Chapter 20

8 1 0
                                    

Kathryn's POV

Ang liwanag.. Nasa langit na ba ako? Ang pagkakatanda ko kasi.... hinoldap ako. So patay na talaga ako?

Tumingin ako sa kaliwa. Then sa kanan. May lalaki. Nakatungo. Natutulog. Si kamatayan ba to o San Perdro? Aish kathryn! Kaya nga maliwanag eh! Malamang langit to! Kaya si San Pedro to.

"Kathryn? Gising ka na!"

"D-daniel?"

"Oh?"

"N-nasa langit na ba tayo?"

"Langit? Pick up line ba yan? Hahahaha! Bakit? Mukha ba akong anghel?"

"Ha? Hindi! A-akala ko kasi patay na ako."

"Ikaw? Mamamatay? Pag kasama ako? Hindi noh."

"Yabang mo." sabay palo ko sa kanya. So... hindi pa pala ako patay -_- OA much lang.

"Pero hindi nga, pano mo ko niligtas ha?"

"Kasi sinusundan ko yung jeep na sinasakyan niyo. Tapos nagbababaan na yung mga pasahero. Tas ikaw hindi pa. Kaya pinasok ko yung jeep. Nakita ko yung holdaper may hawak na panyo. Pinaamoy siguro sayo. Kaya nahimatay ka."

"P-pero..."

"Ano? Magrereklamo ka? Tignan mo nga! Niligtas na kita eh. Nag ala superhero pa nga ako dun eh."

"H-hindi... salamat."

"Oy! Nagpasalamat sakin si madam! First time oh!"

"Hahahaha! Ikaw talaga. Pero salamat talaga, kasi binigyan mo ako ng pangalawang buhay."

"Wag kang magpasalamat sakin, kay God dapat." ang maka Diyos naman nito. #boyfriendgoals :DD

"Oo nga. At siyempre sayo rin :)"

"Welcome madam."

"Uhm Daniel..."

"Yes madam?"

"Wag mo na akong tawaging madam. Wag mo na rin akong pagsilbihan. Dapat nga ako ang magbayad sayo kasi niligtas mo ako."

"Nakonsensya madam? Este kath?"

"Hindi. Kasi malaking bayad na yung ginawa mo sakin kanina."

"Edi hindi na kita madam?" nagpout siya. ang cute hahahaha---- AY SINABI KO BA YON?!?! ERAAAAASEEEE!

"Hindi na. Bakit gusto mo pa ba?"

"Eh kasi nakakasama kita kapag madam kita eh..."

"Bakit pag hindi mo ako madam, hindi kita makakasama?"

"Hindi naman..."

"Oh ayon naman pala eh."

"Basta ganyan ka nalang palagi ha? Wag kang magsusungit."

"I can't promise. But I'll try." sabay ngiti ko.

Ngumiti nalang siya.

"Teka, alam ba to ni mama?"

"Ha? Ewan ko. Hindi ko pa nga kilala mama mo eh."

Hala oo nga pala. Bawal malaman ni mama na friends kami ni Daniel.

"Ahh.. Sige. Tawagan ko lang. DJ, pakuha nga nung phone ko sa bag please."

"Okay!"

Not Your Ordinary HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon