi ko alam kung kailan ko magagawa para sa sarili ko. Pakiramdam ko nga napaka-useless kong anak. Wala akong kayang gawin kung 'di ang mangapa sa dilim at magtanong kung anong bagay ang nasa paligid ko.
Nang may makapa ang mga kamay ko, humawak ako roon at pumihit para bumalik sa aking silid. Wala naman kasi akong magagawa kung wala si Mama. Nang makapihit na ako, humakbang ang nga paa ko sa pinakamaingat na paraan pero napahinto rin agad ako nang may tila mga yabag na tumakbo sa kung saan.
"Ma, ikaw na ba 'yan?" nagtataka kong tanong. Wala naman kasi akong ibang kasama sa bahay eh. Maaga kasing umuwi si Lyndsy dahil may aasikasuhin pa raw siya. Siya kasi ang nagbabantay sa akin sa tuwing wala si Mama sa bahay.
Lalo akong nagtaka dahil sa walang sumagot. Hindi muna ako humakbang at pinakiramdaman ang paligid subalit biglang tumahimik muli.
Napakibit-balikat na lang ako at muling naglakad. Nang marating ko ang aking silid, kinapa ko ang aking kama at saka umupo roon.
"Ano'ng oras na ba? Bakit ba ang tagal ni Mamang dumating?" maktol ko habang hawak ang tiyan ko na kumakalam na.
Kung sana lang may mga mata akong may paningin hindi ko na kailangang umasa kay Mama sa mga maliliit na bagay na kung tutuusin kaya ko namang gawin. Napaka-useless ko sa puntong ulti mo maliit na bagay hindi ko magawa. Ganito pala kapag walang paningin. Walang mga mata. Napakadilim ng mundo ko at hindi ko alam kung paano gumalaw. Kung paano maging normal. Kung paano mabuhay. Pakiramdam ko rin wala akong kwenta, pabigat.
"Nak."
Mabilis akong napaigtad nang marinig ko ang boses ni Mama na nagmula sa labas. Tumayo ako at mabilis na humakbang palapit sa pinto ng silid ko. Pagdating sa lugar na 'to, kabisado ko na ang dapat na hakbang ko.
"Oh? Nasaan 'yong tungkod mo?" mabilis na tanong ni Mama sa akin.
"Nasa kwarto po," sagot ko.
"Ikaw talagang bata ka! Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na palagi kang magtungkod para hindi ka madapa," aniya na ilang beses ko ng narinig mula sa kaniya.
"'Ma, kaya ko naman po, eh," balik ko. Alam naman ni Mama ang dahilan kung bakit ayaw kong gumamit ng tungkod. Pakiramdam ko kasi lalo akong walang silbi sa tuwing hawak ko ang tungkod na 'yon.
Napag-aralan ko na rin naman ang gumalaw ng walang tungkod kahit pa ilang beses akong nadapa.
"Oh! Siya, sige na tara na't kumain." Inalalayan niya ako patungo sa lamesa para doon kumain.
Kasunod noon ang mga tunog ng mga pinggan at kubyertos na lang ang naririnig ko. Malakas nga ang pandinig ko pero wala namang silbi ang mga mata ko.
Bata palang ako hindi ko na nakita ang mundo. In born ang pagkabulag ko at tanging transplant na lang ang paraan para makakita ako na alam kong malabong mangyari dahil wala naman kaming pera para magpa-transplant. Nahirapan akong mabuhay bilang isang bulag na walang ibang kayang gawin kung 'di ang humakbang habang nagbibilang ng steps. Ang makinig at makiramdam.
BINABASA MO ANG
Eye Donor
HorrorLumaki si Jecialle sa madilim na mundong ginagalawan niya. Wala siyang ibang ginusto kung 'di balang araw makita niya ang magandang mundo na sinasabi ng marami. Hindi naman siya nabigo sa gusto niya, nagkaroon ng misteryosong eye donor para sa opera...