2

1.2K 4 0
                                    

[Warning: This chapter contains language and scenes that are not suitable for minors. Read at your own risk.]

Nakatulala ako sa kisame ng aking k'warto, binabalikan ang bawat detalye ng pangyayari kahapon. Marco walked out of my room after that kiss because of his guilt pero sa tingin ko limot niya na ang nangyari paggising niya ngayon kaya hindi na rin siya makakapag-sorry. Hindi ko rin makalimutan ang sampong segundo na nakahinga ako nang walang tulong ng aking oxygen support.

I breathed.

Nilagay ko ang aking dalawang kamay sa tapat ng aking puso. Bakit? Paano?

Inobserbahan ko ang aking paghinga. Kung paano tumataas at bumababa ang aking dibdib. Kung paano dumaloy ang hangin paloob at palabas.

Bigla namang kumilos ang aking mga kamay, nagbabalak gumawa ng hindi ko inaakala. Dahan-dahan kong inalis ang tubong bumubuhay sa akin sa loob ng tatlong taon nang walang pagdadalawang-isip. Ngunit biglang sumikip ang aking dibdib. Parang sinasakal ako at nauubusan ng hangin. Sinubukan kong kumalma at pinigilan ang aking sarili na ibalik ang tubo.

Pinilit kong isipin ang nangyari kanina, ang paghalik ni Marco. Kung gaanong kalambot ang kaniyang mga labi. Kung paano pinaglaruan ng dila niya ang bibig ko.

Nagsimulang mag-init ang aking katawan. Walang epekto ang lamig ng hangin na nagmumula sa aircon. Lalo lamang akong nag-iinit sa bawat haplos ko sa aking katawan. May kakaiba rin akong nararamdaman sa bandang ilalim ng aking tiyan, tila may kumikiliti rito na lalo namang nagpapasarap sa aking nararamdaman. Para akong kinukuryente mula ulo hanggang paa na siyang nagpatigas ng aking dalawang binti.

Nagsimulang gumala ang aking mga kamay sa aking katawan hanggang sa hindi ko namalayan na hinahawakan ko na ang aking ari. Bumilis ang tibok ng aking puso, naging maalwan ang aking paghinga. Napakagat ako sa aking labi habang hindi ko tinitigilan ang paghimas sa aking pagkababae.

"Ughhh..." Hindi ko na rin napigilan ang pag-ungol dahil sa sensasyon na aking nararamdaman.

Bakit ngayon ko lang ito ginawa?

Nilaro-laro ko rin ang aking clitoris gamit ang aking kaliwang kamay habang ang kabila naman ay sinusubukan kong ipasok sa loob. May mainit at malagkit na katas ang lumalabas dito na lalong nagpadulas ng paghimas ko sa aking ibaba. Sarap na sarap ako sa aking ginagawa.

Hinubo ko ang aking panty ngunit hinayaang nakasuot ang aking bestida. Binilisan ko ang paglalaro ng aking clitoris at dahan-dahan namang sinasagad ang aking gitnang daliri sa loob ng aking hiyas.

"Ughhh"

Nang maisagad ko ang aking daliri ay may nakapa ako sa loob na lalo namang nagpaigting sa aking nararamdaman. Kinulbit-kulbit ko ito at nilabas-masok ang aking daliri. Napapaliyad na ako sa sarap ng aking nadarama. Binilisan ko ang paglalaro nito hanggang sa manigas ang aking mga utong sa sarap

Pinipilit kong hinaan ang mga ungol na aking pinapakawalan nang sa ganon ay walang makarinig sa akin. Nagsimula na akong kumadyot sa aking sariling daliri nang maramdaman ko ang kakaibang pakiramdam na nagmumula sa aking pagkababae.

"Ughhh ughhh, fuck!"

Umagos na nga ang likidong kumawala sa aking hiyas. Bigla kong naisip kung paano kaya kung si Marco na ang gumagawa sa akin nito.

SI MARCO?

Napabalikwas ako at hindi makapaniwala sa aking ginagawa. Ano bang ginagawa mo, Adi? At ano pa talaga itong iniisip mo?

Nilinis ko ang aking sarili sa CR sa k'warto at nagbihis ng bagong damit. Humarap ako sa salamin at sinuklay ang buhok kong umaabot sa aking baywang. Napa-awang naman ang aking bibig nang aking mapansin na walang tubo ang humaharang sa aking mukha. Mangiyak-ngiyak ako sa tuwa nang malamang tama ang aking hinala. May pag-asa pa ako, kailangan ko lang maramdaman iyon.

Nanatili ako sa aking k'warto at hindi ko mapagdesisyunan kung sasabihin ko na ba ito sa aking magulang. Sigurado akong labis ang saya na kanilang madarama kung malalaman nilang nagamot na ang kanilang anak. Ngunit, paano kung itanong nila kung paano?

Umiling ako at tinapon ang aking sarili sa kama. Hindi ko muna sasabihin sa kanila, mag-aantay muna ako ng tamang pagkakataon upang hindi sila mabigla.

Bigla ko namang naramdaman ang pagsikip ng aking dibdib. Pinakiramdaman ko kung gaano ko ito mapipigil ngunit ikamamatay ko na ang susunod pang minuto.

Kinuha ko ang tubo at kinabit ulit ito.

Dalawang oras, dalawang oras mula nang ginawa ko iyon.

Kaya kong huminga sa loob ng dalawang oras ng walang oxygen ngunit kapalit ng kaluguran na iyon.

Nagpaalam ako kay Manang Rosie para makapagmuni-muni muna sa park. Kaya ko namang mag-isa basta ipagmamaneho ako ni Kuya Dino papunta doon. Si Kuya Dino ay personal driver namin simula pa noong bata ako. 20 years na siyang nagtatrabaho sa amin at nasa 20s siya noong magsimula siyang manilbihan kayna daddy kaya sobrang laki na talaga ng tiwala ng pamilya namin sa kaniya.

"Wala si Kuya Dino, hija," tugon ni Manang sa akin. Bakas naman ang aking pagkadismaya dahil mabubulok na naman ako dito sa bahay maghapon, "pero ang alam ko p'wede mo raw tawagan ang pamangkin niya kung may iuutos ka." Nagliwanag naman ang aking mukha at kita rin sa mukha ni Manang ang pagkatuwa niya sa akin.

Tinawagan na nga ni Manang sa telepono ang pamangkin ni Kuya Dino at pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na nga siya. May katangkaran ito at maganda ang hubog ng kan'yang katawan. Napansin ko na may hawig din siya kay Joseph Marco lalo na kapag nasa anggulo.

Ethan daw ang pangalan niya at pamilyar naman daw siya sa mga daan. Itinuro ko siya sa sasakyan at sinabi ko ang aming pupuntahan. Magalang naman siya sa akin at tumatango-tango lamang habang nakangiti bilang kaniyang pagsang-ayon.

"Matagal na si Kuya Dino sa amin pero bakit ngayon lang ata kita nakita sa mga pamangkin niya na nagpupunta sa amin noon kapag wala siya?" Tanong ko sa kaniya nang nagsimula ng umandar ang aming sinasakyan.

"Ah nag-aaral ho kasi ako sa Maynila noon pero nang makatapos ako ng kolehiyo ay umuwi na lang ako dito sa Batangas para makasama na rin sina mama at papa."

"May nahanap ka na bang trabaho?"

"Pa-sideline-sideline pa lang pero IT tinapos ko."

Mukha namang mabait itong pamangkin ni Kuya Dino. Kapag ngumingiti siya ay ngumingiti rin ang kaniyang mga mata. "Dito na lang ako, Kuya Ethan. Tawagan na lang kita kapag uuwi na tayo."

Naglakad ako papunta sa isa sa mga benches sa park. Nang uupo na ako ay may tumawag sa aking pangalan, "Aphrodite?"

"Macy." Sa lahat ng taong makikita ko ngayon bakit siya pa? Isa siguro siya sa mga taong tuwa-tuwa dahil nangyari sa akin 'to dahil sa wakas ay wala nang hahadlang sa pagkapanalo niya sa mga swimming competitions na sinasilihan namin noon. Ako kasi lagi ang nananalo at lagi lamang siyang pumapangalawa sa akin. At ngayong itinigil ko na ang paglalangoy, siguradong nagpapakasaya siya sa paghakot ng mga medalyang hindi niya makuha noon.

"Kawawa ka naman," sabi niya habang nakatingin sa tubong nakakabit sa ilong ko.

Nginitian ko lang siya at tumingin sa paligid, "Mag-isa ka lang?"

"Yes, actually may pupuntahan akong party. I really want to invite you to join. Nandoon mga high school friends natin. Kaso..." tinitigan niya ang oxygen tank na hila-hila ko habang nakangisi siya dito.

"It's fine. Bye," naglakad na ako palayo at kinontak ang number ni Kuya Ethan habang nanggigilid ang mga luha ko. It's okay, Adi. Life will teach them a lesson.


"Uuwi na po tayo?" bungad sa'kin ni Kuya Ethan kasabay ng pagbukas niya ng pinto ng kotse para sa akin.

Bigla na lang pumasok ang ideya sa aking isipin na alam kong pagsisisihan ko mamaya.

Aphrodite's CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon