CHAPTER THREE: IN THE NAME OF FRIENDSHIP

14 0 0
                                    

FIO-

"Naman, eh!!! Wala namang masasaing at maluluto dito." Kamot ko pa ulo ko.

"Di na ang pwede mangutang kina along Choleng..ang haba na ng listahan naming doon." Simangot ko.

Tumakbo ako papuntang likuran ng bahay, may nakabaon akong alkansya dito, eh. Mabuti na ang nakabaon para di makupit ng mga kapatid ko at ni Tatang.

"Isusuko ko muna ang pagbili ng tablet ko." Nanghihinayang kong sabi at binilang ang pera ko.

"WOW!! Naka two thousand six hundred ninety-four na pala ako?!" Di ako makapaniwala sa naipon ko. Inipon ko ito buong summer as Nanang's sidekick.

Gogora na sana ako nang makita ko si Tatang na umuwi na lasing na lasing. Agad akong tumakbo papunta sa kanya para alalayan ito.

"Tatang!" Ako.

"Nakaluto ka na?!" Lasing nitong tanong.

"H-hindi pa po. Bibili palang po ano ng bigas at u-" At sinapok ako nito sa ulo. Halos maalog ang utak ko sa lakas ng pagkasapok sa akin, muntikan pa akong masubsob sa lupa.

"BILISAN MO!! BUMILI KA NA!! NAGUGUTOM NA AKO!!" Sigaw nito sabay tulak sa akin. Nadapa tuloy ako sa tulak niya. Mabuti na lang at hindi ako nasugatan.

====================================

SHADE-

"Hello, Mie?" I put on my earphone to answer the call. Nagda-drive kasi ako.

Mie: ( on the phone ) Shade, pumunta sa dito sa restaurant ni Daddy mo.

"Bakit po Mie? May celebration po ba tayo ngayon?" Tanong ko.

Mie: ( on the phone ) Nandito si Lolo mo. May family dinner tayo.

Bigla akong napangiti sa narinig ko.

"Talaga po?! Sige po!" Ako.

Mie: ( on the phone ) Be here at 8:00 and by the way your girlfriend is here. Si Hartlie. Want to talk to her? Hija..

"I have to go Mie." And I end the call. Ano namang ginagawa ng echoserang babaeng yun sa family dinner namin? She is not a part of our family.

"DAMN IT!!" Nahampas ko pa ang kamay ko sa manibela. Ni hindi ko nga niligawan ang malanding babaeng iyon. Nakakainis!

"OH SHIT!!" Muntik na akong makasagasa. Sino ba namang nagba-bike na hindi marunong timingin sa dinadaanan?

"IKAW! HINDI MO BA ALAM NA MUNTI-!!" Napatigil ito nang ibaba ko ang window.

"S-Shade?" Siya.

"Ikaw pala." Sabi ulit nito.

I'm one of the members ng Ultimate Three...the popular boys sa Academy. Kaya malamang kilala niya ako at kilala ko rin siya, no. Chaye Anne.

"H- hi..o-okay ka lang?" Nabulol ako. Geez..bakit naman ako nabubulol?

"Hindi, muntik mo na akong masagasaan, palagay mo okay ako?" Siya. Nagmamataray. Walang kwentang kausap 'to puro kapilosopohan...ang that's why I like her.

Bumaba ako ng kotse.

"I mean...wala ka bang galos or something?" Tanong ko.

"Wala naman. Sige, nagmamadali na ako. Babye!" At sumakay siya ulit sa bike niya at nagmadaling umalis. Marunong siya magbike?

Sumakay ako ulit sa kotse ko. And I can't help but smile na parang nasiraan ng bait.

"Haha..ang cute niya kapag hindi naka school uniform." Ako still smiling and start the engine.

FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon