CHAPTER EIGHT: MAKE IT MINE

26 0 0
                                    

A/N:
Sa lahat po ng nagbabasa ng story ko, thank you...thank you...thank you po ng marami. I really appreciate it. Kahit na hindi niyo po i vote, okay lang po. Naluluha ako dahil kahit papaano may nagbabasa.
Thank you po ulit. First story ko po ito. So kung may makita po kayong mali, please comment lang po.
Again, thank you! 감사힘니다!!
Enjoy reading! :)

SHADE-

Alam ko namang hindi siya kinilig, alam ko namang walang effect sa kanya ang paghaharana ko.
And why do I keep on pursuing? Because, I really do love her. Yes I do. And because of that, I wont stop pursuing her. I have to make her mine and little by little...I have to make her fall for me. Kahit na mukhang imposibleng mangyari.
Pinapasok kami nina Aling Pa at Mang Not sa bahay nila. Hay...alam niyo ba kung ano ang sinabi nila?

"Alam niyo? Ganyan na ganyan din kami noon ng asawa ko noon." Nakangiting sabi nitong Aling Pa.

"Hinarana ka rin po ni Mang Not?" Di makapaniwalang si Chaye Anne.

Tumango naman ang mag-asawa.

"Alam na ba yan nina Nanang mo?" Tanong naman ni Mang Not.

"Aba opo! Ako pa." Masigla kong sagot.

Kinurot naman ako ni Chaye Anne sa tagiliran.

"Ako yung tinatanong, eh. Bakit ikaw ang sumagot?" Chaye Anne with a fake smile.

Kinindatan ko nalang siya. Nagsitilian naman ang mga kapitbahay na nanonood pala. Geez...kanina pa ba sila jan?

>>FAST FORWARD>>

Matapos ang interviewing sa,bahay nina Aling Pa, umuwi na si Chaye Anne sa bahay nila para magluto. At syempre, tumulong ako. Magaling kaya ako magluto. *wink*

"Ano namang kaya mong lutuin sa kangkong, itlog, mantika, sibuyas, bawang at kamatis huh? At kumakain ka ba ng dilis? Oh etong labanos? Anong gagawin mo dito?" Si Chaye Anne.

"Relax...akong bahala." Confident kong sabi.

>after 30 minutes
(ganyan kabilis magluto ang expert..hehe!)

FIO-

Napalunok ako ng laway sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Seriously? May ikabobongga pala ang mga ingredients na yun? Parang panghotel ang mga nakahain.

"Kain na tayo?" Si Shade.

Nabalik ako sa sarili ko nang biglang bumukas ang pinto. I know it's Tatang.

"NAKAPAG---!" Naputol ang sigaw ni Tatang nang makita si Shade na nagbow at lumaki mata nito nang makita ang mga nakahain sa mesa.

Lumapit itong Shade kay Tatang para magmano. I was expecting na itutulak niya ito at iwawaslik ang kamay nito.
I can't believe in my eyes...he let Shade take his hand para magmano.

"Kain na po tayo." Nakangiting yaya ni Shade kay Tatang. Si Nanang naman, bagong dating lang.

"Iho! Gabi na andito ka pa." Si Nanang na galing sa kanyang trabaho. Kahit na nakangiti yan, alam ko naman na pagod na pagod yan.

"Kain na po, pinagluto ko po kayo." Nakangiti na yaya nitong Shade kay Nanang.

>>FAST FORWARD>>

"Balik ka ulit dito, huh? Pero sana, dapat hindi na gabi." Si Nanang.

Si Tatang naman kanina pa tahimik. Di makapagsalita. Lintek! Grabeh pala effect pag si Shade bisita no?
Pero bakit noong si Erin yung pumunta dito...nasigawan pa ako ni Tatang?

FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon