CHAPTER FOUR: IKAW NA!

13 1 0
                                    

FIO-

Nag park kami sa tapat ng mall.

"Halika na." He open the door for me. Kahit kelan talaga, napaka-gentleman niya.

"Ano na ang gagawin natin dito? Dito ba kayo magdidinner ng family mo?" Tanong ko.

"Tayo...Tayo ang magdidinner with my family. And we are here para ayusan ka. Di naman pwedeng ganyan ang suot mo at ipapakilala kits kina Mie, Die at Lolo." Sabi pa nito.

"Oo na sige na. Umpisahan na para matapos na ito." At nauna na akong lumakad.

"Oops! Ako na." Papasok na sana ako. Siya na gumawa nito.

"Weeh? Totoo ba yan?" Ako.

"What?" Siya.

"Wala." Pumasok na lang ako.

Hay naku! Ilang babae na ba ang ginanito niya? Sampu? Bente na yata...no trenta na.

"Ikaw lang ang babaeng ginanito ko." Siya. Teka, nababasa niya ba isip ko? Nanahimik na lang ako.

"Okay na ba? Gentleman na ba ako?" Tawa pa nito.

"Che! Bilisan na nga lang natin para matapos na to. Baka malagot pa ako kay Tatang." At tumalikod ako dito.

"Promise, Chaye Anne pagagandahin kita." He said then he gave me a wink. Parang may deperensya lang sa mata, eh no?

Sumunod na lang ako hanggang sa nakarating kami sa second floor ng mall kung saan finals niya ako sa parlor. Talaga lang?

"Ilang girls na kaya ang nadala mo dito?" Tanong ko.

He looked at me seriously.

"What?" Ako.

"Ganyan ba talaga tingin mo sa akin?" Siya with puppy eyes.

"Hmm...honestly, Oo." Ako na tumango pa.

"I just want you to know Chaye Anne, that you're the only girl I brought in here and the only girl na pinilit kong makipag date, este mag dinner." Nabubulol pa talaga.

"So what do you mean?" I raised my eyebrow. Natahimik siya and he avoided my eyes.

SHADE-

Na ikaw lang talaga ang babaeng gusto ko. No! Mahal pala. Pero...hindi ko kay ang sabihin, eh. Anong sasabihin ko?

Napa-isip ako sandali. Then I looked at her again.

"Halos lahat kasi ng naging gf ko sila nagyayaya at namimilit sa akin na mag date, eh." Kinabahan ako sa sinabi ko.

Sinapok niya ako.

"Aray! Sakit mong mambatok!" Ako na napahimas sa ulo ko.

"Sobra mong yabang...grabe ka. Oo na! Ikaw na!" Siya.

Napangiti nalang ako. At dumating na ang mag-aayos sa kanya yung beautician.

"Anjan na yung beautician. Alis muna ako." Mamimili pa kasi ako ng masusuot niya. Promise!! Pagagandahin ko siya TONIGHT!

"Its image stylist, not beautician. At saan ka naman pupunta?" Tanong nito.

"Wala akong pambayad dito." Dagdag pa niya na binulong lang ito.

"Don't worry...my parents own this mall. Try nilang singilin ang girlfriend ng anak ng Boss nila." At kinindatan ko pa ito.

"Eh alam ba nila na girlfriend mo ko?" Siya.

FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon